Ruru Madrid, ipaglalaban daw ang taong mahal (kahit nililihim?)

Photos: APT ENTERTAINMENT

Photos: APT ENTERTAINMENT

Kapwa bihasa sa indie films sina Ruru Madrid at Jasmin Curtis Smith. Mas nakarami si Jasmin (Puto, Transit, Dementia, Halik sa Hangin, Baka Bukas; I’m Drunk, I Love You to name a few) pero mentored naman by no less than Mario J. delos Reyes si Ruru (through Bamboo Flowers in 2013) na siya na ring tumayong manager niya until namayapa ito last 2018. Nasundan pa iyon ng Above the Clouds (2014), helmed naman by Pepe Diokno.

Kapwa na rin sila multi-awarded mula si iba’t ibang award-giving bodies.

Kaya kung aktingan lang din ang usapan, walang kuwestiyon sa kakayahan ng dalawa.

Kaya naman nakakatuwang nabigyan na sila ng chance magbida sa isang mainstream movie. Thanks to Tony Tuviera’s APT Entertainment at Cignal TV, na sinugalan sila sa isang kakaibang love story that had to do with memory.

Cara x Jagger is about former couple Cara (Curtis) and Jagger (Madrid) “who are facing a major conflict that will test the endurance of their relationship.”  Pinipilit kalimutan ni Cara ang isang insident that ruined her relationship with Jagger, habang pinipilit naman ni Jagger na alalahanin ang kanyang nakaraan after he losing his memory in terrible accident. 

Mukang impressive ang trailer ng movie kaya naman “worth the wait” ang description ni Jasmin sa first mainstream lead role niya at natutuwa daw siyang maka-pareho si Ruru kahit na nagka-ilangan sila sa simula dahil aware si Jasmin na na-crushan siya ni Ruru noong araw.

Si Ruru naman, marupok talaga sa magaganda, ay tameme daw sa simula pero nag-warm up na rin kay Jasmin kalaunan. Pero hindi na raw siya nangarap pang lumevel-up kay Jasmin, kahit crush na crush niya ito noon, dahil alam naman daw niyang taken na ito at maging siya man, kahit hindi pa niya inaamin dahil nagpapaka-private daw siya, ay taken na rin.

Pero kung meron man daw pinag-kapareha ang character niyang si Jagger sa tunay na Ruru ay iyon ay ang ipaglalaban ang tao at circumstances na mahalaga sa kanya.

“Kahit pa mahirap, kahit na minsan umaabot siya sa point na gusto niya nang sumuko, hindi siya sumusuko. Kasi, alam niyang ’yon ang tama niyang ginagawa. 

“Like ako, dati, pangarap ko lang maging artista and napakaraming rejection ng kinalakihan ko, pinagdaanan ko and still, hindi ako sumuko. Kasi, alam ko naman na ito talaga ang gusto ko, ito ang mahal ko.

At sa relationship, kahit naman po sinong lalaki, kung alam mong mahal mo talaga ’yong tao, kung alam mong nahanap mo na talaga ’yong the one mo, ipaglalaban mo at patunayan natin na mahal natin.”

Cara x Jagger, which is directed by ace cinematographer Ice Idanan and written by Acy Ramos and Glaiza Ramirez, also stars Dante Rivero, Dino Pastrano, Gabby Padilla, Miko Raval, Kenneth Medrano, Michelle Dee, and Sophie Albert. It’s showing in cinemas November 6.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.