Magda-dalawang taon na ang first born ni Ryza Cenon and partner Miguel Cruz na si Night.
Sa ngayon ay nagpapagawa na ng bahay ang magkasintahan at bukod doon ay kapwa sila tutok sa anak na in-enroll nila sa mga early childhood development programs.
“Okey naman kami, pero siyempre, may mga problems din,” bungad na k’wento sa amin ni Ryza nang makatsikahan namin kamakailan. “Hindi naman mawawala ’yon, pero naia-ayos naman.”
Hindi pa raw nila prayoridad ni Miguel ngayon ang pagpapakasal. Pero ayon dito, nakikita naman daw niya na ang ama na nga ng anak niya ang gusto niyang makasama habangbuhay.
“Mas naka-focus kami kay Night, kasi ang kasal naman, kahit anong age p’wede mong gawin. At least, kahit paano, kapag naka-focus kayo sa anak n’yo, p’wede n’yo pang mas pagtibayin ang foundation n’yo.
“Lalo na ngayon, nauuso ang ikakasal tapos, maghihiwalay, ’di ba? Wala kasi silang foundation ng relationship.”
Inamin ni Ryza na nagsilbing “warning” sa kanya ang mga latest ganap sa mga artistang nagpapakasal na nauuwi rin sa hiwalayan kaya’t mas lalong hindi niya naging priority ito.
“Ever since naman kasi, never ko namang naging priority ang wedding. For me kasi, ang wedding, para lang siyang isang event.
“For me, ang importante pa rin ’yung relationship. ’Yung nabubuo ’yung foundation n’ya. So, kumbaga, papers lang ’yon. ’Yun lang ang magpapatunay na kasal kami. Bakit, kung wala ba ’yon, hindi p’wedeng magmahalan?”
Hindi naman daw sa against siya sa konsepto ng kasal. Pero kung mangyari man daw iyon sa kanila, ayaw niya raw ng fanfare.
“Hindi ko naman sinasabi na tama ako at hindi ko rin naman sinasabing against ako sa kasal. Kanya-kanya naman kasi tayo ng paniniwala, di ba?” natatatawang sabi pa niya. “Minsan nga, iniisip ko ang kasal, gastos lang ‘yan. P’wede naman kayong magpakasal ng simple.”
Hindi pa rin naman daw nagpo-propose ang ama ng anak niya, ang cinematographer na si Miguel. Pero ayon kay Ryza, binalaan na niya ito na ayaw niya ng surpreang proposal kung sakali.
“Sinabi ko na sa kanya before, inunahan ko na siya. Sinabi ko na: ‘Wag kang magpo-propose ng secret or isu-surprise mo ko kasi, baka mapahiya ka. Tanungin mo na lang ako ng diretso. Kasi, baka hindi pa ko ready.’
“Ang sinasabi ko lang, hindi naman kailangang gano’n palagi. Na kung ano ’yung uso na may pa-surprise, pa-party, ’yung ganyan. Tapos, magpo-propose... P’wede namang intimate lang.
“Pero, hindi pa ngayon,” natatawang pahabol niya.
Isa raw sa hinahangaan ni Ryza sa mga kilalang relasyon sa showbiz ay ’yong kina Aubrey Miles at Troy Montero na matagal muna nagsama bago nagpakasal.
“Kasi, hindi naman nila kailangang magmadali.”
Solid na solid na nga naman ang pagsasama na isinelyo nalang ng kasal later on. And speaking of solid, masasabi naman daw niyang solid ang relasyon nila ni Miguel ngayon.
“Solid naman kahit na may mga ups and down,” natatawang pagtatapos niya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ryza Cenon, nawindang sa water bill nila na umabot sa mahigit P120K; “Ano kami may carwash?”
Ryza Cenon, nahikayat magpa-check ng dibdib ng kaibigang si Chynna Ortaleza
Exclusive: Ryza Cenon, aminadong may post-partum [depression] pa rin
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber