Ruru Madrid, delayed na naipa-alam kay Bianca Umali na may kissing scene sila ng Vivamax queen na si Angeli Khang

Wala raw naging negative reaction si Bianca Umali sa naging kissing scene nina Ruru Madrid at Angeli Khang kahit delayed itong naipagpaalam sa kanya. Sa level daw kasi ng relasyon nila ngaon ng aktor ay buong-buo na ang trust nila sa isa’t isa.

Photos: Instagram

Wala raw naging negative reaction si Bianca Umali sa naging kissing scene nina Ruru Madrid at Angeli Khang kahit delayed itong naipagpaalam sa kanya. Sa level daw kasi ng relasyon nila ngaon ng aktor ay buong-buo na ang trust nila sa isa’t isa.

Sa pagdating ng Vivamax A-lister na si Angeli Khang sa primetime series na Black Rider, tila naranasan daw ni Ruru Madrid ang ginagawa ng mga action stars noong araw sa pelikula. 

Iyan ang sagot n’ya sa tanong ng entertainment press kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng sexy-drama actress na leading lady.

Nangyari ito right after ng media conference proper recently para sa new season ng kanyang action-drama series kung saan nga ay kabilang si Angeli sa mga bagong cast na magiging ka-love triangle nila ni Yassi Pressman.

Ayon sa aktor, parang bumalik daw s’ya panahon kung saan ganu’n ang laging setup ng mga cast sa pelikulang aksyon.

“Nakakatuwa kasi parang ganito rin ’yong napapanonood ko noong '80s, '90s, ’di ba? Like ’yong mga pelikula dati nila Senator Robin [Padilla]... Talagang may ipa-partner sila na mga sexy stars... with Fernando Poe Jr.,” sagot ni Ruru.

“’Di ba, lahat ng mga actions stars ganu’n naman usually ang mga ginagawa at ngayon gusto po natin ibalik ’yong mga nakasanayan po nating panoorin before,” dagdag pa n’ya.

Happy rin umano s’ya na sa TV series n’ya napasama ang  tinaguriang reyna ng Vivamax na si Angeli.

“Masaya rin ako, actually, na si Angeli rin ’yong naging parte ng Black Rider kasi she’s a very good actress,” papuri n’ya kanyang bagong co-actor.

“Magaling s’yang artista. First time ko pa lang s’ya na-meet, actually, nu’ng last Friday [April 12], pero talagang ramdam na ramdam ko ’yong eksena. Mahusay, mahusay s’ya.”

Pero pag-amin n’ya, never daw n’yang napanood ang mga nagawang pelikula ni Angeli sa Vivamax.

“To be honest, hindi po kasi hindi ako p’wede mag-subscribe kasi may nakabantay. Hahaha!” natatawang sabi ng Kapuso actor na ang tinutukoy ay ang nobya n’yang si Bianca Umali.

Pero hindi n’ya ikinaila na dinagsa s’ya ng messages mula sa mga lalaking malalapit sa kanya nang ma-upload ang photo nila ni Angeli sa social media.

“Sa totoo lang, nu’ng nagkaroon kami ng picture together, pinsan ko, even my dad, even ’yong mga kaibigan ko biglang nagmi-message sa akin, ‘Si ano ’yan… si Angeli ’yan.’ Ganyan-ganyan. Ang dami nilang sinent sa akin na messages so natatawa lang ako,” pagre-reveal ni Ruru.

On the brighter side, ramdam umano n’ya ang suporta ng mga ito sa new season ng Black Rider.

“S’yempre nakakatuwa kasi parang mapabilang po ’yong sikat at talagang pinapanood po ng mga kaibigan ko, kakilala ko. Isang malaking karangalan at sigudarong susuportahan nila,” aniya.

Isa pa sa inamin ni Ruru sa press ay ang pagka-gulat n’ya sa unang eksena nila ni Angeli.

“Nagulat ako doon kasi first day… kissing scene. Hahaha!” natatawang lahad n’ya.

Pero kung tutuusin, mas matindi pa nga raw ang nakalagay sa script nila. 

“Actually, ang nakalagay sa script, magsisimula sa kiss and then, eventually, parang mapupunta sa bed scene. Parang ganyan. So, sabi ko, ‘Wait lang po. Parang masyadong abrupt,’” pagre-recall ni Ruru sa pagtutol niya.

“Kasi nanggaling tayo sa [point na] si Elias parang feeling ko hindi pa s’ya totally nakaka-move on sa pamilya n’ya at sa asawa n’ya, kay Pauline [played by Kylie Padilla],” he explained.

“So, baka too much. And of course, sa audience din lalo na’t marami po tayong tagasubaybay na mga bata.”

Nagkaroon naman daw ng adjustment kaya hindi na natuloy ang dapat sana ay nakasaad sa kanilang script.

“Nung ginawa namin ’yong eksena, to be honest, hindi s’ya nagmukhang bastusin. Hindi ganu’n. Parang mas wholesome at talagang mas puso…puso, e,” pagmamalaki ni Ruru.

“Ang naging eksena ni Direk parang nu’ng nag-kiss kami, drone shot n’ya ’yon. Para mas maging romantic. So, drone shot n’ya nu’ng nag-kiss kami, inangat na n’ya para hindi na masyadong kita ’yong kiss.”

Dahil sa nangyari, nausisa s’ya ng press kung hindi pa ba s’ya ready na sumabak sa mga bed scenes at magpakita ng skin.   

“Feeling ko, hindi naman sa hindi ready, pero kapag kailangan naman po talaga sa eksena, gagawin ko naman,” pagtatapat n’ya.

“Pero parang pakiramdam ko naman kasi, personally, bilang isang viewer din ng Black Rider, baka sobrang abrupt. Baka masyadong mabilis lang,” he added.

“Pero kung mailalatag naman natin s’ya nang maayos, slowly, gently, why not?”  

Maliban pa roon, natanong din s’ya sa reaction ng girlfriend n’yang si Bianca sa kissing scene nila ni Angeli.

“Kinuwento ko po agad kasi sa totoo lang, hindi malinaw sa akin na may kissing scene,” sabi ni Ruru.

Sa set na raw kasi n’ya nalaman na may ganu’n pala s’yang eksena.

“Galing kami sa Canada nu’n [for the Sparkle Goes to Canada concert] tapos pag-uwi, dumiretso ako ng taping. Parang nakauwi ako ng Friday morning, mga 4 AM, then nag-taping ako ng 10 AM,” pagbabalik-tanaw ng aktor.

“So, pag dating ko sa set, nabasa ko na lang na meron palang mga kissing scenes. Doon ko na lang po nalaman. Akala ko diyino-joke lang ako nu'ng PM [production manager] namin pero totoo pala,” pagpapatuloy n’ya.

Agad n’ya raw naisip si Bianca. However, wala raw signal sa location nila kaya hindi raw s’ya nakapagpaalam beforehand.

"Wala pong signal sa Tanay so, sabi ko, ‘Kailangan kong masabi ito agad.’ Pero wala akong choice. Gagawin ko ’yong eksena nang hindi pa n’ya nalalaman,” sey pa ni Ruru.

“Pero after nu’ng araw na ’yon in-explain ko sa kanya nu’ng may signal na. Sabi ko kailangan sa eksena, may pinasok na bagong leading lady kung saan meron kaming kissing scene. kailangan naming gawin.”

Ganu’n naman daw kasi ang usapan nila ni Bianca pagdating sa mga ganitong bagay dahil mga artista sila. 

“Kasi kami transparent kami sa isa’t isa. ’Yon ’yong nahanap naming sikreto para mas maging maayos ’yong relationship namin,” paglalahad n’ya.

“Dapat aware kami sa nangyayari sa isa’t isa, lalo na sa mga ganyang bagay kasi para alam namin ang expectation,” punto pa n’ya.

Kung isisikreto daw kasi nila iyon ay pagmumulan lang ng quarrel dahil mapapanood din iyon eventually sa TV at sa social media.

“May social media, e. May TV na kapag napanonood ’yon… ‘Ba’t may ganito?’ Para walang gulatan.”

Maayos naman daw na tinanggap ni Bianca ang paliwanag ni Ruru.

“Na-appreciate n’ya ’yong honesty ko. Pero sabi n’ya, ‘Okay.’ Hahaha!” natatawang ginaya pa ni Ruru ang tila pabirong ismid ng nobya.

Ganu’n din naman umano ang kanyang nobyang aktres.

“Nagsasabi rin s’ya kapag may eksena s’yang ganu’n. Si Bianca kasi is very transparent so ini-expect din n’ya na ganu’n din ako sa kanya,” saad n’ya.

“’Yon ’yong parang naging dynamics ng relationship namin, na maging transparent kami para alam din namin ang ie-expect sa isa’t isa.”

At sa haba naman daw ng pagiging magkarelasyon nila ay malalim na ang tiwala nila sa isa’t isa.

“Nandoon na kami sa relationship namin… I mean magsi-six years na kami sa July. Hindi sa walang selosan, s’yempre, hindi naman natin maiiwasan po ’yong ganu’n pero ’yong level of trust namin buong-buo na,” pagbabahagi ni Ruru.

Alam naman namin… I mean, ako marami rin naman akong naging kalokohan dati. Kilala n’yo naman ako kung gaano ako kapilyo, kaloko pero binago ko,” he went on.

“Kumbaga, nakita ko rin kasi ’yong kahalagahan ng buhay, at the same time, ayoko ko na rin gumawa ng isang bagay na ikakasira ko bilang isang tao. Parang ayaw ko na po ng ganu’n. So, nandoon na kami parang ’yong level of trust namin sa isa’t isa, buong-buo na,” pagtatatapos n’ya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Ruru Madrid was rushed to the ER; thanks his “mahal na mahal” girlfriend Bianca Umali for taking care of him

Ruru Madrid, “napatino” ni Bianca Umali; “[Siya] na ’yong gusto kong makasama habambuhay.”

Ruru Madrid, natakot na huling baraha na niya ang Lolong noon; tapatan nila ni Coco Martin, hanggang proyekto lang daw

Ruru Madrid, ipapakita ang mga natutunan sa hand combat, motocross, at martial arts sa Black Rider

Ruru Madrid, Grade 5 nang unang mabasted...ng teacher

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.