Ria Atayde, deadma nang mag-beauty queen

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Single-but-not-looking-to-mingle ang description ni Ria Atayde sa estado ng kanyang puso sa ngayon.

 

“If it comes, it comes, kibit-balikat na sabi ni Ria sa pikapika.ph last September 29 sa ABS-CBN Ball. “But I’m happy.”

 

Taong 2015 nang subuking sundan ni Ria ang footsteps ng nanay niyang si Sylvia Sanchez at kapatid na Arjo Atayde sa showbiz. Pero two years after ay lumutang ang balitang ino-offer-an siyang lumahok sa Miss World Philippines beauty pageant, bagay na ikinonsider niya for awhile. Pero nang mag-sunod-sunod na ang mga TV assignments ng mestizang si Ria sa ABS-CBN ay tila nawalan na siya tuluyan ng interes subukin ang mundo nina Pia Wurtzbach at Megan Young.

 

Sa ngayon ay tila farfetched idea na ito para kay Ria. “Ay parang masyado na po yata akong matanda for that,” say ng guest star ng Halik. “Twenty-six na po kasi ako. Di ba ’yong age limit po yata nila, twenty-six or twenty-seven?”

 

“Hindi ko din naman naging dream ’yon,” pag-amin niya. “Naging dream lang siya dahil na-suggest. And I found naman what I’m passionate about which is acting at hindi rin naman siya completely in line with acting, so, okey naman po ako.”  

 

Kaka-bonus lang ng dalaga mula sa Star Cinema dahil sa tumiba sa takilya ang pelikulang nasamahan ni Ria na The Hows of Us ng tambalang KathNiel [Kathryn Bernardo at Daniel Padilla]. At kasalukuyang ginagawa niya ang MMFF 2018 entry ng Quantum Films na Girl in the Orange Dress na pagbibidahan ni Kim Chiu, Jericho Rosales, at Jessy Mendiola.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.