Ryle Santiago, malalim pa rin ang hinanakit sa biological dad na si Reily “Junjun” Santiago

“Hindi ko kinahihiya na Santiago ako...marami silang nai-ambag sa showbiz pero pinalaki ako ng Tan. By blood and by heart, and by mind, Tan ako. But by legality I am Santiago.”

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

“Hindi ko kinahihiya na Santiago ako...marami silang nai-ambag sa showbiz pero pinalaki ako ng Tan. By blood and by heart, and by mind, Tan ako. But by legality I am Santiago.”

Tila may nabuksang can of worms ang paglilinaw sa kung ano ba talaga ang screen name ni Cherub Baby Wipes endorser na si Ryle Santiago—kung Ryle Santiago ba o Ryle Tan. May mga naka-tanda kasing Ryle Tan ang ginagamit ng binata noon sa kanyang mga social media accounts.

Naganap ang paglilinaw sa renewal contract-signing ni Ryle with the MegaSoft Hygienic Corporation (manufacturer of Cherub) sa Orinetal Palace sa Quezon City last August 31.

Ipinasa ni Ryle ang pagsagot sa tanong sa stepdad niyang si Chris Tan, na siya ring tumatayong manager at co-signee niya.

“Si Ryle is born Santiago,” panimulang paliwanag ni Chris. “Everybody knows I’m his stepfather. Since three years old siya, ako na ’yong tumayo as his father.

“’Yong Ryle Tan, siya ’yong nag-start no’n e, he started using Ryle Tan...pero para lang...ako na rin po nag-decide na para wala nalang confusion, [use] Ryle Santiago. Kasi I always tell him naman, no matter...for me kasi, kung anuman ’yong dumadaloy sa puso niya, that’s it. 

“Kasi nagkaroon kami ng discussion when he entered showbiz na whether gagamitin niya ’yong born name na Ryle Santiago or he wants to carry my name as Ryle Tan. So, sabi ko sa kanya, para wala ng confusion, let’s use Ryle Santiago. Anyway, no matter what happens, you’re my son.”

Pero hindi nakatiis si Ryle at nagdagdag pa ito ng impormasyon. Aniya, nagpa-alam siya noon sa biological dad niyang si Reily “Junjun” Santiago—kapatid nina Randy, Rowell, at Raymart—para gamitin ang apelyidong Tan. Pero hindi umano siya nito pinayagan.

And for his own peace of mind—or possibly, rebellion—pina-tattoo na lang daw niya ang apelyidong Tan sa kanyang kanang braso.

“That’s why ako, I’m, 20 years old, and I wanted to carry the name [Tan] with me somewhere...kasi none of my legal documents are Tan, none of my social media [accounts] are Tan—pinatanggal ni Daddy [Chris sa akin] para walang confusion,” dire-diretsong salaysay ni Ryle. “So, I had it tattooed on my arm para at least somewhere, buhat ko ’yong pangalan niya. Pero maliit lang naman po. Hindi po conflict sa kontrata ’yon.”

Ang tinutukoy ni Ryle ay ang kontrata niya sa Cherub as endorser dahil isa sa dahilang kung bakit siya endorser nito ay dahil sa pagiging wholesome ng kanyang image.

Pagkatapos ng formal Q&A ay muli naming kinausap si Ryle para mas linawin pa ang ilang bagay.

“I wanted to carry the name Tan with me somewhere...kasi none of my legal documents are Tan, none of my social media [accounts] are Tan—pinatanggal ni Daddy [Chris sa akin] para walang confusion. So, I had it tattooed on my arm para at least somewhere, buhat ko ’yong pangalan niya. Pero maliit lang naman po.”

 

“By blood, by heart, and mind, Tan ako.”

Ang pangalawang asawa ng nanay niyang si Sherilyn Reyes na si Chris Tan ang nakagisnang tatay ni Ryle. At kahit naranasan naman ni Ryle na tumira sa poder ng biological dad niyang si Junjun Santiago—who is one of the business unit heads in ABS-CBN—ay mas napalapit ang loob nito sa kanyang Daddy Chris.

Dahil daw sa presence ni Chris sa buhay niya, never siyang nakaramdam ng kakulangan sa pagmamahal.

“Hindi kasi ’yong other people ’yong dala nila is lumaki silang walang tatay... ako hindi, e, lumaki akong may tatay, e. Wala pa akong consciousness noong three years old... hindi ko maalala ’yong ...hindi ako nawalan ng tatay  

“And sobra akong thankful na maaga siyang pumasok sa buhay ko hindi ko. Hindi ko nadaanan ’yong teenage angst nayong tipong may nanliligaw sa nanay ko, kailangan dumaan sa akin. Mabuti pumasok si daddy sa buhay ko wala pa akong alam, kasi kung may alam na ako baka nag-away pa kami. . . hahaha. . . pero napatunayan ni daddy na sobrang mahal niya ako at sina mama.”

Nine or ten years old daw siya, sa pagkakatanda niya, when he asked his biological dad kung p’wede siya magpa-ampon sa kanyang daddy Chris.

“I think noon 9 or 10 years old ako, tinanong ko ’yong tatay ko kung p’wede ako magpa-adopt kasi wala na rin siyang responsibilities na ina-uphold sa akin. Sabi niya sa akin wag,” prankang paliwanagn ni Ryle. “Ayaw niya for reasons unknown. Hindi niya na-explain kung bakit ayaw niya. So, ayon. 

“Medyo in-insist ko pa pero siguro ayaw niya i-take ’yong weight from 9, 10 year old [na bata]. Akala niya siguro sila mama ’yong nagsasabi pero hindi, ako talaga ’yon.

“And then hindi niya ako pinayagan. Naiinis ako. So ’yong mga social media ko ginamit ko ang Tan but all my legal documents—all throughout, Santiago. Until tumanda ako, mas nag-mature ako, sige inintindi ko nalang. I changed... ’yong screenname ko Santiago. Had to be. Hindi rin ako pinayagan mag-Tan. So, that’s why nag-decide ako na magpa-tattoo ng Tan para at least kahit somewhere bitbit ko ’yong pangalan, bitbit ko ’yong pangalan somewhere.”

Dagdag pa ni Ryle, ang Daddy Chris daw niya ang talagang nagpalaki sa kanya. Kaya para sa kanya, he’s more of a Tan than a Santiago.

“Hindi ko kinahihiya na Santiago ako...marami silang nai-ambag sa showbiz pero pinalaki ako ng Tan. By blood and by heart, and by mind, Tan ako. But by legality I am Santiago.” 

May pinag-awayan daw sila ng kanyang biological daw noong bata pa siya at hindi na raw ito naayos. Hindi na nag-elaborate si Ryle about it. Pero iyon daw ang dahilan kung bakit hindi siya naging malapit kay Junjun.

But we’re civil,” kaswal na sabi ni Ryle. “Kasi sa ABS[-CBN] din siya nagta-trabaho. Civil kami but we have not made amends.” 

Ryle and his daddy, Chris Tan, signed the new contract that guarantees Ryle’s continued ambassadorship for MegaSoft Hygienic Product, Inc.’s Cherub Baby Wipes. Part of Ryle’s commitment as endorser is to go a regional school tours to promote the brand. With them is MegaSoft’s VP for Marketing Aileen Choi-Go (left).

 

Ayon kay Ryle, nabawasan na nga raw, kung tutuusin, ang sama ng loob niya sa biological dad niya. Pero hindi raw siya ang dapat na gumawa ng moves para magka-ayos sila nang tuluyan. In the first place, kung sarado man daw ang pinto niya, p’wede naman daw itong katukin. 

“Dati po sobra as in sobrang sama ng loob ko sa kanya, matanda na ako, e, kasi kung panghahawakan ko lang ’yon di iniiksian ko ’yong ang buhay ko so, be free,” pangangatwiran ni Ryle.Live free, go forth and multiply. Gano’n nalang.

“Pero para sa akin siguro siya naman [ang kumilos] kasi wala naman akong ginawa. Naipit lang ako crossfire diba? Ba’t dapat ako pa mag-gagawa ng paraan para makipag-ayos? So I’m not saying na hindi kami magiging okey. I’m just saying na show me naman okey tayo.”

Napaka-bata daw niyang namulat sa realidad na may mga love story talagang hindi perfect kaya nauuwi sa hiwalayan. Pero sana raw ay hindi siya naipit sa gitna nito.

“Eversince bata ako, balik-balik ako,” balik-tanaw ni Ryle. “One week kila mama, one week sa tatay ko. So early ako naging aware sa ganyan, early namulat ’yong mga mata ko sa nangyayari na naghihiwalay pala ang mag-asawa? Hindi pala perfect ang love story palagi. Doon namulat na ang mga mata ko. Pero s’yempre never akong nawalan ng faith dahil perfect [ang relasyon ng mama ko at Daddy Chris ko] kaya ako hopeless romantic dahil sa nanay at tatay ko.

“Wala akong kinalaman [sa hiwalayan nila noon] bakit ako ’yong pini-perwisyo diba? Wag ninyo akong dinadamay sa gulong mag-ex. . . hahaha!”

Muli, pinandigan ni Ryle na hindi siya ang dapat maunang kumilos. Ma-pride daw siya at tingin niya ay sa Santiago rin niya nakuha ang trait na ito.

“Kahit papa’no may pride pa rin ako nang konti para sa sarili ko. Pero ’yong sobrang taas na pride ko dati binababa ko na lang ’yon, ’yong konti nalang... ’yon nalang talaga, e, nakasara ’yong pinto pero p’wede siyang bumukas.

“Pero hindi p’wedeng spoon feed lahat, e, lalo na big boy na siya. Hindi pwedeng subuan pa siya. Kailangan pakainin din niya ang sarili niya.”

Wala daw siyang idea kung bakit walang move na ginagawa ang ama to reach out to him.

“Siguro kasi feeling ko... kasi sinasabi sa akin ng mga friends ko takot daw siya sa akin, he’s scared of confrontations. Kasi siguro alam niya palaban ’yong mga nagpalaki sa akin. . . hahaha. . . kaya feeling ko takot siya.

“Basta sure ako for one thing hindi ako ’yong magso-sorry I mean sabi nga ni Daddy [Chris], na i-text ko siya [Junjun], just to ano, para maglabas lang ng sama ng loob... pero hindi ako ’yong tipo ng ano na magsasabing, ‘O, okey na tayo.’ S’yempre kailangan mo rin... ligawan n’yo din ako.”

Kung tutuusin ay ang biological dad lang talaga niya ang wala sa eksena ng buhay niya. Okay daw siya sa mga kapatid ng tatay niya. Kaya’t malinaw na naghihintay lang talaga ang binata.

“Okey ako kay Tito Randy at saka kay Tito Rowell,” k’wento pa ni Ryle. “Si Tito Randy nagkakasama kami sa Tawag ng Tanghalan sa [It’s] Showtime, si Tito Rowell naman pag minsan kukunin niya kami sa raket, si tito Raymart ang bihira ko lang makasama.

“Sabi ko naman, I’m open to reconciling with him pero hindi p’wedeng i-hand on sa silver platter sa’yo lahat. Mag-effort din siya nang konti lang naman, ’yon lang naman hinihingi ko. Hindi p’wedeng ako lang lahat.

“Okey naman ako, e, may certain conditions lang... pero may family na rin siyang iba. Ayaw ko naman maki-sawsaw diba?”

 

Father up

Seven years old daw si Ryle nang i-approach ni Chris si Junjun para ipag-paalam kung p’wede niyang illegally adopt na si Ryle. Hindi nga raw ito pumayag. Sa Pilipinas daw kasi ay ang desisyion ng biological father ang mangungusap.

“Sa abroad kasi may choice, e,” saad ni Chris. “Dito wala. Sa States yata pag umabot ng 21, 23..or 18 years old yata [ang bata], p’wede ka nang mamili. Dito, bilogical father talaga [masusunod].”

Later on, nang mag-desisyon na si Ryle na pasukin ang showbiz, hindi rin daw pumayag si Junjun na Tan ang gamiting pangalan ng bata. In fact, sinabi pa raw ni Junjun sa kanila na the only way Ryle can be with Star Magic [of ABS-CBN] is if he’s using Santiago.

“Bata pa si Ryle no’n, medyo mainit, ‘No, no! Ayoko!’ Gumagano’n siya,” Chris recalls. 

Chris found it unfair dahil sayang naman daw ang opportunity kung dahil lang sa pangalan ay hindi matutupad ni Ryle ang pangarap nito. Ang iba nga raw ay dumadaan pa sa contests. Pero hindi na raw niya ginawang isyu pa iyon.

“Sa akin, it’s not a big deal,” paliwanag ni Chris. “Kasi sabi ko nga, that’s his name, birth name naman niya talaga’yon. I’ve always acknowledge naman that he’s a Santiago. Okey lang ’yon. So, start na siya [sa showbiz]. E, eto kasi, parating may Ryle Tan pa rin...late last year, sinabihan ko siya na i-clear mo lahat ng social media mo kasi nagkakalituhan.”

Present din sa contract-signing si Sherilyn na tila nabigla rin sa bilis ng mga panyayari kung paanong napunta ang interbyuhan tungkol sa relasyon ni Ryle sa biological dad nito.

Pero ayon kay She (palayaw ni Sherilyn), nito nalang daw nagka-isip na si Ryle nang mapansin niyang may hugot pa pala ito sa tatay nito.

“Siguro ang maganda is magkaroon sila ng chance na makapag-usap kasi...’yon naman din ang sinasabi namin sa kanya, ‘Kung halimbawa, imbitahin ka to have coffee or what, go. You can also respect him as your boss, other than [being] your biological father and at the same time, if you wanna tell him something kasi meron kang sa tingin mo hindi mo pa nasasabi, I think he [Jun] would like to hear it from him.”

As far as She and Chris are concerned, never daw nilang pinanghimasukan ang isip at desisyon ni Ryle.

“Wala, e, Hindi. Kasi tumira din naman siya doon, e,” paliwanag ni She. “Kung anuman ang mga na-experience niya doon, siya lang din ang nakaka-alam...and kung ano ang experience niya sa amin, siya lang din ang nakaka-alam...

“Tumanda siya, nagkaka-isip...kahit na, kumbaga lahat ng desisyon, sinabi namin, ‘Ano gusto mo? It’s up to you...it’s your life. Kung ano makakapag-kumpleto sa’yo, ikaw dapat. Hindi kami. Hindi namin p’wedeng sabihin na,Uy, sige na, go na. Kung hindi ka pala ready.’ Hindi ba? So, siya lang talaga ang makakapag-decide.

“I guess, they have to talk. Baka meron pa siyang hindi nasasabi sa kanya kasi alam ko naman nagkikita sila. Halimbawa pag nagkakaroon ng issues sa work, alam ko nadi-discuss naman niya sa kanya.

“So, kung sa personal, maybe...kung meron pa siya sa tingin niya—at his age now—meron siyang naisip na gusto niyang sabihin, they just have to talk. E, nandoo lang naman silang pareho sa ABS[-CBN], anytime p’wede silang magkita. Siguro ’yong pagkakataon lang talaga wala pa.

“I think naman si Jun would love to hear from him and kumbaga sa tingin niya meron si Pao [nickname ni Ryle] na kailangan sabihin sa kanya, siguro gusto rin naman niya masabi na sa kanya para maging okey sila kasi he’s 20 di ba? Siguro s’yempre gusto rin niya...kasi ngayon lang yan e...no’ng medyo bata-bata naman siya, wala naman, e.

“Basta sa amin paalala lang, We cannot decide for him. Buhay niya po yan. Pero s’yempre, ‘If you commit a mistake, of course we we’ll be here to support you.’ Nandito kami to face that and we’re behind him.”

Aminado si Ryle na wala nga silang closure ng kanyang biological dad. At masakit mang pakinggan, hindi father-son ang nararamdaman niyang relasyon nila kundi as employer-employee.

Kung sina She at Chris ang masusunod, dasal din nilang makapag-usap ang mag-ama.

“S’yempre gusto ko lang maging at peace din siya,” concern na lahad ni She. “If there’s something that’s bothering him, e di sana, makapag-usap sila kung ano, if he has something to say to him na hindi pa niya napaparating, and I think that’s very easy ’cause they see each other at work.”

As for Chris, may unsolicited advise naman siya sa kapwa tatay niyang si Junjun.

“Si Jun kasi, sa akin, maybe he just doesn’t know how to approach him...siguro kasi parang...pero siguro gusto niya kasi no father naman would not want to touch base di ba? Ako siguro, just be a father. Kasi no matter what anak niya ’to, e. Just be a father.

“Kung paano niya kausapin ’yong mga anak niya ngayon, gano’n niya rin kausapin si Pao...kasi like sina Randy, sina Rowell, they have no problems talking with him [Ryle]. Maganda ’yong relationship nila in a way...”

“Sa akin kasi if you’re a father, wag ka namang matakot... I mean, kung ma-reject ka, at least you tried. So, at least ’yong anak mo naramdaman niya na you’re trying. ’Yon lang ang ano ko sa kanya. 

“Hindi ko siya dina-judge or anything kasi baka nandoon siya sa point na parang gusto niya pero hindi niya alam kung paano gagawin. So, just do it. I mean if you really want to reach out to your son, if you want to have that relationship na maski paano ma-save, just do it. 

“Give it a chance...ngayon kung maging civil—kasi civil naman sila—hi sir, gano’n, okay lang. Ang iksi ng buhay,” ang very philosophical na pagtatapos pa ni Chris.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.