Romnick, sa posibleng balikan nila ng dating GF at ka-loveteam na si Sheryl Cruz… “wag kayong ano…”

PHOTOS: Anna Pingol, @officialsherylcruz, & Sheryl Cruz & Romnick Sarmenta Facebook Fanpage

PHOTOS: Anna Pingol, @officialsherylcruz, & Sheryl Cruz & Romnick Sarmenta Facebook Fanpage

Aminado si Romnick Sarmenta na may kinikilala siya nang hustong babae sa ngayon; habang very open na rin naman ang estranged wife niyang si Harlene Bautista sa pakikipagmabutihan nito sa former That’s Entertainment  member na si Neil Eugenio. In short, malabo nang magkabalikan pa ang husband and wife of 19 years.

 

Dahil dito, hindi natinag ang mga ka-contemporary ni Romnick sa entertainment press na tuksuhin at tanungin ang tsinitong aktor tungkol sa matagal niyang naging kasintahan at ka-loveteam noong mid-80s na si Sheryl Cruz, na hiwalay na rin sa US-based na asawang si Norman Bustos.

 

Marami pa rin kasing fans ang kanilang loveteam ni Sheryl. In fact, ilang Instagram account ang nakapangalan sa uniname nilang SherNick, habang sa Facebook naman ay may Sheryl Cruz and Romnick Sarmenta Fanpage na may mahigit 7,000 followers. At ilan sa mga fans na ito ay umaasang baka p’wede ulit maging sila, na baka p’wedeng magka-part 2 ang kanilang romantic story.

 

“Wag kayong ano…hahaha!” natatawang panimula ni Nicko (nickname si Romnick) na nakausap ng pikapika.ph at iba pang members of the entertainment press sa media conference ng pelikula niyang Clarita under Black Sheep Productions.

 

Natutuwa daw si Nicko na up to now ay marami pa ring nagmamahal sa tandem nila ni Sheryl. Naa-appreciate daw niya very supportive pa rin ang mga fans na ito sa kanila. Pero never daw niyang sinagot ang anumang tanong nga mga ito, pabiro man o patukso, tungkol sa kanila ni Sheryl dahil ayaw daw niyang mabigyan ito ng ibang kahulugan.

 

“Nakakatuwa na very supportive pa rin sila diba pero I also think that’s a…  I never answer any of them kasi pag sumagot ka it’s kind a dangerous. Hindi diba? And people will play it up and you know, Sheryl is…for all its worth, Sheryl naman is very quiet now and then she has her own private life and kahit ano pa ’yonkunwari sabihin natin na nag-usap kami ulit [ni Sheryl] for whatever reason, people are just gonna twist it around and then somebody going to say something wrong…sasabihin kasi ganyan naman, kasi dapat ganito yan, ganyan yan…at makakarating sa mga anak namin pare-pareho yan.”

 

Romnick has five kids with Harlene; while Sheryl managed to only have one kid, a daughter named Ashley.

 

Sa Master Showman show pa raw ni Kuya Germs—the late German Moreno, na siya rin nilang mentor noon sa That’s Entertainment—sila huling nagkita ni Sheryl. Meaning, mga four years ago pa dahil pumanaw si Kuya Germs January of 2016.

 

Hindi rin daw natuloy ang napabalita noon na reunion project sana nila sa GMA-7.

 

“By the time they were asking me in GMA, meron akong ginagawa sa ABS [-CBN]. Since freelance naman ako parang sorry nauna sila. Parang I had no reason to be tied up with any network. So, kung sino ’yong nag-alok na una.”

 

Kung professional reunion, hindi naman daw nagsasara ng pinto si Nicko.

 

Samantala, for her part, tila masayang-masaya naman si Sheryl sa ngayon sa piling ng isang guwapo at matangakad na lalaki na bagama’t laging nakikita sa kanyang Instagram feed ay never pa niyang pinangalanan.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

WATCH: Harlene, nagyaya nalang ng inuman kesa umamin sa lovelife


IN PICTURES: Tamis-tamisang JaDine Moments sa Cr3w Concert


LOOK: Maymay Entrata fangirls over KathNiel

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.