Rachelle Ann Go, apat na araw palang nag-assume na magpo-propose sa kanya si Martin Spies sa Boracay

PHOTOS: @gorachelleann on Instagram

PHOTOS: @gorachelleann on Instagram

Makalipas ang tatlong taon, ibinahagi ng mag-asawang Rachelle Ann Go and Martin Spies ang mga naganap sa kanilang engagement noon sa Boracay way back in September 2017. 

Nag-throwback ang mag-asawa sa espesyal na araw na 'yon sa kanilang buhay sa Part II ng Love Story vlog ni Rachelle Ann–na kilala rin sa nickname n'ya na Shin–na in-upload sa YouTube channel ni Rachelle Ann last October 19. 

Dito, isinalaysay ni Martin na team effort pala kung paano naisagawa ang pagpo-propose n'ya noon kay Shin sa tulong ng kanilang mga Filipino friends. 

Umuwi daw ng bansa noon si Rachelle Ann from New York para magbakasyon at para dito i-celebrate ang birthday niya that year. At dahil balak naman daw palang sundan ito ni Martin, na naka-base din that time sa New York, isang friend daw nila ang nag-suggest na gawin na ang proposal sa Pilipinas. 

Isang friend din daw ng international musical theater actress ang hiningan ni Martin ng tulong para mag-research kung may dream engagement ring ba ito. 

Sa New York pa lang daw ay pina-plano na ni Martin ang kalalabasan ng kanyang magiging proposal.

"It was a nerve-wracking experience to see because I didn't want anyone else to find out... I was scared if there would be a leak..." paglalarawan pa niya sa naging proseso ng kanyang plano. 

At dumating nga sa bansa si Martin a day before Shin's birthday which is August 31. 

"It was really nice to introduce you to the whole gang," pahayag naman ng Pinay singer-actress sa kanyang mister. 

Inamin din ni Rachelle Ann na kahit papano ay umasa s'ya na baka mag-propose na noon si Martin sa kanya nang dumiretso silang lahat sa Boracay 

"When we were in Boracay, I was hoping—not really expecting—that you will propose," sey ni Shin kay Martin. "But I was hoping that he [would because he] was there with my family already. I feel like it's a perfect time and perfect place to do that."

Pagre-recall pa ni Shin, inakala daw n'ya na magpo-propose na si Martin sa mismong araw ng kanyang birthday, pero hindi pala.

“One funny thing pa during my birthday, when he handed me his gift, it was like a tiffany box. Pag-open... Hahaha... 

"It was funny. In my head I was like, 'Oh my gosh! Is this a ring? Is this a ring?' Pag-open ko, it was a necklace. Hahaha!

"I mean, I loved it. I loved it," paglilinaw n'ya. "But part of me was like, 'I thought it was a ring.' It was so, so funny but I was like, 'Shin, stop it.' I was stopping myself from thinking that thought.”

Pag dating sa Boracay, araw-araw daw na nag-a-assume ang Filipina theater actress tuwing nakakakita ng mga isini-set up na tents and tables. 

"When we went to Boracay, the funny part is every single morning... we stayed at Discovery Shores. Every morning, they were building this tent. Alam mo 'yon? When they have special events like dinner or proposal, they would do the special thing. 

"So, every morning they're preparing for something," she continued. "So, I feel like, 'Is this for me? Maybe Martin is proposing to me.' Hahaha!

"It's so funny. So everytime I see people preparing something, I would fix my hair. I would iron or curl my hair waiting for the surprise. Maybe it's for me. But I was just assuming. [All the set up] wasn't [for me].

Dahil naumay na daw kaka-assume, inalis na lang daw ni Rachelle Ann sa isip n'ya ang tungkol sa proposal. 

"Before the last day, I was like, 'You know, I'm just gonna stop,'" pagbabahagi pa n'ya sa vlog. "Actually, on the last day, I said, 'I'm gonna stop.' I didn't assume... I didn't think of anything after that. I'm tired. I'm like, 'Shin, stop assumming.' Feeling-era, e." 

Ang nangyari pala ay nahirapan palang magpa-alam si Martin sa parents ng aktres. Hindi n'ya daw kasi makausap nang solo ang mga ito dahil laging kasama nito sina Shin at ang mga kapatid at kaibigan nila.

At nang makakuha ng chance—sa tulong ng brother ni Rachelle Ann—ay doon na daw nahingi ni Martin ang blessing ng mga ito sa kanyang gagawing pagpo-propose. 

"That was quite special," lahad ni Martin. "I was very happy. I was nervous about that conversation— anyone would be."

Clueless si Shin na ikinasa pala ni Martin ang lahat sa dinner on their fifth day sa Boracay, kung kailan tinigilan na n'ya ang pag-a-a-assume. 

Kaya naman wala s'yang kaidi-ideya na ang intimate dinner pala nila sa Shangri-La Boracay—na malayo nang kaunti sa tinutuluyan nilang Discovery Shore— ay ang katuparan ng kaniyang iniisip noong mga nagdaang araw. 

Katunayan, nahirapan pa daw s'ya na maghanap ng isusuot sa dinner kasi gusto daw ni Martin na mag-dress up sila. Naisuot na daw n'ya kasi ang mga magaganda n'yang damit sa first four days nila sa pag-aakalang may magaganap na proposal for her. 

"The set up was by the beach. They set-up like cushions with a heart shape sa sand. Sabi ko, 'Ang sosyal. This is so posh,'" sey pa ni Rachelle Ann.  

"I was thinking maybe because, you know, it's Shangri-La. It's private and intimate. I wasn't thinking that it would really be a proposal. And I was chilling there, taking videos of the view, [taking] photos..."

At dahil palubog na noon ang araw, tinext na daw si Martin ng [video] crew [na na-pre-arrange na niya] na kailangan na umano nitong isagawa ang proposal so that they can capture the moment in the perfect spot and time.  

Kaya dinala n'ya ang kasintahan sa tabing dagat para maisagawa na ang plano. 

"Stressful," paglalarawan pa ni Martin. "I was trying to figure how to get the words out. But it happened... I was in a massive relief and happiness and joy after that."

Naguluhan naman daw si Rachelle Ann sa bilis ng mga pangyayari. 

"At that point, it wasn't clear to me what really happened," k'wento n'ya. "Because I was wondering, 'What are you saying? ' You were kinda nervous. You’re having this speech going on. And I was like, 'Huh? I'm not really following...' And also, because I wasn't expecting it anymore. So, I was like, 'What is he saying? Why is he nervous?'

"I thought you were doing a nice speech because it was a nice set up," sabi pa n'ya sa kanyang mister. "And then even when you knelt down, I was like, 'Why is he kneeling?' Yeah. I wasn't really thinking na that was it. 

"Everything was blurry na," she went on. "And when he opened his jacket, pag-open n'ya may kinuha s'ya. Nu'ng nakita ko 'yong box... it wasn't really registering in my head. 'Yon na, pag-open nga there's the ring. I saw it. 

"I just couldn't belive it. And then parang gusto ko na mag-lie down in the sand and celebrate."

Sinalubong din ang dalawa ng after-party na inihanda naman ng mga friends ni Rachelle pag balik nila sa Discovery Shores.

April 18, 2018 nang idaos ang beach wedding ng dalawa sa Shangri-La Boracay din kung saan nag-propose si Martin. 

At bago matapos ang vlog, tinanong ni Martin si Rachelle Ann kung bakit s'ya nag-yes sa proposal n'ya rito noon.

"Because I knew na the first day I saw you, 'di ba?" tugon naman ni Rachelle Ann sa asawa. "I was at peace and I still am during the whole process, during the courtship... Engagement. I was at peace. There is no doubt at all."

Samantala, isa namang fan ang nagtanong sa theater actress sa Instagram kung buntis na daw ba s'ya. Nag-congratulate din ito sa kanya. 

Cool naman itong sinagot ni Rachelle Ann ng tanong din: "Ay hala mabilbil na ba ako?"

SCREENSHOT: @gorachelleann on Instagram

PANOORIN ang Part II ng Love Story vlog ni Rachelle Ann kasama ang husband n'yang si Martin dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.