Rabiya Mateo, deadma muna daw sa lovelife; “Once na nadapa ka, bumangon ka at magpaka-busy ka.”

Sinisigurado ni Rabiya Mateo na kahit pa may pinagdadaanan siya sa personal niyang buhay, hindi raw niya ito madadala sa trabaho niya bilang isang host.  “Hindi naman po talaga maiiwasang magka-problema sa buhay, that’s part of life,” aniya. 	“At hindi dahil may problema ka, dadalhin mo ’yun sa trabaho mo at maaapektuhan ang trabaho mo. You have to be grateful because there’s a lot of artists who wanna have that spot. Kasi, it’s a competitive industry.”

Photos: @rabiyamateo

Sinisigurado ni Rabiya Mateo na kahit pa may pinagdadaanan siya sa personal niyang buhay, hindi raw niya ito madadala sa trabaho niya bilang isang host. “Hindi naman po talaga maiiwasang magka-problema sa buhay, that’s part of life,” aniya. “At hindi dahil may problema ka, dadalhin mo ’yun sa trabaho mo at maaapektuhan ang trabaho mo. You have to be grateful because there’s a lot of artists who wanna have that spot. Kasi, it’s a competitive industry.”

Bagong-bagong larangan para sa beauty-queen turned-actress na si Rabiya Mateo ang pagho-hosting. At mahuhusgahan na siya sa larangang ito dahil isa siya sa tatlong hosts ng bagong morning show ng GMA-7, ang TiktoClock.

Ang kapwa beauty queen niyang si Patricia Tumulak daw ang nagsisilbing inspirasyon niya dito.

“Actually, I’m very inspired with Patty Tumulak,” saad niya. “Kasama rin siya ni Kuya Kim (Atienza) sa GTV, She’s a very close friend of mine and she’s also a beauty queen.”

“Dati, noong hindi pa ako sa showbiz, sine-share niya ang experience niya na ito ang ginagawa niya. Nagpa-practice siya sa harap ng salamin kung paano niya ide-deliver.

“Parang ako, gusto ko rin gawin ’yung hosting. As a person, I’m very madaldal po talaga and dito ko nailalabas ’yung kulit ko. ’Yung other side na hindi nila nakikita dati. Because as a beauty queen, there’s a stereotype na ganito ka lang.  

“Kapag iba na ang ginawa mo, hindi ka na beauty queen. But here in Tiktoclock, I can be myself. I can be funny and I can make fun of my mistakes. ’Yun ang light na side do’n. Kasi, nakikita nila ang totoong Rabiya.”

In the show, parehong first time din niyang makaka-trabaho sina Kuya Kim Atienza at Pokwang

“Si Kuya Kim, akala ko kasi dahil nasa News and Current Affairs siya, akala ko masyadong stiff ang personality. However, sa dressing room, siya pa ang nagbabangka ng tsismis,” natawang sabi niya.

May pagka-Marites pala?

“Kanya-kanya naman kaming dala ng baon,” natatawang sagot niya. “Pero si Kuya Kim, napakabait niya. Hindi ko lang siya workmate, churchmate ko rin po siya.

“Si Mamang Pokwang naman po, dati, parang takot akong magkamali. Kasi, napakatagal na po niya sa industriya. Pero si Mamang talaga nando’n yung touch ng pagiging nanay. Hindi talaga maiiwasan.

“Like for example, kapag konting masama lang ang pakiramdan, ‘Anak, gusto mo ng gamot? May gamot dito.’ or ‘Magdadala ko ng pagkain bukas.’  Mas na-prove ko na kahit sobrang tagal na nila sa industriya, nandoon pa rin po talaga ’yung puso sa ginagawa nila.”

Samantala, sinigurado naman ni Rabiya na kahit pa may pinagdadaanan siya sa personal niyang buhay, hindi raw niya ito madadala sa trabaho niya bilang isang host. Matatandaaang kabe-break lamang nila ng aktor na si Jeric Gonzales.

“Hindi naman po talaga maiiwasang magka-problema sa buhay, that’s part of life,” sabi niya.

“Pero, it’s also mental game kung paano mo siya iha-handle. Once na nadapa ka, bumangon ka at magpaka-busy ka. Kasi, there’s so much to life to celebrate.

“At hindi dahil may problema ka, dadalhin mo ’yun sa trabaho mo at maaapektuhan ang trabaho mo. You have to be grateful because there’s a lot of artists who wanna have that spot. Kasi, it’s a competitive industry but Tiktoclock shows us and it’s a privilege, it’s a blessing and we need to be grateful for it.”

Dagdag pa niya: “Kaya ako, despite everything, I’m very much grateful because I have Mamang and Kuya Kim na even off-cam, they would guide me in the things that I have to do, things that I don’t need to do. Parang nando’n ’yung guidance ng ate at kuya mo, e.

“And since I’m alone here [in Manila], I have nobody, parang I found a family sa kanila. Kaya I’m also happy to be part of this program.”

 Alam daw niya na masuwerte siya dahil sa dami ng mga artista ng Kapuso network, siya ang napili na magbigay ng saya sa mga Kapuso viewers.

“Siguro po ako, I learned to set aside the problems that I have pag dating sa professional aspect ng buhay ko, ang career ko talaga.

“I need to remind myself na this is a very competitive industry. Hindi ko p’wedeng dala-dala kung ano ang bigat na meron ako sa trabaho kasi, ’yung goal po namin dito ay magpasaya.

“E, gano’n naman po, walang buhay na perpekto. Lahat tayo may problema. However, hindi porke’t may problema tayo na isa o dalawa, gano’n na lang talaga, do’n na lang natin titingnan. So, masaya po kami rito, on and off-cam, magpo-focus na lang po kami sa positive.”

When asked kung ready na ba siya sa panibagong relasyon matapos nga ang napabalitang hiwalayan nila ni Jeric Gonzales...“Hindi po muna” ang naging tugon niya.

“Focus muna po sa career. ’Yun din po ang ina-advice sa akin ni Mamang Pokwang at Kuya Kim. Palagi po nilang sinasabi sa akin na ano man ang nangyayari sa’yo ngayon, sobrang blessed ka na at your age, nandito ka sa spot na ’to and ’yun lang din po muna ang focus ko ngayon. 

“Gusto ko po talagang maging magaling sa TiktoClock.”

Ang TiktoClock ay mapapanood na simula sa July 25. It airs Monday to Friday at 11:15 A.M.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rabiya Mateo at Tyler Mata, may “something” nga ba?

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, hinihinalang hiwalay na matapos i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Career at lovelife, patas lang daw ang level para kay Rabiya Mateo; “Mahalaga sa akin ang trabaho pero mahalaga rin po sa akin si Jeric [Gonzales].”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.