Rose Van Ginkel, nawawalan na ng pag-asa sa showbiz noon; “Ano pa bang kulang? Ano pa ba ’yong mali?”

Sa pelikulang Kitty K7, mababa ang self-confidence ng empleyadang si Hana pero nabo-boost ito at nararamdaman n’yang maganda s’ya sa tuwing magpapalit s’ya ng persona bilang si cam girl Kitty K7 sa harap ng kamera.  Ang cam girl is defined as a woman who poses for a webcam especially as a form of paid adult entertainment. Ang pagka-cam girl, na isang uri ng sex work, ay mahusay na nagampanan ni Rose sa sensitively-themed movie na Kitty K7.

PHOTO: @babyginkel on Instagram

Sa pelikulang Kitty K7, mababa ang self-confidence ng empleyadang si Hana pero nabo-boost ito at nararamdaman n’yang maganda s’ya sa tuwing magpapalit s’ya ng persona bilang si cam girl Kitty K7 sa harap ng kamera. Ang cam girl is defined as a woman who poses for a webcam especially as a form of paid adult entertainment. Ang pagka-cam girl, na isang uri ng sex work, ay mahusay na nagampanan ni Rose sa sensitively-themed movie na Kitty K7.

Dumating pala sa puntong kinuwestiyon na ng sexy-drama actress na si Rose Van Ginkel ang sarili n’yang kakayahan noon after niyang ma-realize kung gaano ka-competitive ang show business.

Sinabi n’ya ito sa media conference right after ng special screening ng pelikula n’yang Kitty K7 last July 8 sa Gateway Cineplex in Quezon City.

Natanong kasi si Rose ng entertainment press kung naka-relate ba s’ya sa karakter n’ya sa movie na si Hana. Sa pelikula kasi, mababa ang self-confidence ng empleyadang si Hana pero nabo-boost ito at nararamdaman n’yang maganda s’ya sa tuwing magpapalit s’ya ng persona bilang si Kitty K7 sa harap ng kamera. 

[Ang cam girl is defined as a woman who poses for a webcam especially as a form of paid adult entertainment. Ang pagka-cam girl ay isang uri ng sex work.]
    
Ayon sa aktres, dumaan daw s’ya sa ganu’ng sitwasyon kung saan nakukulangan s’ya sa kanyang sarili.
  
Nu’ng nagsa-start ako kasi that time medyo bata pa ako…nung nag-start ako sa Pop Girls, mga 13 years old. That time, nu’ng nagsa-start kami medyo mahirap talaga pumasok sa industry. Lalo na po before ha. Hindi katulad ngayon na kahit papano mabilis,” pagbabalik-tanaw ni Rose. 

Dati ang dami kong iniisip kung mag-i-stop na ba ako [sa showbiz] or kung ano bang kulang sa akin. Parang everyday meron akong pino-prove sa sarili ko, na ano pa ba ang kulang,” pagtatapat n’ya.

Kinausap na nga daw n’ya noon ang Viva management para resolbahin ’yong nakikita n’yang kakulangan sa sarili n’ya.

“Actually, dumating nga ako sa point noon before na talagang pumunta pa ako ng Viva, kina boss, na parang nasabi ko na talaga ’yong ganu’ng part sa buhay ko na, ‘Ano pa ba’ng kulang? Ano pa ba ’yong mali?’” pagre-recall pa ni Rose. 

Kasi may mga ganu’n, e. S’yempre, tayo, hindi naman most of the time malakas ’yong loob natin na pag ni-reject tayo okey lang. Pero pag sunod-sunod kasi [na rejections] mabigat talaga. Naramdaman ko din naman ’yong ganu’ng feeling sa buhay ko. I think lahat naman ata tayo nakaka-feel ng ganu’n,” lahad pa n’ya.

Masasabi naman daw n’yang worth it ang journey n’ya sa pag-aartista dahil nagbunga na ang pagsisikap n’ya at bumibida na s’ya sa mga pelikula.

“Yes po, sa movie na ito [Kitty K7] parang nalabas ko na 100 percent. Hahaha! Hindi naman, alam ko meron pang ilalabas pero talagang binigay ko ’yong best ko sa movie na ito,” pagtatapos n’ya.

And we dare say it’s worth it dahil mahusay niyang nagampanan and with sensitivity niyang nagampanan ang maselang role na ipinagkatiwala sa kanya. A lesser actress may not have delivered as well.

Para malaman kung gaano siya kahusay, available na for streaming ang sexy drama movie ni Rose na Kitty K7 kung saan katambal ang Viva hunk na si Marco Gallo sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil lumaki with two brothers, Rose Van Ginkel, inakalang lalaki din siya noon

Exclusive: Rose Van Ginkel on choosing 69+1 over Taya, girl crushes, Nadine Lustre, & Maui Taylor

Marco Gallo, gustong maging immortal

Marco Gallo, masayang nakabalik sa US matapos ang mahabang panahon

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.