Richard Yap, naudlot ang pagpapahinga

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Si Richard Yap ang bagong addition sa cast ng top-rating afternoon series na Kadenang Ginto.

Gagampanan niya ang role ni Leon, na magkakaroon ng kaugnayan kay Romina, ang karakter na ginagampanan ni Beauty Gonzalez.

Iba ang itsura ni Richard sa serye dahil mayroon siyang konting balbas at bigote. Ruggedly handsome ang dating niya.

"This is something new for me," pahayag ni Richard. "Ayoko naman na magsawa sila sa role na gagawin ko. Dapat for every show na gagawin ko, may pagbabago sa role."

Huling serye ni Richard ay Sana Dalawa ang Puso kasama sina Jodi Sta. Maria at Robin Padilla last year at tumakbo ng nine months sa ere.

"For a daytime show, maganda ang rating ng Kadenang Ginto. Naririnig ko itong pinag-uusapan ng mga tao."

Wala raw second thoughts si Richard sa pagtanggap ng role niya bilang Leon.

 

Balak daw muna sana niyang magpahinga ng mga two months bago sumabak ulit sa akting. Babawi ng lakas kumbaga after his failed political bid sa congressman of the fist District of Cebu. Pero the role of Leon, which he described as ambiguous—na hindi mo malaman kung mabait o salbahe—proved too hard to resist daw lalo pa’t ang gusto niyang career path na tahakin ay mala-Albert Martinez na pwedeng bida-kontrabida.

 

Ang hiniling lang niya ay bigyan siya ng one month para magbawas ng timbang. Pero sinabihan siya na kailangan na niya mag-taping dahil ipapasok na ang character niya sa serye.

Pero definitely ay ibang karakter siya at gusto niya maiba si Leon from Sir Chief.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

Battle of the Memes: Strutting Daniela vs. Lounging Romina

 

Dimples' hubby Boyet joins #OhDani bandwagon!


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.