Bahagya palang naantala ang shoot ng pelikulang 5 in 1 dahil hindi sinasadyang natuhod ni Rose Van Ginkel ang pagkalalaki ng co-star n’yang si Wilbert Ross.
Inilahad n’ya ito sa virtual media conference nang nasabing movie nila matapos matanong ng entertainment press kung ano ba ang naughtiest thing na nagawa nila while filming.
May pagka-naughty kasi ang kuwento ng pelikula, kung saan limang babae ang pinagsabay-sabay na d’yinowa ng karakter ni Wilbert. Limang babae tuloy ang nag-agawan sa mana nu’ng namatay ang role n’ya sa pelikula.
Tsika ni Rose, nasaktan n’ya si Wilbert nang hindi sinasadya.
“Natatawa ako kasi on set… natatawa ako dito sa nangyari kasi ’yong suot ko mahabang skirt and gusto ko sanang talunan si Wilbert,” panimulang kwento ng Viva sexy-drama actress.
“Pero ang nangyari, hindi ko agad na-open ’yong legs ko so half lang. So, ang nangyari nadaganan ’yong ano n’ya… ’yong…”
Nang hindi n’ya masabi na nag-landing ang tuhod n’ya sa maselang bahagi ng katawan ni Wilbert ay ang aktor na mismo ang nagtuloy ng kuwento.
“Tinuhod n’ya ’yong itlog ko,” diretsahang pagsisiwalat ng kengkoy heartthrob sa kabilang linya ng Zoom.
Napahalakhak na lang si Rose nang maalala ang pangyayari habang seryoso naman ang mukha ni Wilbert. Hindi nagtagal ay napangiti na lang din ang aktor.
Dahil doon ay nahinto daw ang shooting nila. Kung iisipin kasi, base sa naging seryosong facial expression ni Wilbert, ay mukhang namilipit ito sa sakit.
“Wala, nag-cut kami [ng shooting] kasi masakit ’yon para sa kanya. Sorry talaga… Oh my God…and many more,” saad ni Rose.
Nilinaw naman ng aktres na masaya s’ya na nagkaroon sila ng bagong movie ni Wilbert. Maganda daw kasi ang naging working relationship nila sa pinagbidahan nilang pelikula na Boy Bastos.
“Happy ako na nagka-work na uli kami ni Wilbert kasi, ’yon nga, na-miss ko rin ’yong tandem namin. So, nu’ng in-offer din ’to sa ’kin parang na-excite din ako at natuwa. At s’yempre, maka-work din si Direk GB [Sampedro],” pagtatapos ni Rose.
Mapanood sina Rose at Wilbert, kasama sina Debbie Garcia, Angela Morena, Jela Cuenca, Ava Mendez, Pio Balbuena, Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah, Chad Kinis, and Giselle Sanchez, sa sexy-comedy movie na 5 in 1 simula September 23 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber