Rob Gomez, hindi masabi ang estado ng love life niya ngayon; “Ayoko sabihin kung single ako kasi na-tsugi ako nu’ng last time [na sinabi ko ’yon].”

Goal daw ng aktor na si Rob Gomez na makasama ang nakahiwalayang si Shaila Robertera at ang anak nilang si Baby Amelia sa darating na Pasko. Pero bago ’yon, ipaghahanda raw n’ya ang anak nila sa first birthday nito this coming December 5.

PHOTOS: Tom Pornel & @michaeljasonjorge on Facebook

Goal daw ng aktor na si Rob Gomez na makasama ang nakahiwalayang si Shaila Robertera at ang anak nilang si Baby Amelia sa darating na Pasko. Pero bago ’yon, ipaghahanda raw n’ya ang anak nila sa first birthday nito this coming December 5.

Nag-atubili ang aktor na si Rob Gomez kung paano ilalarawan ang estado ng love life n’ya sa ngayon. 

Nangyari ito nang makausap namin s’ya kahapon, November 15, right after ng media conference proper para sa upcoming primetime series n’ya with Claudine Barretto na Lovers/Liars.

Natanong kasi namin ang aktor tungkol sa dati n’yang partner na si Shaila Robertera at baby nilang si Amelia lalo pa’t nasabi n’ya sa kanyang past interview na pinu-pursue n’ya ang mga ito matapos ang kontrobersyal nilang hiwalayan last August.

Ayon kay Rob, ayaw daw muna n’yang magdetalye sa development ng kanyang panunuyo kay Shaila.

“I can’t… I don’t think I should update kasi baka ma-jinx,” natatawang sabi n’ya sa amin. 

Ganu’n pa man, tiniyak n’ya na maayos naman daw ang lahat so far. 

“Everything is great. Everything is great right now. I miss them so much,” saad pa n’ya.

Patuloy pa rin naman daw ang pakikipag-usap n’ya sa kampo ni Shaila.

Tuloy-tuloy naman. Everything is good,” dagdag pa n’ya.

Nang matanong naman kung single pa rin ba s’ya magpahanggang ngayon, dito na napaisip si Rob.

Opo, I guess so. I guess so. We don’t know,” sagot n’ya.

Ayoko ring sabihin kung single ako kasi na-tsugi ako nu’ng last time [na sinabi ko ’yon],” natatawang lahad pa n’ya.

Kung matatandaan kasi, sinabi n’ya sa interview n’ya with Fast Talk With Boy Abunda noon na single s’ya, na sinundan naman ng pag-amin ni Shaila sa social media na magkarelasyon sila at meron silang anak.

Iyon ang ipinagpapalagay na naging ugat ng kanilang paghihiwalay.

Kaya naman ayaw raw n’yang magsalita nang tapos ngayon tungkol sa lagay ng kanyang puso.

Baka ma-jinx. Baka ma-jinx. So, I pray to the Lord na everything falls into the right place, into the right time,” aniya.

Isa na umano sa hiling niya ay ang makasama n’ya ang kanyang mag-ina sa darating na Pasko.

“That’s the goal. That’s the goal. Be with them on Christmas day,” he said.

Pero bago ’yon, ipaghahanda umano n’ya ang anak nila ni Shaila sa first birthday nito sa December 5.

“It’s a big, big celebration. We’re fixing everything, the venue, the food, program, invites…” patikim pa ni Rob sa inaasikaso n’yang upcoming birthday party.

Samantala, busy ngayon ang aktor dahil kahit katatapos lang ng teleserye nila ni Herlene Budol, heto’t kabilang s’ya sa primetime series na Lovers/Liars.

Kasama n’ya rito sina Michelle Vito, Shaira Diaz, Polo Ravales, Kimson Tan, Yasser Marta, Sarah Edwards, Lianne Valentin, and the Optimum Star Claudine Barretto.

Mapapanood ang Lovers/Liars simula November 20 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rob Gomez, miss na miss na ang kanyang mag-ina; “I used to love going to work because I love going home more. Right now it didn’t feel the same.”

Rob Gomez, nag-sorry kay Shaila Robertera; “I promise to keep my promises to you this time.”

Former beauty queen na si Shaila Rebortera, isinapubliko ang anak kay Kapuso leading man Rob Gomez

​​​Hinala ng netizens, Shaila Rebortera, sinaktan ni Rob Gomez matapos isiwalat na may anak na sila?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.