“Professionalism, pakikisama, talent—pag meron ka ng tatlong yan, tatayo at tatayo ka sa showbiz at proud ako na meron si Arjo at si Ria no’n.”—Sylvia Sanchez

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Mula pa 2017 ay naging sunod-sunod na ang pagpasok ng blessings sa mga members ng Atayde family na nasa showbiz—namely, ang mag-iinang Sylvia Sanchez at Arjo and Ria Atayde.

Sa taong ito nabigyang pagkakataong magbida for the first time in her entire career si Sylvia Sanchez bilang Nanay Gloria via ABS-CBN’s The Greatest Love na siya ring nagbigay-daan para magkaroon siya ng big-time endorsement, ang beauty line na Beautéderm na kamakailan lang ay ni-renew for another two years ang kontrata niya bilang endorser.

Kapapanalo lang niya ng best-actress award sa ginanap na Sinag Maynila Film Festival last April 7 for her portrayal as Jesusa, isang gang-raped victim na durugista (she shared the award with Angela Cortez, who played naman as the carefree prostitute and single mom turned-porn actress in Jino To Mari.)

At habang sinusulat ang item na ito ay nasa Dubai naman si Sylvia para sa shooting ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration)-produced OFW The Movie.

Pero ayon kay Sylvia, mas busy’ng di hamak sa kanya ang mga anak niyang sina Arjo at Ria na sa pananaw niya ay “pareho nang gumagawa ng pangalan nila.”

Seven years palang sa showbiz si Arjo pero agad napansin ang acting prowess niya sa FJP’s Ang Probinsyano bilang tormentor ni Cardo Dalisay (Coco Martin). After his stint with Coco, nagsunod-sunod na ang magagandang breaks kay Arjo. 

He was unforgettable as Biggie Chen in BuyBust last year at malamang ay unforgettable naman para sa kanya ang MMFF 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil dito niya nakilala ang makaka-“exclusive dating” niya na si Maine Mendoza.

Arjo opened the year 2019 with the teleserye The General’s Daughter, kung saan patuloy na umaani ng papuri ang pagganap niya bilang isang binata na may autism. His two recent films —’Tol and Stranded—may not be box-office drawers pero masaya siyang kapwa maganda ang review sa kanya sa perahong pelikula.

And then, there’s Bagman, ang pinag-uusapang digital project niya for iWant, na isa sa mga most-watched series ng nasabing streaming platform.

Ria, who joined showbiz only in 2015, has been getting good breaks, too. Nakasama siya sa KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) movie na The Hows of Us, na kasalukuyang may hawak ng record as the highest-grossing local film of all time; habang sa TV naman ay parte rin siya ng pinag-uusapang primetime series na Halik. For iWant, naging bahagi din siya ng digital series na High at nakatakda na siyang mag-shoot na isang indie project called Manilalennials.

Dahil sa mga blessings na ito sa kanilang pamilya kaya naisipan ni Sylvia na bumuo ng isang thanksgiving party—na ginanap last April 9 sa Lazat Restaurant sa Quezon City—na dinaluhan ng ilan sa malalapit na kaibigan ng mga Atayde’s at ng mga members of the entertainment press.

No pressure

Left photo, L-R: Ria, dad Art, mom Sylvia, and Arjo.

 

Hindi rin nakaiwas sa konting interbyuhan ang mag-inang Sylvia at Arjo that day (habang nahuli naman ng dating si Ria na galing pang Hong Kong that day). 

Ayon kay Sylvia, hindi niya kelan man inimpluwensyahan ang mga anak niya na magsipag-artista. Pero no’ng makita nila ng asawa niyang si Art Atayde na may hilig sila Arjo at Ria, sinuportahan naman nila. Hindi raw nila ipinaki-usap kaninuman ang mga anak.

“Gusto kong sabihin lang din sa lahat na…Ako ’yong nandito sa showbiz, nauna. Pero kahit ano’ng mangyari, kung nakapasok sila dito at kung tumayo sila ngayon, sariling gawa nila Ria at Arjo ’yon,” paliwanag ni Sylvia. “Talent nila ’yon, pagiging professional, pagiging focussed nila sa craft nila, sila gumawa no’n….kasi alam naman natin, at the end of the day, dito sa showbiz ang makikita pa rin ’yong pagiging professional mo, pakikisama  at higit sa lahat talent…kaya proud ako dahil meron no’n si Ria at si Arjo.”

Nang may humirit na mana si Arjo—na siyang katabi niyang habang katsika ang mga press—natawa si Sylvia at sinabihan si Arjo na: “See, mana ka sa akin!” Sinakyan iyon ni Arjo na nagbiro na: “Tsismis lang ’yon.”

Sa muling page-seryoso, dinagdag ni Sylvia na: “Hindi ko sila pinalaki… wala akong pinalaki sa mga anak ko na, ‘O ikaw Arjo, mag-aartista ka, ganito-gano’n’…hindi. Kasi gusto ko lumaki sila na mag-desisyon sila para sa sariling buhay nila…So ’yong pagiging artista ngayon ni Arjo at ni Ria, hindi ko gawa ’yon. I mean, tinulungan ko sila dahil gusto nilang makapasok sa showbiz…o sige, audition tayo, mag-workskop kayo…’yong gano’n.  At the end of the day nga lagi kong sinasabi, ginawa nila yong best nila kaya nandito sila ngayon.”

Masayang-masaya daw si Sylvia dahil at this point ay gumagawa na ng sariling pangalan ang mga anak at kampante siyang less guidance nalang from her ang kailangan ng dalawa.

“As nanay, hindi ako natatakot for them kundi kaba …natatakot lang ako everytime na may pinapanood ako—nanay, e…’Ano kaya ginawa na naman ng anak ko…sana maganda..’ 

“Dati lagi akong naka-guide kung ano dapat gawin, now, pinapakawalan ko na sila, kampante na ako, alam na nila ang gagawin.

“Sa showbiz, ang pinaglalaban ko dito at lagi kong sinasabi sa mga anak ko, laban n’yo, pagiging professional, magandang pakikisama sa mga tao na nakapaligid sa inyo… wag mamili kahit sino—boss, hindi boss—at higit sa lahat, talent. Kasi tatayo at tatayo ka pag meron ka nong tatlong ’yon.”

As for Arjo, aminado siyang may pressure sa tuwing kinukumpara siya sa best-actress nanay niya. Pero isinasantabi niya raw ang thought na ito para hindi siya ma-pressure.

“Of course may pressure na kasi hindi naman natin alam na, di ba, especially if you’re…sa mga anak ng artista, mahirap ha…it’s actually hard if your parentsyour mom or dad—are actorsit’s actually hard to get out [of the shadow]. Mahirap gawin. But I’m trying my best, I’m staying focussed…wala akongt iniisip na mga gano’ng bagay…eto gagawin ko…i’ve decided to do this, tapusin ko trabaho ko, [you] like it or not I gave it my best.”

Si Ria naman, na patuloy na nadadawit sa mga bashing dala ng pagkaka-link ng kuya Arjo niya kay Maine Mendoza, ay natuto nang magkibit-balikat nalang.

“I just don’t mind them,” nakangiting say ni Ria, na humabol sa gathering na ’yon hosted by their family. “But of course, pag may sobrang foul, we screen cap and then we send it to…someone’s compiling them.”

Samantala, kahit anong piga sa tatlo—Sylvia, Ria, Arjo—ay ayaw na talaga nilang sumagot sa anumang tanong na may kinalaman kay Maine Mendoza (for Arjo) at JM de Guzman (for Ria). Consistent na “no comment” at ngiti or tawa lang ang sinasagot nang mag-iina.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pera ni Arjo, hawak ni Sylvia

Sylvia Sanchez, hinihingi si Baby Malia kay Pokwang

“Nora Aunor is Nora Aunor. Walang makakapantay, walang makakalampas.” — Sylvia Sanchez

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.