Rabiya Mateo, to the rescue sa mga na-scam na drag queens from Baguio

Nang mabasa ni Rabiya Mateo ang panawagan ukol sa mga na-scam na drag queens from Baguio, agad siyang tumugon at sinabing willing siyang patuluyin sa place niya ang mga na-scam na Baguio peeps.  "Ilan po sila?" komento ng Kapuso actress-TV host sa post ni Peabo Bryson Orilla. "They can stay at my place sa [BGC]. Not that big pero they are welcome po."

PHOTOS: @Nebiyayayaya & @peabo.orilla on Facebook

Nang mabasa ni Rabiya Mateo ang panawagan ukol sa mga na-scam na drag queens from Baguio, agad siyang tumugon at sinabing willing siyang patuluyin sa place niya ang mga na-scam na Baguio peeps. "Ilan po sila?" komento ng Kapuso actress-TV host sa post ni Peabo Bryson Orilla. "They can stay at my place sa [BGC]. Not that big pero they are welcome po."

Inulan ng papuri mula sa mga netizens ang beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo dahil sa kanyang pagiging bukas-palad.  

Agad kasing tumugon ang Miss Universe Philippines 2020 winner sa panawagan ng events host na si Peabo Bryson Orilla sa social media kagabi, October 27.

Ayon sa Facebook post ni Peabo, may mga drag queens daw mula sa Baguio na lalahok sa Drag Cartel competition sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig ang na-scam sa tutuluyan dapat nilang room na na-book umano nila through AirBnB. 

"BGC area! Mabuhay! Yung Baguio Queens kasama yung reigning queen na scam ng AirBnB nila. Walang matuluyan kahit pag aayusan lang for Drag Cartel mamaya. They need help," panawagan ni Peabo Bryson Orilla sa kanyang FB post.

Tila nabasa ito ni Rabiya na agad na tumugon at sinabing willing siyang patuluyin sa place niya ang mga na-scam na Baguio peeps. 

"Ilan po sila?" komento ng Kapuso actress-TV host sa post ni Peabo. "They can stay at my place sa bgc. Not that big pero they are welcome po."

SCREENSHOT: @peabo.orilla on Facebook

Sa kasunod na FB post ni Peabo, kagabi pa rin, iniulat niyang nakarating na sa place ni Rabiya ang mga drag queens from Baguio.

"UPDATE!!! #PeaboNatics Poison Wednesdays Drag Cartel Queens Safe na sila!!! Thank You Rabiya Mateo for the help. Thank you din sa mga nag offer. I love you all," lahad niya sa post kalakip ang short video na patunay na kasama ni Rabiya ang mga drag queens from Baguio.

Ikinatuwa ng mga fans at ng pageant and LGBTQIA+ communities ang pagmamagandang-loob ni Rabiya sa mga beking kontesera.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rabiya Mateo at Tyler Mata, may “something” nga ba?

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, hinihinalang hiwalay na matapos i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Career at lovelife, patas lang daw ang level para kay Rabiya Mateo; “Mahalaga sa akin ang trabaho pero mahalaga rin po sa akin si Jeric [Gonzales].”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.