Sa pag-ani ng batikos, Coco Martin, ipinagtatanggol ng mga kapwa-artista at production staff ng Ang Probinsyano

PHOTOS: @mr.cocomartin & @biboy_arboleda_ on Instagram

PHOTOS: @mr.cocomartin & @biboy_arboleda_ on Instagram

Nagpahayag ng kani-kaniyang pagsuporta ang mga kasamahan ni Coco Martin sa longt-time action-drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan tumatayo siyang bida on-cam; habang co-director at co-writer naman off-cam.

Kasunod ito ng paglalabas ni Coco ng galit at pagkadismaya sa pagpapahinto sa ABS-CBN na umere dahil sa nag-expire nitong broadcast franchise. 

Sa Facebook Live ng Kapamilya stars last May 8, isa ang aktor sa naglabas ng saloobin kaugnay sa sinapit ng ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission. 

Isang galit at frustrated na Coco Martin ang humarap that night sa publiko via Facebook Live. Bago pa ito, naglabas na din ang actor ng sunod-sunod na maaanghang na mensahe sa kanyang mga Instagram posts. 

Sumugod naman ang bashers at kritiko ng Kapamilya primetime actor upang salungatin s’ya sa kanyang mga pahayag. 

Ilan din ang nagsasabi na malayong malayo siya sa orihinal na bida ng programa, ang namayapang Da King na si Fernando Poe, Jr. 

Ang video ni Coco ay nag-viral na online at nagawan pa ng iba’t ibang klaseng memes na karamihan ay tila naka-target na hiyain o gawin siyang katatawanan.

Dahil sa inuulan ngayon ng batikos ang aktor kaya’t minabuti ng mga co-stars at iba pang kasamahan nito sa Probinsyano gaya ng mga writers at co-directors, na ipagtanggol at ihayag sa publiko kung ano’ng klaseng tao ang kinukutyang nagyon na si Coco Marrtin sa likod ng camera. 

Mula pa May 11, isa-isang nang naglalabasan ang mga video testimony ng mga kasamahan ni sa programa. Sa kani-kanilang video ay nagpapa-abot sila ng suporta sa 38-year-old award-winning actor. 

Ilan sa kanila ay ang batikang artista gaya ni Jaime Fabregas, Angel Aquino, CJ Ramos, John Prats at iba pa. 

“Sinusuportahan ko si Coco Martin,” pahayag ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas na gumaganap na Delfin Borja sa Ang Probinsyano. “Nasa likod mo ako, Coco.”

“Naniniwala ako na ang bawat Pilipino ay may karapatang ihayag ang kanyang damdamin, na sabihin ang kanyang saloobin para malaman ng ating mga kababayan, ng mga nanunungkulan at ng buong mundo kung ano ang tunay na nangyayari dito,” pagpapatuloy n'ya.

Pareho din daw sila ng isinusulong ni Coco at iyon ay ang demokrasya. 

“Maraming nagbubulag-bulagan, maraming nagbibingi-bingihan. Pero ako po nandito dahil ipinaglalaban ko rin ang tunay ipinaglalaban ni Coco, ang demokrasya, ang kalayaan ng ating bansa.”

Dagdag pa n’ya: “Huwag tayong matakot dahil ’yon lang ang armas nila laban sa atin. Mabuhay ka Coco. Mabuhay ang Pilipinas.

 

Jaime Fabregas, Lumalaban para kay Coco Martin.

Posted by Coco Martin PH on Monday, May 11, 2020

Bukod naman sa paglalabas ng saloobin niya tungkol sa pagkaka-shutdown ng ABS-CBN, nagpahayag din ng suporta niya para kay Coco ang co-star nitong si Angel Aquino.

Kasama mo ako Coco,” wika ni Angel. “Sinusuportahan kita. Gawin natin ito para sa bayan.

 

Angel Aquino para kay Coco Martin

Posted by Biboy J Arboleda on Monday, May 11, 2020

Ibinahagi naman ng former child star na si CJ Ramos na kaya s’ya nakabalik sa mundo ng showbiz ay dahil sa kabutihang-loob ni Coco. 

Ang masasabi ko na isa sa best days of my life, e, una ho, e, nahatak po n’ya ako kung nasa’n ako noon,” pahayag ni CJ. “Nabigyan n'ya ako ng trabaho. Natulungan n'ya po ako kung paano maging isang propesyonal na nagtatrabaho.”

Kwento pa n’ya, modelong maituturing si Coco dahil sa kabutihang ipinapakita nito lalo na sa mga tao behind the camera.

Nakita ko po ang kanyang sipag at pagmamalasakit sa set,” patuloy ni CJ. “Halos araw-araw. Isa s’ya sa matatawag ko na role model.”

Binalingan din ng aktor ang mga bashers ni Coco at sinabing naiinggit umano ang mga ito sa tagumpay na tinatamasa ng bida ng Ang Probinsyano

Ngayon tinitira n’yo dahil nagpaka-tao s’ya? Gusto n’yong sumikat? Nakahanap kayo ng t’yempo? Bakit s’ya pa ang tinitira n’yo? Kung sino pa yong taong nagbibigay ng tulong, maraming nabigyan ng trabaho, ganyan pa gagawin n’yo? Bakit? Kasi inggit kayo? Kasi pangarap n’yo maging artista. Gusto n’yo kayo ’yong maangas. Gusto n’yo astig kayo?

Ang isang Coco Martin, e, hindi malalamatan ang pagkatao n’yan. Ika nga nila, 'You can't put a good man down,’” pagtatapos ni CJ.

 

CJ Ramos para kay Coco Martin

Posted by Biboy J Arboleda on Monday, May 11, 2020

Inilarawan naman ng BFF ni Coco na si John Prats ang kaibigan na malayong-malayo umano sa sinasabi sa kanya ng kanyang mga bashers online. 

Sobrang mapagmahal, protective,” wika ni John Prats. “Hindi lang sa pamilya n’ya kundi pati sa aming mga kaibigan n’ya at mga kasamahan nya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Never n’ya inisip ang sarili nya. Lagi nya iniisip kung ano ang kapakanan ng lahat. Kaya ’yon ang hinangaan ko sa kanya at ’yon ang nagpatibay ng aming pagkakaibigan.

Sinabi rin ng aktor na hindi nito iiwan si Coco sa gitna ng kinakaharap nitong laban.

Paps, sa laban mong ’to, sa laban nating ito, sa laban ng lahat ng kapamilya at sa laban ng bayan, kaisa mo ’ko. Kaisa mo kaming lahat. Hinding-hindi ka namin iiwan.”

 

John Prats para kay Coco Martin

Posted by Biboy J Arboleda on Monday, May 11, 2020

Kabilang din sa nagpahayag ng pagsuporta kay Coco ang isa sa mga writers ng Ang Probinsyano na si Tyrone Santos. 

Ayon kay Tyrone, ang paglalabas ng galit at frustrations ni Coco sa Facebook Live ay normal lamang sa isang tao dahil sa sinapit ng kanilang home station.

Sa tingin ko po patunay lamang [’yon] na s’ya ay totoong tao na hindi sasabihin ang gusto mong marinig bagkus ang sa tingin n'yang makabubuti sa'yo. Hindi po masamang tao si Direk Coco. Ang gusto lamang n’ya po ang nakabubuti sa marami.

 

Tyrone Santos para kay Coco Martin

Posted by Biboy J Arboleda on Monday, May 11, 2020

Isa rin ang crowd director na si Papsy Obial sa nagpahayag ng supporta kay Coco na sinasabi n’yang mahusay umanong makisama sa set pero seryoso sa trabaho. Inisip din daw kasi nito ang kapakanan ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera.

K’wento pa n’ya, isa ang aktor sa nagbigay ng opportunidad para maging crowd director siya mula sa pagiging caretaker ng mga talents.

“Nakitaan siguro ako ng potential ni Direk CM kaya ginawa n’ya akong crowd director ng FPJs Ang Probinsyano. Nagpapasalamat ako dahil sinama n’ya ako sa kanyang mga pelikula bilang crowd director.

Para sa akin, Direk CM, nandito lang po kami. Maraming salamat.

 

Papsy Obial para kay Coco Martin

Posted by Biboy J Arboleda on Monday, May 11, 2020




 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.