Sa sobrang cozy in real life, Allen Ansay at Sofia Pablo, nahirapan sa roles bilang na-ghost at nang-ghost

Panay raw ang sorry ni Allen Ansay kay Sofia Pablo dahil sa kanyang role sa #Ghosted. Never pa raw niya kasing nagawang mang-ghost ng babae in real life.

Photos: Instagram

Panay raw ang sorry ni Allen Ansay kay Sofia Pablo dahil sa kanyang role sa #Ghosted. Never pa raw niya kasing nagawang mang-ghost ng babae in real life.

Humarap sa Zoom mediacon kamakailan ang Team Jolly nila Sofia Pablo and Allen Ansay dahil sila ang bida sa bagong offering ng SparkleU titled #Ghosted.

This time ay hindi kilig-kiligan ang pagbibidahan ng AlFia loveteam dahil ang tema ng episode nila ay tungkol sa isang multo na nakaapekto sa mental health ng isang estudyante.

Tungkol din ang kuwento sa panggu-ghost o biglang pangde-dedma ng isang student named Zac (Allen) sa babaeng pinaasa niya na si Alessi (Sofia) dahil may ibang babae siyang gusto.

"Nagkaroon na po kami ng something pero wala na siya. Ang pinakaaabangan dito sa characters namin ay kung paano kami magkakasalamuha na kailangan ko pang tulungan 'yung girlfriend niya— 'yung present girlfriend niya—at hindi pa alam ng girlfriend niya na may past sina Alessi at Zac," kuwento ni Sofia sa tatakbuhin ng istorya.

Panay nga raw ang sorry ni Allen kay Sofia dahil sa kanyang role sa #Ghosted. Never pa raw niya kasing nagawang mang-ghost ng babae in real life.

“Sa story po, noong summer, kami na nu'ng girlfriend ko pero nagkagusto ako sa ibang babae. Kaya nung ginagawa namin siya, talagang nahirapan ako kasi kailangan ko, doon sa mga eksena namin, maging same 'yung feelings ko doon sa dalawa.

“Tinulungan talaga kami ni Direk Barry [Gonzales] nu'ng simula kasi parang kailangan namin ng awkwardness ni Sofie sa isa't isa.

“Sabi sa akin ni Direk Barry, kapag ginawa siya, kailangan makita ng tao na mahal ko 'yung dalawa, makita ko na mahal ko 'yung dalawa, na same 'yung emotion na nararamdaman ko.

“Yun kasi 'yung purpose din ni Zac, e, kung sino 'yung pipiliin niya? Mag-i-stick ba siya sa girlfriend niya talaga or doon sa na-ghost niya? Napaka-red flag ko!” tawa pa niya.

Kinuwento ni Sofia na sinubukan silang paghiwalayin ni Direk Barry sa set para makapag-concentrate sila sa bagong roles nila. 

Nakatrabaho na ni Direk Barry ang AlFia loveteam sa serye na LUV IS: Caught in His Arms kaya alam niya kung gaano ka-close ang dalawa. 

Ginawa rin ng AlFia loveteam ang mga teleserye na Raya Sirena, In My Dreams, Daig Kayo Ng Lola Ko: Be The Bes at Daig Kayo Ng Lola Ko: Carol Parol and the sitcom Open 24/7.

Sey ni Sofia: “Originally po, dapat ang gagawin ni Direk Barry sa amin, magkahiwalay kami ng standby area para magkaroon ng wall kaso nu'ng first taping day pa lang, isa lang 'yung standby area, isang buong classroom. Kaya nagkasama pa rin kami ni Aki  [tawag niya kay Allen]. Pero sinunod po namin 'yung gusto ni Direk Barry na mag-focus kami sa characters namin.

“It’s true na bago po sa amin ni Aki ang roles namin sa #Ghosted. Sanay po kasi sila na nagpapakilig kami kasi apat na shows nila kaming napapanood na puro gano’n. Kaya iba po ito at pinagbutihan po namin.”

Kasama nila Allen at Sofia sa Sparkle U: #Ghosted sina Rufa Mae Quinto, Marco Masa, Princess Aliyah, at Liana Mae. May special participation naman sina Archie Alemania, Debraliz, at Gio Alvarez.

Ang Sparkle U: #Ghosted ay mapapanood na today, November 26, 5:55 PM, sa GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Team Jolly and Sparkada members take the primetime spotlight via LUV IS: Caught In His Arms

Allen Ansay, kinabahang pumalpak ang “will you be my date?” proposal kay Sofia Pablo sa HK Disneyland

Sofia Pablo, trip to Singapore ang birthday gift sa sarili; makikipag-date kay Allen Ansay pag balik

Sofia Pablo admits she and Allen Ansay are already in "MU" status; also says: "Sabi po ng Mama ni Allen [sa akin], 'Ikaw lang ang p'wedeng dyowain ni Allen!"

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.