Rita Daniela, kinikilig daw pag sinasabihang kahawig ni Nadine Lustre; pero si Kathryn Bernardo ang idol

May mga anggulo naman talaga na may pagka-Nadine Lustre nga ang dating ni Rita Daniela lalo pa at she’s now sporting long, curly hair. Napansin agad ng mga press sa BeautéDerm launch ang Nadine aura ni Rita sa mga naka-display palang na tarps at posters sa venue at lalo na doon sa audio-visual presentation na ipinakita bago sila i-introduce isa-isa ng host.

Photos: Instagram

May mga anggulo naman talaga na may pagka-Nadine Lustre nga ang dating ni Rita Daniela lalo pa at she’s now sporting long, curly hair. Napansin agad ng mga press sa BeautéDerm launch ang Nadine aura ni Rita sa mga naka-display palang na tarps at posters sa venue at lalo na doon sa audio-visual presentation na ipinakita bago sila i-introduce isa-isa ng host.

Sa collective press launch para sa mga GMA-7 Artist Center talents na kinuhang brand ambassadors ng BeautéDerm Corporation, maraming members of the press ang nakapansin na numa-Nadine Lustre ang aura ngayon ni Rita Daniela ng successful TV loveteam na RitKen (Rita-Ken Chan) na bumibida ngayon sa second TV pairing nilang One of the Baes, na gaya ng afternoon soap nila noong My Special Tatay, ay pumapalo din sa ratings.

May mga anggulo naman talaga na may pagka-Nadine nga ang dating ni Rita lalo pa at she’s now sporting long, curly hair. Napansin agad ng mga press sa BeautéDerm launch ang Nadine aura ni Rita sa mga naka-display palang na tarps at posters sa venue at lalo na doon sa audio-visual presentation na ipinakita bago sila i-introduce isa-isa ng host.

Nang ma-corner ng isang grupo ng press—kabilang ang pikapika.ph—si Rita at Ken after ng press con proper ay isa ang tungkol sa pagkakahawig nila ang naitanong sa underrated singer-actress.

The press asked Rita kung aware siya na may pagkaka-hawig sila, kung ano ang reaction niya, at kung may nakapagsabi na ba nito sa kanya prior to the BeautéDerm launch?

Tila nangingimi pa si Rita sa pagsasabing “Marami po...,” sabay tumingin ito kay Ken na nasa tabi niya na tila nanghihingi ng tulong sa pagsagot.

Tinukso tuloy si Ken na James Reid daw pero mabilis namang sinangga ito ng versatile actor sa pagbabalik na: “Saang banda [ang James Reid sa akin]?

“Ano ba masasabi ko?” say ni Rita na obviously ay hindi alam kung paano magre-react. 

“Kinikilig siya!” pambibisto ni Ken. “Friend niya yang si Nadine, e.”

“Hindi,” mabilis namang pagko-correct ni Rita. “Nagka-trabaho lang kami.”

“Thank you sa mga nagsasabing magkahawig [kami],” very humble na say ni Rita. 

At napapag-usapan na rin lang, naitanong din kay Rita kung maging kasing-katawan din daw ba niya si Nadine ay keri niya ring magpa-sexy pictorial na gaya ng ginawa ni Nadine sa swimwear campaign nito for the H&M brand?

“Uy, bakit hindi?” sakay ni Rita. Pero kung siya raw, she wants to defy the norm, na hindi kailangan kasing-payat ni Nadine para makapag-swimwear.

“Naku, kung mabibigyan po ako ng pagkakataon ng Bench o ng H&M, kukunin ko po ’yon kasi I’m promoting natural...sa totoo lang, kung mabibigyan po ako ng pagkakataon na gano’n, nako, i-ga-grab ko.

Bakit hinde? Basta ano lang yan, tamang ano lang...right timing and preparation.”

Rita was also asked kung may nagsabi na din ba sa kanyang kahawig niya si Kathryn Bernanrdo, bilang may mga nagsasabing magkahawig din daw si Nadine at Kathryn.

At ayon kay Rita ay meron din daw. And between Nadine and Kath daw ay si Kath ang mas kaibigan niya. Very vocal din si Rita sa pagsasabing hanga siya kay Kath bilang aktres.

“Me picture kami together, nakita n’yo?” excited na say ni Rita. “Sa Instagram ko. Nagkita kami do’n sa PMPC [awards night]. ’Yon kaibigan ko si Kathryn talaga...

“Tapos ayon nag-picture kami...Kasi ako, kahit kaibigan kon ’yon, fan na fan ako ni Kathryn, sobra. Napakahusay umarte no’n, e.”

Incidentally, tuwang-tuwa si Ken na hanggang endorsement ay magkasama na sila ni Rita. Noon pa sila napansin ni BeauteDerm CEO Rhea Tan, panahon pa ng My Special Tatay. Mas una lang nakausap ni Miss Rhea si Ken at ito naman ang sinabihan niyang hilahin si Rita (na noon ay may kausap nang ibang related endorsement).  

Happy si Miss Rhea sa dalawa dahil napaka-babait na bata raw. Although obvious na mas pagkiling ito kay Ken, dahil bukod sa taga-Pampanga rin gaya niya, ay nasaksihan nito kung paanong napaka-mapagmahal na anak ni Ken na nag-aalaga sa tatay nitong may cancer. Naka-relate kasi si Miss Rhea, na ulila na sa ama, kay Ken. In fact, yon ang isa sa mga dahilan kung bakit only thorn among the roses muna si Ken nong ini-lauch last Saturday sa Luxent Hotel sa Quezon City, ang limang new endorsers. Gusto nitong ma-highlight muna ang launch ng—aminin man niya o hindi—paborito niyang si Ken Chan.

Bukod sa RitKen, brand ambassadors na din ng BeautéDerm sina Camille Prats, Pauline Mendoza, at Sanya Lopez.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.