Sagot ni Ruffa Gutierrez sa paratang ni Gretchen Barretto: “Gusto ko lang linawin sa lahat ng mga tao na wala akong kinakampihan, hindi ako sumasawsaw.”

“Wala akong kaaway na artista, napaka-peace loving ko, napaka-bait ko. So if ever na merong problema, sila ang nang-aaway sa akin. Never akong nang-aaway.”

Photos: Anna Pingol & Instagram

“Wala akong kaaway na artista, napaka-peace loving ko, napaka-bait ko. So if ever na merong problema, sila ang nang-aaway sa akin. Never akong nang-aaway.”

“No comment. I’ve a very peaceful and happy life,” ang unang sagot ni Ruffa Gutierrez sa pikapika.ph nang hingan namin ng pahayag—together with fellow reporter Allan Diones during 67th birthday celebration ng kanyang mommy Annabelle Rama kagabi (October 26) sa Rockwell, Makati—tungkol sa biglaang pagkakasangkot niya sa isyu ng mga Barrettos. 

“Pati ako nagulat so...”

Ang tinutukoy namin ay ang biglang pag-call out sa kanya ni Gretchen Barretto sa ipinost nitong Instagram stories noong October 23, kung saan isinaad nito sa caption na: “sawsaw pa more Ruffy!! take it take it WOW!!”—aludding to the 1994 Manila Film Festival fiasco na kinasangkutan ni Ruffa—na ipinatong nito sa photograb niya sa post naman ng pamangkin nitong si Julia, kung saan nag-comment si Ruffa ng “Freshhhhhh.”

Sa pagkaka-alam kasi namin ay okay naman sila ni Gretchen at napaka-harmless naman ng “Freshhhhhh” comment niya kaya nakakagulat nga ding tila may nasaling si Ruffa sa damdamin nito. Very apt naman ang comment niya dahil fresh-looking naman talaga si Julia sa ipinost nitong larawan that day.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia. (@juliabarretto) on

 

Maaaring nagkaroon ng kulay ito para kay Gretchen dahil si Julia ay anak ng kapatid-turned-mortal enemy ngayon ni Gretchen na si Marjorie Barretto. Pero imbes na pumatol ay simple lang ang naging sagot ni Ruffa sa Instagram post niya that same day. Without addressing anyone in particular sinabi niyang:

“The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF. 🌟✨ #HappyLife #HappyGirl#PositiveVibes

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Nilinaw sa amin ni Ruffa na hindi sila magka-away ni Gretchen, na kapanabayan niya sa Regal Films noong 80s, pero hindi na raw sila close sa isa’t isa since 2008 pa.

“We’re not best friends anymore...matagal na akong umiwas sa kanya but...2008 pa since na umiwas ako,” k’wento ni Ruffa. 

Makahulugang dagdag niya: “I just want to maintain a peaceful life...cheers! Bye!”

Pero kahit hindi na sila close, wala daw siyang nakitang masama sa pagko-comment niya ng “Freshhhhhh” kay Julia. Kaibigan daw ito ng anak niyang si Lorin. Katunayan ay um-attend ito sa 16th birthday party ni Lorin last September 1 sa Makati, kahit kasagsagan naman noon ng pagkakasangkot ni Julia sa isyu nina Bea Alonzo at Gerald Anderson

Pero kaibigan naman daw niya ang Barretto sisters at patas lang ang level ng pagtingin niya sa mga ito kahit mas kababata niyang maituturing si Marjorie.

“Actually, all of them naman talagang close ko noon...we had our own [group],” balik-tanaw ni Ruffa. “Marjorie is my batchmate in [Collegio de] San Agustin...I was section 1F, siya 1C with Direk Mae Cruz. So, Direk Mae Cruz and Marjorie were classmates...batchmates kami with Mikee Cojuangco. So si Mikee din naging ka-same section ni Marjorie. So, we really all grew up together.”

[Direk Mae Cruz is the director of the 2017 KathNiel hit movie Can’t Help Falling on Love at ng upcoming love triangle movie, Unbreakable, nina Bea Alonzo, Angelika Panganiban at ng kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez.]

Kaya nga gulat na gulat daw siya sa naging reaksyon ni Gretchen sa simpleng positive comment niya sa IG post ng pamangkin nito na naging close naman niya noon dahil naging anak niya ito sa fantasy-series na Kokey (2007). 

As far as she knows nga daw kasi ay okay sila. Nag-hi-hello pa nga daw sila sa joint birthday party nina Mariel at Robin Padilla last August sa Raffles Hotel sa Makati.

“I know...wala akong kaaway na artista, napaka-peace loving ko, napaka-bait ko,” nakangiting dagdag bi Ruffa. “So if ever na merong problema, sila ang nang-aaway sa akin. Never akong nang-aaway.”

“Just as you were shocked...shocked na shocked [ako],” muling sabi ni Ruffa.

Pero hindi naman na nasundan ang patutsada ni Gretchen sa kanya, kaya all’s well na for Ruffa.

“Buti nalang...abangan ang susunod na kabanata...Sana wala...sana peace forever...” natatawang dagdag niya.

In the end, sinabi ni Ruffa na: “Gusto ko lang din linawin sa lahat ng mga tao na wala akong kinakampihan, hindi ako sumasawsaw...ako’y nananahimik. Nagulat lang ako na pagkatapos kong kausapin ko ’yong friend ko sa phone na ang daming nagte-text sa akin. So, kung kayo nagulat, nagulat din po ako.”

Hindi pa raw sila nagkaka-usap o nagkaka-text-an ni Gretchen tungkol dito. At kung siya ang tatanungin, hindi na ito kailangan.

“Wag na, wag na...iwas nalang tayo sa gulo. Prior to Thursday [October 23], I’ve a very beautiful peaceful life, so let’s bring back that peace,” pagtatapos ni Ruffa.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.