Robin, ayaw patawag ng “Daddy” kay Aljur

PHOTOS: Anna Pingol & @kylienicolepadilla

PHOTOS: Anna Pingol & @kylienicolepadilla

Nabalita noong araw ang hindi pagkakasundo ng mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla dahil nabuntis out of wedlock si Kylie ng matagal na niyang kasintahan na si Aljur Abrenica. In fact, it took awhile bago nagkaharap sina Robin at Aljur kahit pa tanggap na tanggap na ni Robin ang panganay nilang si Alas. Ang hinaing kasi ni Robin noon, bilang ama, ay sana’y mapakasalan ni Aljur ang kanyang anak.

Sa first birthday party ni Alas noong August last year palang nakita nang publiko ang pagkakamabutihan nina Robin at Aljur. 

At nito ngang bago matapos ang taong 2018 ay ginulat nina Kylie at Aljur ang publiko nang biglaang ilabas ni Robin mismo sa social media ang noon ay ginaganap na secret wedding noong dalawa sa isang events place sa Rizal province.

Sa press conference ng peliklula niyang Bato (The Gen. Ronald dela Rosa Story) kamakailan nilinaw ni Robin na matagal na silang okay ng ngayon ay manugang na niyang si Aljur.

In fact, isa pa nga raw si Aljur sa kinonsider nila para sa isang role sa Bato bilang action-star material din naman si Aljur. Meron nga lang daw hindi napagkasunduang mga bagay. Pero sila, as mag-in-law, ay matagal na raw smooth-sailing ang relasyon.

“Masaya ako dahil masaya ’yong anak ko,” paliwanag ni Robin. 

Iyon nga lang, imbes na “anak” din ang itawag kay Aljur ay “tol” (short for utol or brother) daw ang tawag niya kay Aljur, habang si Aljur naman daw ay nag-aalternate ng “daddy” or “tito” ng pag-address sa kanya.

Nako-kornihan daw kasi si Robin sa tawag na “daddy.”

“Iba na panahon ngayon,” panimulang esplika ni Robin. “Dapat ano tayo…baka sa usaping magka-ibigan at mag-best friend, e, mahalin niya pa lalo ’yong anak ko.

“Ang inaano ko lang naman, e, bigyan nila ng pangalan ’yong anak nila. Tapos. Binigyan na nila, e, di ayos!”

Bato, which is released by Regal Entertainment, is currently showing in cinemas.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.