Post ni Sarah, nakaka-intriga

PHOTOS: @vivaartistsagency & @justsarahgph on IG

PHOTOS: @vivaartistsagency & @justsarahgph on IG

Unlike most celebrities na naka/post sa social media ang bawat kilos at galaw, matipid mag-post ng mga ganap niya ang pop superstar na si Sarah Geronimo. Lalong hindi maaasahan ang young superstar na mag-post ng anything personal.

Nage-effort nalang ang mga fans niyang maghanap sa ibang Social media pages para sa mga ganap tungkol sa idolo nila dahil hindi nga pala-update si sarah sa mga sariling ganap.

Kaya laking gulat ng mga fans niya nang may makitang malaking pagbabago sa Instagram page niya kahapon, May 26.

Bukod sa deleted ang lahat ng post niya—or maari namang in-archive lang niya—ay nagtira lamang ng isang bago pero palaisipang post si popstar princess.

Picture ito ng isang araw na tila rising or pwede ring setting in the horizon. Kung anuman, maari pa ring ang kahulugan ng litrato ay ang sabay na ending and beginning ng isang bagay. Naka-impose sa litrato ang mga numerong 5.30.

May kasama rin itong equally intriguing hashtag caption na: #GNaSiSarah.

Nag-unahan ang mga popsters at ashmatt fans sa paghula kung ano ang ang ibig iparating ni Sarah sa tila napaka-importanteng mensahe na yon na binigyan niya ng emphasis by deleting all her other posts.

May nagsabing ay araw sa litrato ay para sa new beginning; ang 5.30 stands for May 30, at ang G sa hashtag can mean any of the following... Go, Game, Gising, at Guidicelli

Anu’t anuman, may malaking possibility na importante ang nakaka-intrigang post na ito para kay sarah. 

Pero kayo, ano hula n’yo?

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sarah Geronimo performed at the Papal visit in UAE

Sarah, takot tumandang tatanga-tanga!

PART 1: Matteo Guidicelli answers Random Questions from Pikapika!