Ruby Rodriguez on Eat Bulaga no-show: “Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila.”

“Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera noon, e, ‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ S’yempre inasahan ko ’yon.”

Photos: @rodriguezruby

“Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera noon, e, ‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ S’yempre inasahan ko ’yon.”

Maging si Ruby Rodriguez ay hindi alam kung ano ang status niya sa Eat Bulaga!, kung saan naging bahagi siya for 31 years—six days a week.

Para kasing may miscommunication or disconnect somewhere.

Aniya, nai-verbalize nga niya sa mga bossing doon ang plano niyang mag-leave of absence dahil sine-setup niya ang pagtira ng kanyang buong pamilya sa Amerika para sa pag-aaral at pagpapagamot ng bunso niyang anak na si AJ, na bukod sa may rare auto-immune disease ay may mga special needs din.

Sa mga kasamahan naman, ay konti lang daw ang napag-kwentuhan niya ng mga plano niyang iyon at kabilang s’yempre doon ang BFF niyang si Pauleen Luna at ang asawa nitong si Vic Sotto. Kaya’t hanggang naka-alis siya papuntang Amerika ay wala siyang pormal na napagpa-alaman.

Pagre-recall ni Ruby: “Si Poleng nu’ng pina-plano ko palang ito pati pag-a-apply ko ng trabaho [sa Amerika], alam na nila because they are my closest friends. They already know, others do not. And then the girls, I opened up with Luane [Dy] sa plano ko nga kasi nga sa anak ko ganyan. Pero sila-sila lang ’yong mga nasabihan ko, sila Allan [K]... so, hindi talaga kami nakapag-paalaman kasi nga nagbu-Bulaga pa nu’ng March [2020], nu’ng biglang nag-pandemya.”

Aniya, nakausap daw niya noon si Mr. T (Tony Tuviera), ang head honcho ng Bulaga at nasabi naman daw niya rito ang plano niyang mag-LOA (leave of absence).

Hindi pa ako nagpa-file ng leave, ano palang...verbal palang ’yong agreement namin kasi ipa-file ko ’yong leave ng March [2020] kung aalis na ’ko... hindi pa naman ako umaalis so ba’t ako magpa-file I was going to file it a month before I leave.”

Hindi niya na-file ang leave dahil hindi naman siya natuloy umalis dahil sa pandemic. Pero noong mag-resume sa ere ang Eat Bulaga—mula June 2020 until present—hindi na muling nakita doon si Ruby. 

“Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera noon, e, ‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ S’yempre inasahan ko ’yon,” pag-amin niya.So when they started to go on air, it’s their decision kung sino ang papabalikin nila. So, hindi ko alam. Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. 

“That’s why I always say [sa mga nagtatanong], ‘Please ask them.’ I don’t know how will they answer it, if they’re going to say na she took a leave... hindi ko pa napa-file. Nu’ng nag-start sila mag-air nasa Pilipinas pa ako. So, hindi ko alam kung ano ’yong desisyon nila. But it’s management decision and we always respect that. 

“So, with regards to...‘Did they take you out just like that, [did] they just dropped you like a hot potato. I think it’s them who can answer that.”

Madalang din namang mapagkita doon ang ibang co-hosts gaya nina Pia Guanio, Pauleen Luna at Jimmy Santos at ang talagang consistent lang ay ang JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros), si Maine Mendoza, at si Ryan Agoncillo. Pero si Ruby ay tila hindi na nga natawagan pa para bumalik.

Wala rin umanong pormal na pagsasabi kung tanggal na siya o hindi hanggang sa tuluyan na nga siyang umalis ng bansa.

At aminado siyang may kurot sa puso sa mga pangyayari.

“Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed kasi s’yempre, you know, I’ve been with you for 31 years... just like that. I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean ’yon ’yong naging question ko lang,” direktang sagot ni Ruby.

“But you know... I don’t know honestly. malay mo naman na pagbalik ko, diba? Hindi natin alam.

You know, we do not close the door and I don’t know what’s going to happen because right now, I’m with Viva. So, whatever Viva decides for me is what I’m going to do.”

Ruby just signed up with the Viva Artists Agency at sa puntong ito na may regular job siya sa Philippine Consulate in Los Angeles ay baka mag-pokus muna sila sa mga online gigs and contents. 

Pero kung may matinding project daw na kauwi-uwi [from the US] ay willing naman siyang mag-back and forth.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ruby Rodriguez, naluha sa sinabi ng anak na si Toni na iiwan nito ang sinumang ka-relasyon na hindi makakatanggap sa kapatid na si AJ na may special needs

Cindy Miranda, na-experience daw makagamit ng madumi at “may tagos” na pageant gown noon

#Backtowork photo ni Pokwang na kita ang GMA-7 building, pinag-uusapan online

Jelai Andres, idinemanda na ng concubinage ang asawang si Jon Gutierrez; annulment case na raw ang kasunod

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.