Sagot ni Alex Gonzaga sa naughty tweet ni “Mommy Pinty,” bumenta sa Netizens

PHOTOS: @Mscathygonzaga on Twitter

PHOTOS: @Mscathygonzaga on Twitter

Ikina-aliw ng Netizens ang naging pilyang sagot ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa reply ni “Mommy Pinty” sa kanyang Tweet. 

Ipinaalam kasi ng aktres sa Twitter kahapon, January 17, na s’ya ay officially misis na matapos ikasal sa kanyang politician boyfriend na si Mikee Morada.

Last November 2020 pa pala ikinasal ang dalawa at ibinahagi ‘yon ng 32-year-old actress sa kanyang tweet kahapon, January 17. 

“My dear Netizens, we are married!” pahayag ng 32-year-old actress-vlogger sa kanyang post kalakip ng wedding photos nila ng kanyang mister at YouTube link ng kanyang vlog.


Sa ngayon ay meron na itong mahigit 241K likes at 44K retweets.

Nag-reply sa post na ito ni Alex ang parody Twitter account ng nanay ni Alex na may handle na “Mommy Pinty” at nag-congratulate sa aktres. Nagbigay pa ito ng green joke na ikinabigla at ikinatawa ng netizens. 

“Congrats to my bunso! Pwede na maputokan,” sey ng parody account.

Hindi naman nagpatalo si Alex at may pagkapilyang sinagot ang tweet. 

“Anong pwede na? Tapos na!” aniya. 

Dahil sa good-humored na pagpatol na ito ni Alex, nagsihagalpakan sa Twitter ang kanyang mga followers. 

 

However, sa kasunod n’yang tweet, nilinaw ni Alex na walang Twitter account ang kanyang Mommy Pinty maging ang kanyang asawang si Mikee. 

“Wala po twitter ang nanay at asawa ko fyi lang!” pahayag pa ni Alex. 

Congratulations, Alex and Mikee!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Paliwanag ni Alex Gonzaga sa Netizen na nangaral na gayahin niya ang pagiging generous ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena: “we [also] help to bring back the glory to God.”

Alex Gonzaga and Luis Manzano’s cariño-brutal friendship in a nutshell

Alex Gonzaga is engaged now to her politician boyfriend Mikee Morada; announces the good news on her birthday

Alex Gonzaga reveals that Mayor Isko Moreno donated P1M endorsement fee to PGH

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.