Ryan Bang, nag-sorry kay Atty. Annette Gozon; “Hindi ko akalain na kayo ’yong boss. Akala ko po artista kayo.”

Akala raw ni Ryan Bang na artista din si Atty. Annette Gozon-Valdes kaya ang pangalan nito ang nasabi n’yang gusto n’yang maka-love team sa GMA. Ngayong nalaman n’yang boss pala ito, paulit-ulit na nag-sorry ang Korean comedian-TV host nang magkita sila. “Hindi ko akalain na… Hindi ko akalain na kayo ’yong boss. Ang ganda. Akala ko po artista kayo. Hindi ko na po [uulitin]. Pasensya na po. Pasensya na po talaga,” aniya.

SCREENSHOTS: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Akala raw ni Ryan Bang na artista din si Atty. Annette Gozon-Valdes kaya ang pangalan nito ang nasabi n’yang gusto n’yang maka-love team sa GMA. Ngayong nalaman n’yang boss pala ito, paulit-ulit na nag-sorry ang Korean comedian-TV host nang magkita sila. “Hindi ko akalain na… Hindi ko akalain na kayo ’yong boss. Ang ganda. Akala ko po artista kayo. Hindi ko na po [uulitin]. Pasensya na po. Pasensya na po talaga,” aniya.

Napuno ng tawanan ang pahingi ng tawad ng Korean comedian and TV host na si Ryan Bang kay GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.

Nangyari ito kahapon, September 28, sa Kapamilya noontime program na It’s Showtime kung saan present sa studio audience si Atty. Annette kasama ang ilan pang heads ng Sparkle, ang talent arm ng Kapuso Network.

Napagkamalan daw kasi noon ni Ryan na Korean actress ang GMA executive.

Kasi s’yempre, nu’ng nakita ko si Ms.Annette akala ko Koreana s’ya. Ang ganda n’ya, sobra,” pahayag ni Ryan na ikinatawa ng mga tao sa studio.

Ipinaalala naman sa kanya ng co-host n’yang si Jhong Hilario ang naging sagot n’ya sa interview n’ya with Boy Abunda last August. Sinabi kasi n’ya doon na kung may gusto s’yang ka-love team na taga-GMA, ito raw ay si Atty. Annette.

Dito na nag-sorry si Ryan dahil hindi raw n’ya inakala na ang tinutukoy n’yang artista na type n’yang maka-love team ay isa pala sa mga boss.

Pasensya na po, Ms. Annette. Pasensya na po,” pagso-sorry n’ya na ikinatawa naman ni Atty. Annette at ng mga tao sa studio.

Ito raw kasi ang huling nakita n’ya bago s’ya sumalang noon sa Fast Talk With Boy Abunda kaya ang pangalan daw nito ang unang pumasok sa isip n’ya noong tinatanong na s’ya sa interview.

Hindi ko alam kung anong ibibitaw kong pangalan. Bago po ako na-interview, nakita ko po kayo sa hallway. Kaya nabitaw ko po [ang pangalan n’yo]. Pasensya na po, boss,” paliwanag ni Ryan.

Ang pagkakaalam daw kasi talaga n’ya ay artista din si Atty. Annette dahil nga sumalang ito bilang isa sa hurado ng Battle of the Judges.

Hindi ko akalain na… Hindi ko akalain na kayo ’yong boss. Ang ganda. Akala ko po artista kayo. Hindi ko na po [uulitin]. Pasensya na po. Pasensya na po talaga,” muling pagso-sorry n’ya.

Akala ko kasi artista s’ya. Boss pala. Akala ko ’yon ’yong last day ko sa GMA,” sey pa n’ya sa kanyang mga co-host.

Matatandaan na sinabi ni Ryan sa show ni Tito Boy na si Annette Gozon ang gusto umano n’yang maka-love team sa GMA kung mabibigyan s’ya ng chance na gumawa ng project doon.

Oo! Mukha s’yang Korean. Mukha s’yang Korean. Mukha s'yang Korean. Bagay kami. Mukha s’yang Korean,” paulit-paulit pa n’ya sa interview.

Para pagkatapos ng Fast Talk [With Boy Abunda], 24 Oras, [and then] five hours teleserye namin," pagbibiro pa niya that time. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ryan Bang, gustong maging leading lady si Annette Gozon; “Mukha s’yang Korean. Bagay kami.”

Ryan Bang helps viral Korean ramen vendor in Las Piñas go home to South Korea

Ryan Bang clarifies and apologizes for now-deleted tweet about Irene from K-Pop girl group Red Velvet

Ryan Bang, hinalikan ni Angelica Panganiban

 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.