Rayver Cruz, sepanx na sa nanay; sepanx pa sa show

PHOTOS: @rayvercruz on Instagram

PHOTOS: @rayvercruz on Instagram

Nagkaroon nga nang magandang samahan sa set ng afternoon drama series ng GMA Network na Asawa Ko, Karibal Ko ang main cast na sina Rayver Cruz, Thea Tolentino at Kris Bernal. 

Sabi ni Rayver, ngayon pa lang daw ay nakakaramdam na siya ng sepanx o separation anxiety. 

“Ngayon pa lang nakaka-sepanx na, lalo na sa akin kasi first show ko ito sa GMA tapos naging comfortable ako kaagad, ” kuwento ng utol ni Rodjun Cruz sa ilang entertainment press na dumalaw sa location ng series. 

Dugtong ng 29-year old Kapuso hunk, “Talagang hindi ko ito makakalimutan kasi ito ‘yung first show. Alam ko namang ilang panahon lang, makakatrabaho ko ulit sila.”

“Nami-miss ko lahat, buong cast and crew, si direk Mark (Sikat de la Cruz). Kung puwede nga lang, next show mo, sila pa rin, ‘di ba?” 

“Sobrang happy ako na sila ‘yung nakatrabaho ko, sobrang gaan. Magaang lahat,” banggit pa ng boyfriend ni Janine Gutierrez. 

Balak daw ni Rayver na magpahinga sandali pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko na magtatapos this Friday, March 1 lalo na’t may mabigat na pinagdaanan ang kanilang pamilya dahil sa biglaang pagpanaw ng kanilang inang si Mommy Beth nitong February 2 due to pancreatic cancer. 

“Parang after this, gusto ko munang mag-travel, pahinga lang. 

“Gusto ko munang magbakasyon. Hindi naman super-tagal, breather lang tapos back-to-work again,” tinuran ng aktor. 

For sure, hindi rin naman mami-miss ng mga tagahanga si Rayver dahil kasama rin siya sa musical program na Studio 7 na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande ng GMA. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.