Rex Baculfo ng Caloocan City, itinanghal na The Clash 2023 grand champion

During the finals, ipinagpasa-Diyos na daw ng aspiring singer and The Clash 2023 champion na si Rex Baculfo ang lahat dahil alam n’ya sa sarili n’yang naibigay na n’ya ang kanyang makakaya para sa kompetisyon.

PHOTOS: @johnrexbaculfo on Facebook

During the finals, ipinagpasa-Diyos na daw ng aspiring singer and The Clash 2023 champion na si Rex Baculfo ang lahat dahil alam n’ya sa sarili n’yang naibigay na n’ya ang kanyang makakaya para sa kompetisyon.

May bago ng champion ang singing competition ng GMA-7 na The Clash in the form of Rex Baculfo.

Ang tinaguriang “Simpatikong Bokalista” ng Caloocan City ang tinanghal na kampeon ng fifth season ng Kapuso musical competition kagabi, May 28.

Nakatunggali n’ya sa sixth round ng kompetisyon na tinatawag na “Matira ang Pinakamatibay” ang tatlo pang finalists na sina Mariel Reyes ng Albay, at Liana Castillo and Arabelle dela Cruz na kapwa taga-Laguna. 

Nakuha ni Rex ang boto ng The Clash panel—composed of Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha—dahil sa impressive rendition n’ya ng “Earth Song” ni Michael Jackson, dahilan para umabante s’ya sa final round. 

Sa huli, nakaharap n’ya sa final one-on-one clash ang pambato ng Laguna na si Arabelle where they both performed “Oras Ko ’To,” originally composed by Christian Bautista. 

This time, muling nakuha ni Rex ang boto ng panel kaya s’ya ang itinanghal na champion ng The Clash 2023.

Kabilang sa kanyang napanalunan ang Php1 million in cash, exclusive contract under GMA, at brand new house and lot na nagkakahalaga ng Php3 million. 

Sa isang interview right after the competition, sinabi ni Rex na hindi s’ya makapaniwalang s’ya na ang bagong champion ng The Clash lalo na nu’ng tinawag ang kanyang pangalan.

Dito ko talaga masasabing overwhelming…talagang overwhelming. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak ko nu’n,” saad n’ya. 

Ipinagpasa-Diyos na daw n’ya ang lahat dahil alam n’ya sa sarili n’yang naibigay na n’ya ang kanyang makakaya para sa kompetisyon.

Nu’ng nakatayo kaming dalawa ni Arabelle, sabi ko, ‘Lord, I leave it to you. ’Yong ginawa kong performances sa lahat-lahat sa The Clash ay para sa Iyo.’ Siguro S’ya na talaga ’yong nag-work for me,” lahad ni Rex. 

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Sa lahat ng naniniwala at sumusuporta po sa akin, maraming maraming salamat po,” pagtatapos n’ya. 

Samantala, tumanggap naman ng tig-Php100,000 na consolation prizes sina Liana, Mariel, at Arabelle.

Congratulations!


 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Clash alumni Jeniffer Maravilla at Psalms David release respective new singles

The Clash Season 4 grand winner Mariane Osabel at ang runner-up na si Vilmark Viray, kapwa hindi tumigil makamit ang pangarap maging singers kahit mga engineers na!

The Clash champion Jessica Villarubin, na-bully dahil sa kanyang hitsura noon; proud “retokada” ngayon

Ang cute na reaksyon ni The Clash Season 2 Grand Winner na si Jeremiah Tiangco nang tanungin about the prizes he won

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.