Rochelle Pangilinan, aminadong mas spoiler ng anak kesa sa asawa niya

“Naramdaman ko na kontrol ako ni Shiloh kasi pag umiiyak siya sa akin siya tumitingin. Mas kaya ni Art magturo ng control.”

Photos: @rochellepangilinan

“Naramdaman ko na kontrol ako ni Shiloh kasi pag umiiyak siya sa akin siya tumitingin. Mas kaya ni Art magturo ng control.”

Hindi halatang nanganak dahil trimmed na trimmed na ulit ang disiplinadong si Rochelle Pangilinan. She made sure na bago magbalik-TV ay napaghandaan niyang mabuti physically ang pagbabalik-kontrabida niya sa The Gift

Saglit kasi siyang nagbait-baitan role sa Onanay, her last project bago niya ipinanganak ang six months old na ngayong si Shiloh.

And speaking of Shiloh, ito raw ang dahilan kung bakit medyo extra challenge sa kanyang maging kontrabida ngayon dahil napaka-positive daw ng vibes niya.

“Hirap na hirap akong magalit,” natatawang k’wento ng dating SexBomb dancer. “Ang saya-saya ko kasi ngayon, e. Masaya ang buhay ko.”

In fact, a mere mention of her daughter’s name is enough to bring big smile on her face. Masayang-mahirap daw palang maging nanay. And motherhood, she says is everything she’s expected it to be except everything seemed to double up daw.

“Ang saya-saya, masaya umaapaw talaga ’yong puso ko sa kasiyahan,”  say ni Rochelle. “’Yong kasiyahan, mas masaya; ’yong hirap mas mahirap. Akala ko ganu’n-gano’n lang, hindi pala ganu’n-gano’n lang”

Pero sulit naman daw dahil isang beautiful eyes lang ni “mabigat at siksik” na si Shiloh, nakakalimutan na niya ang mga hirap.

“’Yong ganyan (beautiful eyes),” kwento ni Rochelle habang ginagaya ang anak. “Tapos ’yong ‘Ahhh!’ sasama siya sa’yong bigla... hawak siya ni Art, minsan hawak ko, gagano’n kay Art o kaya ’yong harot-harot tapos biglang hihilig sa’yo... ay ang sarap!”

Rochelle with Argus and Mishka.

 

Naitanong din namin kay Rochelle kung naibe-blend ba niya ang pag-aalaga kay Shiloh sa pag-aalaga niya ng kanyang mga aso. Bago pa man kasi dumating sa buhay nina Rochelle at asawang si Arthur Solinap si Shiloh ay mga devoted parents sila sa dalawang Alaskan Malamute breed na aso—sina Argus at Mishka.

At this point, hindi pa raw nila masyadong na-introduce si Shiloh sa mga doggies pero ang mga doggies ay sanay nang naririnig ang tawa at iyak ni Shiloh. 

“Medyo ang mga nag-aalaga ng dogs namin ’yong mga helpers namin. Sila ngayon ’yong nakakatutok kasi s’yempre anak namin ito, e... Well, ’yong helpers naman namin ’yong naka-tutok and then tinitingnan naman namin everyday kung may water maya’t-maya...’yong gano’n. And ’yong dalawang aso naman, e, kabisado na ng kasambahay namin ’yong routine. So, bago matulog, kung kelan lalabas, kung kelan gano’n. 

And minsan kasama sila sa pagtakbo ko. Kung mag-jogging ako sa umaga sinasama ko sila para ma-exercise. Gano’n lang. Actually gano’n din naman before.”

At dahil babae ang panganay nila, akala namin ay magiging daddy’s girl si Shiloh. But it turned out, according kay Rochelle, mas may tendency na siya ang mang-spoiled sa bata kesa si Art.

In fact, alam na daw ni Shiloh ngayon na “kaya” niya si mommy.

“Si daddy magaling siya mag-disiplina ng bata,” natatawang sabi ni Rochelle. “Parang sa akin siya mas spoiled. Hahaha! ’Yon ’yong problema. Like kunwari umiyak lang siya nang konti, ‘No, no, no...don’t cry, Beh.’ 

“’Wag mong ganyanin, Beh!’ ’Yong gano’n si Art. Mas siya ’yong nakaka-control kay Shiloh. Naramdaman ko na kontrol ako ni Shiloh kasi pag umiiyak siya, sa akin siya tumitingin. So, alam niyang hindi ko siya matitiis.

“‘Aww...’  ’Yong gano’n niya? Once na gumano’n lang nang konti ’yon, alam niya bumubukas agad ’yong pinto ng kuwarto at nando’n ako agad. ’Yong gano’n. Mas kaya ni Art magturo ng control.”

Kelan ang kasunod? Sundot namin.

“Pag nakalimutan ko na ’yong pain. Hahaha! CS [casesarian section] kasi ako, e. Pero ni-try ko kasing... halos isang araw ko kasing nag-try mag-normal. Hindi ako pinalad na magkaroon ng malaking sipit-sipitan [cervix], so na-CS ako.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.