Rendon Labador, may hamon kay MTRCB chairperson Lala Sotto: "Tatay mo o kapakanan ng Pilipinas?"

Dismayado ang controversial online personality na si Rendon Labador dahil matapos niyang banatan sina Vice Ganda at Ion Perez ng It's Showtime ay si Tito Sotto naman ng E.A.T. ang nakatawag ng kanyang pansin. "Eto na ba ang bagong noontime shows natin? Puro kabastusan nalang? Hindi pa nga ako tapos  kay Vice meron nanaman!" iritadong pahayag niya.

PHOTOS: Rendon Labador and MTRCB FB

Dismayado ang controversial online personality na si Rendon Labador dahil matapos niyang banatan sina Vice Ganda at Ion Perez ng It's Showtime ay si Tito Sotto naman ng E.A.T. ang nakatawag ng kanyang pansin. "Eto na ba ang bagong noontime shows natin? Puro kabastusan nalang? Hindi pa nga ako tapos kay Vice meron nanaman!" iritadong pahayag niya.

Matapos pasalamatan ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB kahapon sa naging pag-aksyon nito sa "indecent acts" umano nina Vice Ganda at Ion Perez, naglabas ng hamon ang controversial online personality na si Rendon Labador sa ahensya.

Kaugnay ito sa batikos niya sa ginawa ni dating senador at ngayo'y E.A.T. host Tito Sotto noong July 29. Hindi kasi niya nagustuhan ang pagsibasib ng TV host sa misis nitong si Ms. Helen Gamboa on-air.

"Eto na ba ang bagong noontime shows natin? Puro kabastusan nalang? Hindi pa nga ako tapos  kay Vice meron nanaman! [Man facepalming emoji]," dismayadong pahayag ni Rendon sa kanyang Facebook post.

Kalakip nito ang screenshot photo mula sa E.A.T. kung saan makikita kung paano pinaghahalikan ni Tito Sen ang wife niyang si Helen. 

"Paki ayos nga yan MTRCB!!! Paano natin maaayos ang Pilipinas kung pati NATIONAL TV ay wala nading moralidad?" request niya.

Giit pa ni Rendon, wala naman daw masama sa paghalik pero may tamang lugar daw para gawin 'yon.

"HINDI MASAMA MAG PAKITA NG PAG MAMAHAL SA KAPWA gusto ko lang isiksik sa mga kokote natin na MAY TAMANG LUGAR TAYO PARA DIYAN. Sumasakit ang ulo ko sa inyong lahat [Man facepalming emoji]," banat pa niya. 

"MTRCB galaw galaw tayo ha? Hindi ko pwede itolerate ang mga yan. Maraming salamat #stayMotivated," he added. 

Sa kasunod niyang FB post, hinamon niya si MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio na maging patas at ipatawag din ang ama niyang si Tito Sen gaya ng ginawa nila sa mga producers ng It's Showtime. 

"TATAY MO O KAPAKANAN NG PILIPINAS??? MTRCB Chair Lala Sotto!!! Kaya mo din bang ipatawag ang tatay mo para i-tama ang mali?" tanong niya.

Binanatan na rin niya ang dating senador pati na rin ang kasamahan nitong sina Vic Sotto at Joey de Leon.

"TVJ akala ko ba wholesome kayo? [Man facepalming emoji] Ano ba ngyayari sa mga noontime shows natin ngayon at puro na kabastusan???" bira pa niya. 

Parang hindi raw natuto si Tito Sen sa naging insensitive remarks niya sa babaeng Sugod Bahay winner ng "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! noong 2016.

Kuwento kasi ng lucky winner, pinagsamantalahan umano siya ng kaibigang lalaki dahil sa kalasingan, dahilan kaya siya hiniwalayan ng kanyang mister. Komento dito ng dating senador, "Kababae mong tao, shot-shot ka."

Dahil sa nangyari, ipinatawag ng MTRCB under chairman Eugenio “Toto” Villareal ang mga head ng TAPE, Inc. 

"Noong 2016 pinatawag ka ng MTRCB, Hindi ka parin natuto [Man facepalming emoji]," dismayado na namang pahayag ni Rendon. 

As of this writing ay wala pang tugon ang MTRCB sa hamon ni Rendon.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.