Rob Kardashian at Blac Chyna, 50/50 custody na sa anak

PHOTOS: @robertkardaashian_ & imrobertkardashian on Instagram

PHOTOS: @robertkardaashian_ & imrobertkardashian on Instagram

Nakakahinga na ng maluwag ang reality star na si Rob Kardashian dahil naayos na nila ng kanyang ex-girlfriend na si Blac Chyna ang tungkol sa well-being ng kanilang anak na si Dream Kardashian.

Ayon sa E! News, naayos na ang custody agreement ng dalawa sa kanilang 2-year old daughter. 

"They agreed to split custody 50/50 but it's true that Rob will have Dream more of the time. Rob no longer has to pay Chyna $20k a month.

"Rob is really relieved about this whole situation. He just wants what is best for Dream."

Noong November 2018 ay nag-file ang Rob ng documents stating that he can no longer afford child support due to a drop in income.

Matagal na raw kasing hindi lumalabas si Rob sa reality show na Keeping Up With The Kardashians simula noong magkaroon ito ng weight problem dahil na-depress ito sa pakikipaghiwalay sa ex-girlfriend nito na si Rita Ora.

Kinansela rin ng E! ang reality show nila ni Blac Chyna na Rob & Chyna dahil sa hindi magandang paghihiwalay nila. May kinalaman din ang mga kumalat na racy photos and video ni Chyna kaya hindi na ni-renew for another season ang Rob & Chyna.

"It has been an extraordinarily difficult time for me emotionally and I have no desire to continue participating in Keeping Up With the Kardashians," ayon pa sa filed documents ng 32-year old na si Rob.

Sa naging financial security ng kanilang anak, "the parents agreed to each pay for whatever Dream needs when either one of them has her for custodial time and any other expenses (school, medical) will be split evenly."

Nag-tweet pa si Rob ng: "Angela (Chyna's real name) and I are both actively co-parenting and there are no pending or active custody cases."

Tweet naman ni Chyna: "Robert and I only concern is what's in the best interest of our daughter that we both equally love. Additionally, Robert is a wonderful father to our Dreamy!" 

Sa Instagram, nag-post si Rob ng isang mensahe bilang pagtatanggol sa ina ng kanyang anak:

"Angela the mother of my child whom I have a wonderful relationship with decided to drop the child support case because it was in the best interest of our daughter. Reports of her wanting to have drinks was totally false and her being late was in reference to a prior meeting concerning our daughter. Please stop creating all these falsehoods concerning Angela and I."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jameela Jamil, pinanindigan ang pagiging aborsyonada: “My decision. My body. My choice.”

Apelyido ni Brad Pitt, official nang tinanggal sa pangalan ni Angelina Jolie

Barbra Streisand, nag-sorry sa pagiging taklesa

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.