Mukhang approved kay Asia’s Songbird Regine Velasquez ang balitang nali-link ang singer-actress na si Julie Anne San Jose sa actor na si Rayver Cruz.
Kung pagbabasehan kasi ang palitan ng tweets between Regine and Rayver recently ay masasabing boto nga ang OPM icon kay Rayver para kay Julie Anne na para na umano n’yang younger sister dahil matagal silang nagkasama noon sa mga musical variety shows ng GMA Network noong Kapuso pa s’ya.
Nag-umpisa ang palitan nila ng tweets—na kinakiligan ng mga JulieVer fans—nang i-flex ni Rayver ang photo nila ni Julie Anne on Twitter last April 9. That day kasi ipinalabas ang third and final leg ng digital concert ni Julie na “Limitless, A Musical Trilogy” kung saan s’ya ang special guest.
“Kaka proud naman powssss hehe the one and only @MyJaps #LimitlessRise,” pahayag ng Kapuso hunk sa kanyang tweet kalakip ang photo nila ng tinaguriang Asia’s Limitless Star na kinunan sa dressing room.
Kaka proud naman powssss hehe the one and only 𝔞𝔩𝔰 🌟🕷🌍🙌🏻 🎃 @MyJaps #LimitlessRise pic.twitter.com/dcny6yzv3z
— Rayver Cruz (@RAYVERCRUZ20) April 9, 2022
Nag-reply naman dito si Regine nang sumunod na araw, April 10, para sabihan ang aktor na alagaan n’ya ang Kapuso star dahil mahalaga ito sa kanila. Tila umiral din ang pagiging protective ate ng Kapamilya singer.
“Alagaan mo yan ha special sa amin yan si Chuli by the way parang kailangan natin mag usap [Smiling face with open mouth emoji],” aniya sa kanyang tweet.
Alagaan mo yan ha special sa amin yan si Chuli by the way parang kailangan natin mag usap 😃
— regine alcasid (@reginevalcasid) April 10, 2022
Natawa naman dito si Rayver pero game daw s’ya sa gustong mangyari ng Ate Regine nila.
“[A]te [R]eg!!! wahahaha hello po!!! cge po Godbless po hahaha!” sagot ni Rayver.
ate reg!!! wahahaha hello po!!! cge po Godbless po hahaha! ☺️😘🤩
— Rayver Cruz (@RAYVERCRUZ20) April 10, 2022
Matatandaan na bagama’t makailang beses nang na-interview ng press si Julie Anne tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Rayver o kung nanliligaw na ba ito sa kanya ay ilang ulit rin itong tumanggi na magsalita.
“Mas maganda siguro po talaga kung s’ya na lang po ang tatanungin ninyo at sa kanya po manggagaling,” natatawang sagot ni Julie sa press during her Limitless 3: Rise digital media conference kamakailan.
“But everybody knows we’ve always been very, very close. We’ve been like really good, we enjoy each other’s company at saka sobrang comfortable po namin sa isat isa. So, that’s my answer. We will see. Hahaha!” pagtatapos n’ya.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber