Ryza Cenon, feeling binagyo dahil sa mga kalat ng unico hijong si Night

Nasa stage na ngayon ng paglalaro at pag-e-explore ang anak ni Ryza Cenon na si Night kaya naman hindi maiwasang magkalat sa bahay nila ang mga laruan nito. 

PHOTOS: @iamryzacenon on Instagram

Nasa stage na ngayon ng paglalaro at pag-e-explore ang anak ni Ryza Cenon na si Night kaya naman hindi maiwasang magkalat sa bahay nila ang mga laruan nito. 

Tiyak na relate na relate ang mga mommies sa sitwasyon ngayon ng actress and celebrity mom na si Ryza Cenon.

Nasa stage na kasi ngayon ng paglalaro at pag-e-explore ang three-year-old son niyang si Night

Ang resulta, maya't maya ay nagliligpit ng mga kalat na laruan ang aktres.

Ayon nga sa Instagram Story niya kahapon, January 18, nawindang daw siya sa mga kalat at napaisip kung ilan ba talaga ang anak niya. 

"Yong nag zoom meeting ka lang pag lingon mo binagyo ka na pala. [Face holding back tears emoji]," lahad ni Ryza sa kanyang IG Story.

Makikita doon ang anak niya na naglalaro habang marami sa mga laruan nito ang nakakalat sa sahig. Maging ang mga throw pillows ay ikinalat na rin ng bagets.

"[A]lam ko isa lang ang anak ko e... pero bakit parang ang dami.. [Face holding back tears, grinning face with sweat, face with peeking eye, and thinking face emojis]," saad pa niya.

SCREENSHOT: @iamryzacenon on Instagram

Mukhang enjoy naman ang aktres sa role niyang ito bilang mommy. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ryza Cenon, na-senti sa third birthday ni Baby Night; "Parang kailan lang nag-pictorial tayo para sa first birthday mo. Ngayon 3 years old ka na."

Ryza Cenon, nakaramdam ng pressure sa pagko-comedy; bitbit hanggang sa set ang pagiging nanay

Ryza Cenon sa basher na nagsabing “insensitive" siya: “KJ yarn? Sarili ko tinatawanan ko.”

Ryza Cenon, binalaan ang partner na si Miguel Cruz na wag siyang sosorpresahin ng proposal; “‘Baka mamaya di pa ako ready, mapahiya ka.’

​​​​​​

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.