Hindi ikubli ng actor-businessman na si Richard Yap ang pagka-imbiyerna n’ya sa isang telecommunications provider na makailang beses s’yang kinulit para bayaran ang kanyang monthly bill.
Sa kanyang Twitter post nitong weekend, hayagang naglabas ng saloobin ang Kapuso leading man matapos umano s’yang makatanggap ng sunod-sunod na tawag mula sa mga staff ng telecom company para pagbayarin ng P599.
Ikinayamot n’ya ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya na para bang tatakasan niya ang kayang bayarin gayong mahigit isang dekada na umano s’yang subscriber. Meaning, palagi s’yang nagbabayad ng kanyang monthly dues mula pa noon kaya nga tumagal s’ya bilang isang customer.
“Grabe tong @LiveSmart tawag ng tawag kahit di mo pa due date. Akala nila takasan natin sila ng 599 pesos when we’[v]e been subscribers for more than 10 years already,” himutok ng Abot-Kamay na Pangarap actor sa kanyang tweet.
“Pero pag Wala tayong signal sa area natin di naman nila inaayos,” hirit pa n’ya.
Kalakip ng tweet ang screenshot photo ng kanyang call history sa kanyang phone.
“Hi there, @ImRichardYap08. We are sorry to hear your experience with us. Allow us to resolve your concern by sending us a direct message to @LiveSmart or @SmartCares. We will wait for your message. Thanks!” tugon naman sa kanya ng telecom company.
Dahil sa hanash na ito ni Richard ay nagsilabasan sa comment section ang mga netizens na may mga hinaing din sa nasabing telecom company.
Reklamo ng isang netizen, “Pag artista i-aassist agad. Ayusin nyo services nyo para lahat walang inconvenience!”
Inireklamo naman ng isa ang hindi magandang service ng telecom kahit na malaki umano ang ginugugol n’yang budget para dito.
“Ako nga almost 2,000pesos nagagastos ko sa load sa loob ng 2months using SMART... pero nung nagregister ako Giga Video50 nila napakabulok ng serbisyo.. Tapos yung @SMARTCares nila pina.ikot ikot lang ako... di nila masagot bat bulok serbisyo nila,” pag-aalburoto ng Twitter user.
Nagbabalak naman na magpa-putol na ng service ang isang netizen dahil sa tila sa harassment na tinatanggap n’ya. Madalas daw kasi s’yang sinisingil ng staff ng telecom company kahit na hindi pa naman daw n’ya due date.
“[S]ame. I'll be cutting off my plan kasi nakakarindi yung tawag ng tawag sila... as in when you are waiting for some important calls tas sobrang spam sila wala pang due date,” himutok nito.
Hindi ito ang unang beses na may artista na nagreklamo sa serbisyo ng isang telecom company.
Napabalita rin noon ang pagrereklamo sa social media nina Alex Gonzaga at Liza Soberano sa kani-kanilang telecom at internet provider.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber