Pakiramdam daw ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, mabilis ang takbo ng mga araw ngayon at tila marami siyang nami-miss sa kanyang buhay.
Iyan ang naging sentimiyento niya kahapon, January 1, na idinaan niya sa kanyang post sa X (formerly Twitter).
Feeling niya raw kasi, ang bilis lang magpalit ng araw sa kalendaryo.
After kasi niyang mag-perform sa New Year countdown celebration sa Ayala Avenue sa Makati City last December 31, napansin niyang mabilis lang na lumipas ang unang araw ng taon.
"January 1 ang bilis no? This year try ko lang maging present (mentally) sa lahat ng gagawin ko [Face with tears of joy emoji]," pahayag ni Regine sa kanyang social media post.
"I don’t know time’s so fast I feel like I’m missing out on a lot of important things in my life [Weary face emoji] parang lagi akong tulog ba [Face with tears of joy emoji]," dagdag pa niya.
Ganu'n pa man, nagpapasalamat daw ang OPM icon sa lahat ng biyayang ipinagkaloob sa kanya noong 2023.
"But I have to say daming blessings last year thank you Lord [Folded hands emoji] So again I shall try my very best to be more aware or awake this year so I can enjoy life more," aniya.
Saad pa ng singer-actress and TV host, titigilan na umano niya ang pag-iisip at pag-alala sa mga bagay na wala sa kanyang kontrol.
"Maybe I should stop worrying about things that I cannot control [Persevering face emoji] So I can best enjoy God’s blessings more," pagbabahagi niya.
"Happy New Year to all God bless po [Smiling face with smiling eyes and three red hearts emojis]," pagtatapos ni Regine.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: Ogie Alcasid and Regine Velasquez mark 13 years of marriage
Regine Velasquez, may bilin kay Rayver Cruz tungkol kay Julie Anne San Jose
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber