Robb Guinto, nag-umpisa nang magpatayo ng sariling bahay dahil sa VivaMax

Thankful si Robb Guinto sa VivaMax projects niya after nito mapondohan ang kanyang pagpapatayo ng sariling bahay! Dahil din sa VivaMax, marami ding nakuhang opportunities ang Kaulayaw star tulad ng iba pang movie roles at brand endorsements.

PHOTO: Adam Laurena

Thankful si Robb Guinto sa VivaMax projects niya after nito mapondohan ang kanyang pagpapatayo ng sariling bahay! Dahil din sa VivaMax, marami ding nakuhang opportunities ang Kaulayaw star tulad ng iba pang movie roles at brand endorsements.

Feeling grateful si Robb Guinto sa mga projects niya under VivaMax dahil nakatulong ang mga ito para masimulan niya ang pagpundar ng kanyang bahay.

Iyan ang sinabi ng aktres nang humarap siya sa mga miyembro ng press para sa upcoming VivaMax offering na Kaulayaw.

Nag-start na po i-construct ang bahay ko because of Viva,” say ni Robb. “Sobrang natulungan nila ako kasi may mga bagay ako na hindi ko nagagawa before [pero] nagagawa ko na, like nauumpisahan na rin ’yong bahay ko and, of course, ’yong family ko, nate-treat ko na rin sila, nadadala ko na rin sila kung saan-saan.”

Bukod dito, thankful din si Robb sa Viva sa pagtulong sa kanyang career, giving her more opportunities pagdating sa movie roles and brand endorsements.

Tinanong din si Robb kung nakabili na ba siya ng bagong luxury bag. Ni-reveal niya kasi sa unang part ng press conference na binenta niya ang kanyang pinaka-unang luxury bag para pondohan ang kanyang mga pangangailangan noong COVID-19 pandemic.

Hindi ko po muna inuuna ’yong luho,” sabi ni Robb. “Gusto ko muna pong unahin ’yong talagang mas kailangan [katulad nung] bahay kasi, siyempre, ang mga luho, madali lang ’yan, eh. Bonus na lang ’yon kaya dapat ang mas inuuna ’yong mas kailangan talaga.”

Bibida si Robb sa upcoming sexy film na Kaulayaw kasama sina Micaella Raz and Matt Francisco. It is about two college schoolmates who venture into the realm of cybersex to support their needs in life. Directed by Iar Arondaing, the movie is set to be released on VivaMax this coming July 16.

YOU MAY ALSO LIKE:

Micaella Raz, walang limits sa love scene kay Robb Guinto

NOW STREAMING: Top 1

NOW STREAMING: Azi Acosta in Huwad

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.