Rabiya Mateo, nakapagpundar na ng bahay para sa kanyang pamilya

Mula daw nang magka-isip siya ay nagungupahan lang at palipat-lipat ang pamilya niya, ani Rabiya Mateo, kaya naman malaking achievement daw sa kanya na makapagpundar ng sariling bahay para sa mga mahal niya sa buhay. "I'm getting kind of emotional kasi parang looking back then, parang it was so impossible for us to have a property, kasi nagre-rent lang kami. Tapos no permanent address din, nakailang lipat din ng bahay," pagbabalik-tanaw pa ng TiktoClock co-host.

PHOTOS: @rabiyamateo on Instagram

Mula daw nang magka-isip siya ay nagungupahan lang at palipat-lipat ang pamilya niya, ani Rabiya Mateo, kaya naman malaking achievement daw sa kanya na makapagpundar ng sariling bahay para sa mga mahal niya sa buhay. "I'm getting kind of emotional kasi parang looking back then, parang it was so impossible for us to have a property, kasi nagre-rent lang kami. Tapos no permanent address din, nakailang lipat din ng bahay," pagbabalik-tanaw pa ng TiktoClock co-host.

Nagbunga na ang pagsisikap ng beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo sa showbiz dahil nakapagpundar na siya ng bahay para sa kanyang pamilya sa Iloilo.

Sa kanyang recent Instagram video, mixed emotions ang Kapuso star nang ibinahagi niya ang bagong milestone na ito sa kanyang buhay.

"Hey, guys. Nandito ako ngayon sa labas ng kakabili kong bahay para sa pamilya ko sa Iloilo... Ayon 'yong house," panimula ni Rabiya sa video kung saan ipinasilip niya labas ng kanilang bahay.

Saad pa ng Miss Universe Philippines 2020 winner, malaking achievement umano ito for her lalo pa't mula nang magka-isip siya ay nangungupahan lang ang pamilya niya.

"And I'm getting kind of emotional kasi parang looking back then, parang it was so impossible for us to have a property, kasi nagre-rent lang kami. Tapos no permanent address din, nakailang lipat din ng bahay," pagbabalik-tanaw ng TiktoClock co-host.

"God has been so good to me and to my family. At sa lahat ng blessings na pumasok talaga, God is so good. So hopefully in the coming years, mas mapaganda pa namin 'yong bahay na 'to," she added.

Nagbigay din ng encouraging words ang Filipino-Indian beauty queen sa mga gaya niyang breadwinner din ng pamilya.

"Kaya sa mga breadwinners diyan, alam ko mahirap. Minsan nakakapagod din na maraming tao na umaasa sa'yo," aniya.

"But you set fuel to strive harder talaga kasi sobrang sarap sa feeling to be able to provide sa mga taong mahal mo," pagtatapos ni Rabiya.

Congratulations, Rabiya!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rabiya Mateo, to the rescue sa mga na-scam na drag queens from Baguio

Rabiya Mateo, Rain Matienzo, Yasser Marta, and Vanessa Peña headline GMA Network and Nestlé Philippines’ coastal cleanup efforts

Rabiya Mateo, deadma muna daw sa lovelife; “Once na nadapa ka, bumangon ka at magpaka-busy ka.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.