Rodjun Cruz, itinuturing na “destiny” ang maging ka-love team si Jo Berry

PHOTOS: @rodjuncruz & @thejoberry on Instagram

PHOTOS: @rodjuncruz & @thejoberry on Instagram

Reunion project na pala ng Kapuso actors na sina Rodjun Cruz at Jo Berry ang upcoming drama series na Little Princess dahil nagkatrabaho na sila sa isang episode ng Wish Ko Lang noong 2019.

Sinabihan daw pala ni Rodjun si Jo noon na darating ang panahon na magiging magkatambal talaga sila sa isang teleserye at hindi sa isang episode lang ng drama anthology. 

Nakatrabaho ko po noon si Jo sa Wish Ko Lang, sa isang episode ng Wish Ko lang,” pagbabalik-tanaw ni Rodjun during the virtual media conference ng Little Princess noong January 5. 

Doon pa lang naging close na kami. Actually, may lokohan nga po kami. Sabi ko kay Jo, ‘Lahat ng shows mo dito sa GMA ang taas ng ratings, ’no?

Sinabi ko po talaga sa kanya mismo na, ‘Ikaw ang prinsesa ng GMA.’ Sabi ko pa sa kanya, ‘Wait mo ’ko. Magiging magka-partner pa tayo... [magiging] magka-love team tayo.’

At makalipas nga ang dalawang taon ay heto’t magkatrabaho ulit sila sa isang soap opera kung saan isa s’ya sa dalawang leading men ni Jo. Ang isa naman ay si Juancho Trivino.

Dahil dito ay thankful si Rodjun kasi hindi n’ya in-expect na magkaka-totoo pala ang pahayag n’ya sa aktres two years ago. 

Eto na nga, after two years, ito na ’yong Little Princess. Kaya sabi ko, ‘Wow! Destiny ba ’to?’ Thankful talaga ako kay Lord na binigay n’ya ’tong Little Princess, sa lahat ng mga bosses, sa creative team, sa mga directors, [at] sa GMA Network sa pagtitiwala sa role na ito,” lahad n’ya. 

Pinuri n’ya rin ang diminutive Kapuso star sa husay nito sa pag-arte. 

Ang masasabi ko talaga kay Jo Berry, napakahusay n’ya na aktres. Napaka-generous. Kapag kasama mo si Princess, si Jo Berry, nagiging natural ng lahat,” ani Rodjun.

Bukod pa rito, hinangaan daw n’ya ang professionalism at tapang ni Jo na tanggapin ang project sa kabila ng pagluluksa nito sa pagpanaw ng ilan sa kanyang malalapit na ka-pamilya last year.

Napaka-selfless n’ya. Kagaya nga ng work na ’to. Hindi biro ’yong nangyari sa kanya pero tinanggap n’ya ’tong trabaho na ’to,” pagbabahagi pa ng aktor. 

Dahil sa kanya natuloy ’tong Little Princess. Maraming nagkaroon ng chance na magkaroon ng work. Tapos nagkasama-sama kami.

At present ay inspirado daw na magtrabaho si Rodjun lalo pa’t ganap na s’yang pamilyado. 

Mas inspired ako na magtrabaho ngayon kasi bliness ako ni Lord with Dianne [Medina], ang wife ko. Tapos binigay n’ya sa amin si Baby Joaquin,” say pa n’ya. 

“So, lahat ng ginagawa ko ngayon 100 percent dahil s’yempre pag lumaki si Baby Joaquin gusto ko maging proud s’ya palagi sa akin at maipagmamalaki n’ya ako. 

S’yempre, ang priority ko talaga magkaroon ako ng time sa family ko, maalagaan ko nang mabuti si Baby Joaquin, mapalaki ko s’ya na may takot sa D’yos, at mabuting bata.

Nahiritan naman s’ya ng tanong ng press kung kasama ba sa mga hinihiling n’ya na magka-love life nang muli ang brother n’ya na si Rayver

Naniniwala ako sa plano ng D’yos sa isa’t isa sa atin. Ipagdasal lang natin at alam ko na darating ’yong tamang tao para sa kanya kagaya po ng nangyari sa buhay ko,” sagot ni Rodjun. 

Aside from Juancho Trivino, kasama din nina Jo at Rodjun sina Angelika dela Cruz, Geneva Cruz, Jestoni Alarcon, Therese Malvar, and more sa Little Princess na mapapanood na starting January 10 sa GMA Afternoon Prime, and GMA Pinoy TV.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.