Sa tingin ni Lorin Gutierrez, naubos na ang pagka-istrikta ng Lola Annabelle (Rama) niya sa mommy niyang si Ruffa kaya hindi raw ito stage lola sa kanya

“But overall, hindi naman ganoon ka-strict ’yong family ko...which is surprising for people to hear. Parang merong common misconception na sobrang strict ’yong lola ko, sobrang strict ’yong family ko...maybe even overbearing. But hindi naman ganyan. Actually, they’re pretty okay naman. They let me do own things. Trust me.”—Lorin

Photos: Ruffa Gutierrez Facebook

“But overall, hindi naman ganoon ka-strict ’yong family ko...which is surprising for people to hear. Parang merong common misconception na sobrang strict ’yong lola ko, sobrang strict ’yong family ko...maybe even overbearing. But hindi naman ganyan. Actually, they’re pretty okay naman. They let me do own things. Trust me.”—Lorin

Kamakailan ay pumirma si Lorin Gutierrez, ang maganda at ismarteng panganay ni Ruffa Gutierrez, ng management contract with the Viva Artists Agency (VAA).

Tanda na ready na itong mag-full swing sa pag-aartista na nasa dugo naman niya. Kahit marami na itong exposure noon sa It Takes Gutz to Be at Gutierrez reality show ng kanilang angkan at mga TV guestings kasama ng kanyang mommy Ruffing (palayaw ni Ruffa), this time ay solo flight siyang tatanggap ng acting and hosting jobs.

Sa digital conference ng VAA para sa kanya, hindi s’yempre maiwasang matanong ang bagets tungkol sa kanyang famous blood relations. Gaya ng kung ano, so far, ang mga restrictions ng nanay niyang si Ruffa sa kanya, now that she decides to embark on a new journey.

“Of course, no boyfriend, to focus on studies, focus on my career and she just tries to instill in me that I should focus on myself rather than focusing on other people first,” dire-diretsong say ng eloquent bagets.

However, nilinaw niyang gets niya ang pinanggagalingan ng ina.

Parang hindi naman siya nagsasabi na walang boyfriend because she’s too overprotective but because she’s looking out for me and obviously she wants the best for me.

“And I think because I’m still too young and I’m just starting out my career, I’m just starting my life, there’s no need for me to focus on another person as much as I’m focusing on myself. So, that’s her main restriction.”

Aniya, ramdam naman daw niya ang trust ng buong Gutierrez family sa kanya. 

“They trust me naman, they trust my judgement, they let me do what I want,” dagdag niya. “Of course they give me advise when I ask for it but I think my mom wants me to make my own naman for myself and let me follow my own path and my passion. So, she lets me have control of that naman po.”

When asked naman kung sino ang pinaka-strict among her Lola Annabelle Rama, her mom Ruffa Gutierrez, and her uncles (particularly the twins Richard and Raymond) na tila naka-bantay sa mga pino-post niya sa social media, sinabi niyang ang mommy daw niya—contrary sa expected answer na ang lola niya.

Actually, out of everyone, I’d say ’yong mommy ko ’yon pinaka-strict...compared to how my lola was with my mom, parang hindi naman siya ganoon ka-strict with me.

“I donno if it’s kasi maybe she already let out all her strictness sa mommy ko,” natatawang analyze niya.So, ngayon, di na siya gaanong stage lola. But I definitely say, my mom is strict...

“As for my titos, hindi naman sila masyadong strict...the one thing that everyone is overprotective about is of course, boyfriend, lovelife...the typical.

“But overall, hindi naman ganoon ka-strict ’yong family ko...which is surprising for people to hear. Parang merong common misconception na sobrang strict ’yong lola ko, sobrang strict ’yong family ko...maybe even overbearing. But hindi naman ganyan. Actually, they’re pretty okay naman. They let me do own things. Trust me.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lorin Gutierrez answers pikapika’s Random Questions

Lorin Gutierrez, hanggang socmed lang daw ang pagpapa-sexy; sexy roles are a no-no

Direk Darryl Yap, sinadista si Kim Molina; pinatalon ng 200-meters high na “walang reaksyon.”

Maine Mendoza, pipilitin daw “magpaka-pormal” sa pagho-host ng reality talent search show nila ni Paolo Ballesteros

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.