Ryza Cenon, nahikayat magpa-check ng dibdib ng kaibigang si Chynna Ortaleza

Gaya ng kaibigang si Chynna Ortaleza, ina-advocate na rin ni Ryza Cenon ang pagpapa-check up ng mga gaya nilang babae.          “I am imploring all of my fellow women, especially if you’re 35 or older at lalo na kung may history kayo ng cancer sa family niyo, to please make these tests a part of your annual medical routine. Wag na maghintay na may symptoms na makita or maramdaman before magpa-check-up.”

Photos: @iamryzacenon / @chynsortaleza

Gaya ng kaibigang si Chynna Ortaleza, ina-advocate na rin ni Ryza Cenon ang pagpapa-check up ng mga gaya nilang babae. “I am imploring all of my fellow women, especially if you’re 35 or older at lalo na kung may history kayo ng cancer sa family niyo, to please make these tests a part of your annual medical routine. Wag na maghintay na may symptoms na makita or maramdaman before magpa-check-up.”

Ang VIVA artist na si Ryza Cenon ay sumailalim sa ilang pagsusuri sa kanyang breast. Ang pagpapakonsulta  niyang ito ay impluwensiya ng isa sa matalik niyang kaibigan, ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Sa Instagram ni Chynna, ibinahagi nga niya kamakailan kung bakit kinailangan niyang magpa-breast check-up at kung paanong dahil doon ay hinikayat niya ang mga kababaihang gaya niya na gawin ito, kahit na walang nararamdaman o walang nakakapang anuman sa kanilang mga dibdib.

Sa post ni Chynna, sinabi niyang meron silang history ng breast cancer sa pamilya. Si Ryza, for her part, ay stomach cancer naman ikinasawi ng ina noong tatlong taong gulang pa lamang siya.

Kaya naman isa si Ryza sa masasabing na-encourage ni Chynna na magpa-check sa Asian Breast Center.

At katulad ni Chynna, masayang ibinalita ni Ryza na cleared naman siya. At ngayon, isa na rin si Ryza sa humihikayat sa mga kababaihan na sumailalim din sa same procedures na ginawa nila.

“So I just had my Digital Mammography, Breast Ultrasound and consultation done sa Asian Breast Center kasi alam niyo naman, hindi na tayo bata,” tsika ni Ryza.

“Kaya I am imploring all of my fellow women, especially if you’re 35 or older at lalo na kung may history kayo ng cancer sa family niyo, to please make these tests a part of your annual medical routine. Wag na maghintay na may symptoms na makita or maramdaman before magpa-check-up.”

At sabi pa niya, “Thank you Febe @chynsortaleza for encouraging me na ipacheck ko na rin.”

Ani pa ni Ryza,, hindi naman daw masakit ang procedure kaya wag daw matakot ang mga first-timers.

“Okay naman naging results ko. And hindi po masakit saka it masakit man po, aalalayan kayo ng nurse, tatanungin naman po kayo if nasasaktan po kayo or not.  Sa experience ko po, hindi naman po.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Ryza Cenon, aminadong may post-partum [depression] pa rin

Ryza Cenon, bukas pala ang third eye; sanay sa company ng mga multo kaya nahirapan daw um-acting na takot

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.