Puwera usog: Sunshine Cruz and her tres marias, sasalubungin ang Bagong Taon kasama nina Cesar Montano at ang partner nito

Hindi pa man ay excited na raw ang Tres Marias ni Sunshine Cruz sa magiging new year vacation nila sa Bohol kasama hindi lang ang kanilang Mommy Shine kundi maging ang kanilang amang si Cesar Montano. “They’re very happy," ani Sunshine. "Sabi nga nila nakumpleto na daw ang kanilang heart now that everything is okay. ’Yon naman ang gusto natin."

PHOTOS: @sunshinebcruz0718 on Facebook

Hindi pa man ay excited na raw ang Tres Marias ni Sunshine Cruz sa magiging new year vacation nila sa Bohol kasama hindi lang ang kanilang Mommy Shine kundi maging ang kanilang amang si Cesar Montano. “They’re very happy," ani Sunshine. "Sabi nga nila nakumpleto na daw ang kanilang heart now that everything is okay. ’Yon naman ang gusto natin."

Kung matutuloy daw ang kanilang pinaplano ngayong holidays ay baka salubungin ng aktres na si Sunshine Cruz ang Bagong Taon kasama ang dati n’yang mister na si Cesar Montano at ng  partner nitong si Kath Angeles.

Iyan ang nai-tsika n’ya nang makausap s’ya ng entertainment press kamakailan sa isang masquerade ball na in-organize ng chain of fitness center na ini-endorse n’ya.

Natanong kasi ang aktres sa plano nila ng kanyang pamilya ngayong darating na Kapasukuhan. 

K’wento ng celebrity mom of three, intimate daw ang magiging celebration nila ng Pasko gaya ng nakasanayan.

“Christmas…the usual, with my mom and my kids. Family lang… bahay. ’Yon ang balak namin,” pagbabahagi n’ya sa press people. 

Pero lilipad daw sila ng kanyang mga anak para mag-celebrate ng New Year sa Bohol, ang home province ng ex-husband n’yang si Cesar. 

“And then sa New Year naman, ang plano namin actually, we will be spending it… New Year, December 30 to January 3 or 4 in Bohol. Magbi-beach kami ng mga kids,” she shared. 

Dito na rin n’ya inilahad na kung matutuloy daw ang kanilang mga plano ay kasama nilang sasalubugin ang 2023 kasama si Cesar at partner nitong si Kath. 

“I don’t know, parang ang plano… I don’t know kung matutuloy, parang sasama si Cesar at saka ’yong partner n’ya, and ’yong mga kids also,” lahad n’ya.

Wala naman daw s’yang nakikitang problema dito dahil in good terms na rin naman sila. After all, pamilya pa rin naman daw sila at hindi na mababago ’yon. 

“Yeah, they are family. We are family, ’di ba? It’s a good thing na everything is okay na. Maayos na lahat, magkakasundo. Sino ba naman ang ayaw na hindi magkasundo-sundo?” ani Sunshine.

Sana nga matuloy ha. Hindi pa ako sure kasi ang plano, the kids are telling me na parang, ‘Dad [Cesar], Tita Kath, and our siblings want to join in Bohol.’ And Diego [Loyzaga]. Diego will be there also. Sabi ko, ‘That’s fine.’”

Sakaling matuloy, ito umano ang kauna-unahang New Year celebration na makakasama ng mga anak n’yang sina Sam, Angelina and Francheska ang kanilang tatay simula nang mahiwalay sila nito noong 2013.

Masaya at excited nga daw ang kanilang Tres Marias sa magiging holiday vacation nila sa Bohol. At s’yempre, happy rin s’ya para sa kanyang mga anak.

“They’re very happy. Sabi nga nila nakumpleto na daw ang kanilang heart now that everything is okay. ’Yon naman ang gusto natin,” saad ng aktres.

“I’m okay. I’m very happy. S’yempre, mas masarap sa pakiramdam at sa puso na wala ng hatred, wala ng tampuhan, walang issue. Lahat naman tayo dumadating sa point na nakakapagod din at gusto na lang natin ng kapayapaan talaga,” she added. 

At dahil nabanggit na rin lang n’ya ang puso ay naisingit pa ng press pople na kumustahin ang lagay ng puso n’ya ngayon.

“I’m okay. Lagi naman tayong okay, e. Ano pa ba? ’Yon lang,” sagot n’ya bago humagalpak ng tawa. 

Nahingan din s’ya sa kung ano ba ang p’wede n’yang maipayo sa mga kabilang din sa blended family ng gaya sa kanila. 

Kasi ako naman, lahat ng moms na may struggle sa family, sa husband would message me... sometimes on Instagram, Facebook asking papaano ako naka-move on,” pagbabahagi ng actress. 

Ang sinasabi ko naman, ‘If kaya n’yo ilaban, ilaban n’yo ang pamilya ninyo. Ilaban… Ilaban ninyo ’yong asawa ninyo, ilaban ninyo ang mga pamilya ninyo.’

“And there comes also a time na enough is enough, ’di ba? May ganu’n talaga. ’Yon ang lagi kong sinasabi. ‘Kung kaya n’yong ilaban, ilaban n’yo.’ Mas masarap pa rin na buo ang pamilya.

Samantala, marami ang aabangan ng fans kay Sunshine this 2023.

Maliban kasi sa Kapuso TV series n’ya with Snooky Serna, Lexi Gonzales, Elijah Alejo, and Hailey Mendes na Underage, ay meron din s’yang lalabas na tatlong indie films. 

Patikim pa n’ya na isa umano doon ay ipalalabas sa Vivamax.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.