Revirginized star Sharon Cuneta on virginity and morality: “The condition of your vagina does not reflect on the quality of your heart.”

Photos: Darryl Yap Facebook

Photos: Darryl Yap Facebook

MILF ang original title ng Revirginized, ang comeback movie ni megastar Sharon Cuneta sa Viva after 19 years.

MILF ang taguri sa mga middle-aged women na sexually attractive pa rin especially to younger men. It’s also a slang acronym for something na hindi namin kayang isulat sa tabi ng pangalan ng megastar.  

Sanitized version pa kung tutuusin ang Revirginized, na siyang tawag naman sa mga nag-undergo ng surgery para magpasikip ng ari o kaya naman ay yong sinikipan na naturally dahil sa more than three years nang walang sexual intercourse.

As a film, na galing sa malikot na isip ni Darryl Yap, tungkol ito sa isang babaeng maagang nasabak sa marital and maternal responsibilities kaya’t na-miss out niya ang kanyang kabataan. Along the way, magagawa niya—ni Sharon bilang Carmela—ang mga hindi nagawa noon. At mukang dito papasok ang riot ng istorya.

Nagustuhan ni Sharon ang script. At may idea naman siya kung sino si Darryl Yap—ang controversial young director na nag-aalmusal ng bashing—kaya more or less, she knows what she’s getting herself into. 

Kontrobersyal lang naman daw sa pandinig ang tituto ng pelikula pero may kurot umano ang istorya nito na maihahalingtulad din sa mga rom-coms (and even serious movies) na ginagawa ng mga middle-aged actresses sa Hollywood. Katwiran niya, love stories—and even love scenes—are not exclusive to 20 years old.

Ganu’n pa man, hiningan pa rin si Direk Darryl ng paliwanag ng movie press kung paano niya iha-handle ang pelikula without being blasphemous sa nag-iisang megastar. 

Pero dahil nga Revirginized ang title, it’s but natural na matalakay sa pelikula ang tungkol sa virginity na isang very abstract concept para kay Direk Darryl

“At the beginning of the film, we will talk about the context of virginity,” panimulang tsika niya sa Zoom conference kamakailan. “Well me as a feminist also, the context of the virginity doesn’t exist for me. It’s just...what do you call this? It’s a social construct...”

Agad na dumagdag si Sharon na nasa tabi lang ni Direk Darryl. “Your personality and your heart do not really... the condition of your vagina does not reflect on the quality of your heart.”

Ikinatawa ni Direk Darryl ang tinuran ni Mega pero agad siyang nag-agree.

“Yes, exactly,” ani ng young director. “Ang iyong pu__ ay hindi isa pang pu__. ’Yon ang ibig kong sabihin.”

Natanong din si Direk na kung sakali daw bang may mag-presure sa kanya para palitan pa rin ang title ay papayag ba siya?

Pero ani Direk, kasama sa kontrata niya sa Viva ang complete creative freedom.

“My contract with Viva is like this... my scripts are my scripts. I don’t let their creative touch it—because Viva has their own creative team. So, my contract states that no creative team should touch my scripts. Isa pa, that I should shoot my films here in my hometown in Olongapo...in Subic and lastly, that I should market my films.

“So pag may pelikula ako, meron akong poster at meron akong marketing strategy na sa akin, meron din ang Viva. 

“So, I don’t think I’ll change the title. I don’t think any pressure will actually make me change it because imagine when we promote this, it will be: Sharon Cuneta is Revirginized. So, that’s it.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta sa potential bashers ng collab nila ni controversial director Darryl Yap: “Who you?”

Princess Punzalan on being an actress in the US: “Ang pag-aartista dito parang labanan ng Miss Universe.”

Sharon Cuneta in tears over the death of fashion designer and friend Rocky Gathercole

Derek Ramsay, two years daw dapat ang palilipasin bago makipag-relasyon ulit pero na-“blindside” ni Ellen Adarna

Charo Santos-Concio shares learnings after decades in show business

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.