Wala raw kaso para sa sexy-drama actress na si Rose Van Ginkel kung hindi s’ya ang bida sa bawat movie project na ibinibigay sa kanya.
Sinabi n’ya ito sa virtual media conference nila kahapon, May 25, for their upcoming movie Star Dancer.
Gaganap na stripper sa pelikula si Rose at magiging kontrabida s’ya sa character ni Denise Esteban.
“Dito po sa Star Dancer ako po si Giselle. Ako po ’yong star dancer ng club kung saan po magwo-work si Odessa [Denise Esteban] soon,” patikim ng aktres sa kanyang role sa movie.
“May relationship po kami ni Arron [Villaflor] dito. Ako po ’yong type of person dito na ito ’yong way of living ko. Ito ’yong pinagkakakitaan ko,” dagdag pa n’ya.
Hindi naman daw s’ya nahirapan sa kanyang character. Katunayan, mas magaan nga daw ito kumpara sa mga ginawa n’yang movies before.
“Ang sarap po sa feeling kasi light lang po ’yong ginawa ko for this movie. Compared to other [projects] na ginawa ko sa Vivamax, mas lighter po ito,” masayang sabi ni Rose.
At dahil nagbibida na rin s’ya noon sa mga pelikula, natanong s’ya ng entertainment press kung hindi pa s’ya nagkaroon ng second thought na kontrabida ang role n’ya sa Star Dancer.
Ayon sa Viva artist, hindi daw n’ya iniisip kung s’ya ba ang main actor o supporting cast sa isang project. Mas mahalaga daw sa kanya ay kung sino ang mga makakatrabaho n’ya.
“Hindi ko naman s’ya concern talaga kung bida o hindi. And I love working with Direk Pam [Miras]. Thankful ako [sa kanya] noong Kitty K7 talaga. Gusto ko din talaga ulit s’ya maka-work. Isa s’ya sa reasons kung bakit ako nag-yes sa project na ito,” paliwanag ni Rose.
Nahiritan pa s’ya kung hindi naman ba s’ya dehado sa exposure ngayong kontrabida ang papel n’ya sa movie.
“In the middle na po ako nag-start pero ’yong mga scenes ko talagang todo. Kumbaga, pag sinabing away, pag sinabing drama… May ganu’n s’ya, e,” sagot ng aktres.
“Parang sabi ko, kahit small lang s’ya na role parang mapapansin talaga ako ng manonood and ’yon ang important. Tinry ko din ibigay ang best ko every scenes kasi ’yon ang dapat,” she went on.
“Kahit maliit lang ang role mo kailangang mapansin ka at matandaan ka ng tao. It means magaling ka na. Ganu’n po,” pagtatapos n’ya.
Mapapanood ang sina Rose Van Ginkel, Denise Esteban, Arron Villaflor, at marami pang iba sa Star Dancer simula June 2 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber