Sa pagtanggi nina Pip at Boyet na makasama siya sa pelikula, sagot ni Ate Guy: “Bahala sila!”

Kina Christopher de Leon at Tirso Cruz III unang inalok ni Direk Joel Lamangan ang dalawang special roles sa Isa Pang Bahaghari na pagbibidahan ni Superstar Nora Aunor. Kapwa tumanggi ang dalawa kaya ang roles ngayon ay gagampanan na nina Phillip Salvador at Michael de Mesa.

PHOTOS: Anna Pingol, @tirsocruziii & @sandy_andolong_de_leon

Kina Christopher de Leon at Tirso Cruz III unang inalok ni Direk Joel Lamangan ang dalawang special roles sa Isa Pang Bahaghari na pagbibidahan ni Superstar Nora Aunor. Kapwa tumanggi ang dalawa kaya ang roles ngayon ay gagampanan na nina Phillip Salvador at Michael de Mesa.

“Ay, naku, siguro naman may edad na tayo diyan para pag-usapan ang gusto nila. Bahala sila, ibigay natin sa kanila kung ano ang desisyon nila. Kasi ang bawat isa naman sa atin ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay kaya hayaan na natin sila.”

‘Yan ang loaded na reaksyon ng Superstar na si Nora Aunor sa ginawang pagtanggi nina Tirso Cruz III at Christopher de Leon na gawin ang possible Metro Manila Filmfest entry ng Heaven’s Best Entertainment na Isa Pang Bahaghari.

Matatandaan na unang inalok kina Tirso at Boyet ang proyekto na ididirehe ng batikang si Joel Lamangan sa ilalim ng panulat ng award-winning na si Eric Ramos. Sina Direk Joel at Eric ang same tandem behind the multi-awarded 2018 MMFF entry na Rainbow’s Sunset.

Pero pareho silang tumanggi dahil umano sa kani-kanyang schedule.

May temang kabadingan ang Isa Pang Bahaghari kaya naman natutuwa raw si Ate Guy na tinanggap ito nina Phillip Salvador at Michael de Mesa, bilang mga kapalit nina Boyet at Pip.

Natutuwa naman ako kasi ’yong mga... si Kuya Ipe at si Michael ay ’di hamak na magagaling na artista na makakasama ko ngayon.”

Sa isa pang hiwalay na panayam kay Ate Guy, muling naitanong ang tungkol sa pagtanggi ng dalawang aktor na kapwa nagkaroon ng kaugnayan sa buhay niya in the past. At sa pagkakataon na ’yon ay tumanggi nang mag-elaborate ang Superstar. Basta raw at masaya siya.

“Sina Phillip Salvador at Michael de Mesa, pawang magagaling na artista,” pag-ulit niya. “At walang…hindi maarte. Mabait silang kasama sa trabaho.”


Ikinatutuwa rin ng Superstar na makasama ang mga batang artista ng henerasyon ngayon gaya nina Sanya Lopez, Joseph Marco, Zanjoe Marudo (gaganap bilang mga anak nina Ipe at Guy), Albie Casino (bilang batang Ipe), Maris Racal (young Nora) at Migs Almendras (batang Michael).

Kasama rin sa final cast na humarap sa storycon at look test nitong Linggo ang Annie Batungbakal leading man ni Ate Guy na si Lloyd Samartino. Kaya diin ng Superstar, “masayang-masaya” siya.

Excited na nga ang aktres na makatrabaho ang lahat, lalo na si Ipe, na ’di lang daw magaling na aktor kundi masarap pang kasama sa set.

Unang nagkasama ang dalawa sa mga ’di malilimutang klasiko na Bona, Tinik sa Dibdib, at Nakaw na Pag-ibig.

Dagdag pa ni Ate Guy, “Suspetsa ko nineberyosin ako pag siya (Ipe) ang kaeksena, kasi nga magaling na artista si Kuya Ipe.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.