Rosanna Roces, gusto pang magka-baby pero hindi raw magpapa-donate ng semilya kay Gardo Versoza: “Ayoko nga! Baka pag labas naka-high heels.”

Photos: Instagram

Photos: Instagram

Babaeng walang pahinga na naman ang peg ni Rosanna Roces na tila mas bumongga pa ang career during the pandemic.

Alongside Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ay sinu-shoot nila nila ni Darryl Yap ang first ever family series ni Darryl na Kung P’wede Lang (KPL) The Rantserye, ang streaming series mutation ng online rant series ng Vincentiments sa Facebook na may same title.

Natapos na rin nila—ni Darryl pa rin—ang Revirginized kung saan bida si Megastar Sharon Cuneta.

At kaninang hapon lang, March 26, sa virtual press conference ng KPL, ay nakipagtsikahan siya sa press habang nasa set ng isa pa niyang pelikula, this time with Direk Joel Lamangan naman.

Sa KPL press con, natanong ang cast—composed of Rosanna Roces, Bob Jbeili, ang original KPL girl na si Loren Mariñas, at si Carlyn Ocampo—kung ano ang mga personal KPL nila.

Ang sagot ni Osang ay mataginting na: “Kung p’wede lang magka-anak pa sana kami.”

Ang tinutukoy ni Osang ay ang asawa niyang si Bless Arias.

May sumundot ng tanong kung napag-usapan na ba nila ang pag-aampon kung sakali?

“Oo, very recent lang,” pag-amin ni Osang. “Tinanong ko siya kung gusto niya. Ayaw daw niya. Antayin nalang daw namin ang next apo namin kay Onyok. 

“Ayaw na daw niyang mag-alaga, unless nga kung anak ni Onyok.”

Aminado si Osang na name-miss na niyang may baby sa bahay. Malalaki na rin kasi ang mga apo niya both sa anak na si Grace at kay Onyok. Iba raw ang nagagawa ng baby sa aura ng mga tao.

In fact, siya nga raw ay libangan niyang magtitingin sa Instagram accounts ng mga bagong showbiz moms—gaya nina Coleen Garcia, Anne Curtis at Solenn Heussaff— para makita ang latest posts ng mga ito sa mga babies nila at mahawa ng good vibes.

Sundot naman ni press con host Giselle Sanchez, p’wede pa namang mag-try magbuntis si Osang.

“Weh, Paano?” natatawang balik-tanong ni Osang. 

“Magpa-donate ka nalang ng semilya kay Gardo Versoza!” halakhak na sagot naman ni Giselle.

“Ayoko nga! Baka pag labas naka-high heels!” talak ni Osang na ang tinutukoy ay ang trademark look ni Gardo sa TikTok na naka-high heels habang nagsasayaw.

Anyway, mapapanood na ang rantseryeng Kung P’wede Lang sa Vivamax starting April 9.

Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Muling humahataw na si Rosanna Roces, birthday cakes ang naging basehan noon sa pagtanggap na hindi na siya importante sa showbiz

Rosanna Roces, nasabihan daw noon na "walang ginawa kundi bumukaka" ng isang senior star

Elijah Canlas, never daw naunahan sa set ang very punctual niyang idol na si late actor Eddie Garcia

Marco Alcaraz, naiyak habang naka-quarantine; naguluhan sa resulta ng kanyang COVID-19 test

Janine Gutierrez voices out against PH gov’t’s COVID-19 response: “Napaka-walang malasakit naman.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.