Sa tuwing iu-upo for an interview si Pops Fernandez—at maging ang ex-husband niyang si Martin Nievera—hindi p'wedeng hindi maungkat ang makulay nilang nakaraan.
Paano naman, isa sila sa most well-loved loveteams ng bayan. Nasubaybayan ng lahat ang pag-usbong ng kanilang pag-iibigan sa Penthouse Live at matagal na panahon nilang pinakilig ang mga fans.
Wala silang blockbuster movies pero isa sila sa bumuhay sa love concert scene sa Pinas. At sa ganoong paraang sila sinubaybayan ng mga taong na-in love sa kanilang tandem. Ang kakaiba pa sa kanila, pareho silang sosyal at Inglesero na minahal ng both AB crowd at ng masa.
Basta. Iba sila.
Kaya naman nang maghiwalay sila, affected ang bayan. Biro nga namin, sila ang KathNiel ng kanilang panahon na masyadong invested ang madla. In fact, may mga fans sila na up to now ay nangangarap na baka isang araw ay p'wede pa silang magkabalikan. When asked about it, natatawa lang si Pops. Naku-kyutan daw siya sa mga fans nilang ito na nanatiling loyal sa kanila after all these years. Pero s'yempre, ayaw niyang magbigay ng false hopes. Malinaw na may kanya-kanyang buhay na sila ngayon.
What matters is naibalik nila ang friendship nila despite all the pain na pinagdaanang nilang dalawa.
At isa nga iyon sa naitanong kay Pops during her Always Loved concert press conference kamakailan. Kahanga-hanga raw na napanatili nila ang friendship nila ang unlike ibang naghiwalay na couples.
Pero nilinaw ni Pops na hindi naging madali ang lahat. Dumaan umano ito sa mahabang proseso, especially sa part niya. Kinailangan muna raw siyang mag-heal. At bago ang healing ay ang unti-unting pagtanggap sa sitwasyon.
"That took quite a while. Ilang taon din 'yan. S'yempre kailangan muna mahilom ang mga pinagdaanan. Nu'ng na-realize ko na parang okey na, nag-heal na nga...nu'ng nag-decide naman ako to be friends [with him], serious naman talaga ako doon. I opted to be friends," paunang paliwanag ng nag-iisang Concert Queen.
Dagdag pa niya, malaking factor sa effort nilang maging magkaibigan ulit ang mga anak nila.
"Why? Because of Robin and Ram. I felt that we will have a better relationship kung magiging okey kami at magiging friends kami. 'Yong mga ibang bagay kasi hindi na 'yon mababalik. So, kailangan i-accept na namin and we have to move forward.
"And now, medyo matagal-tagal na rin kaming friends diba? I think I also have to give it to Martin. I always say it works both ways. Respect is a big factor. So, we want to respect each other as parents and as friends and of course as partners also in performing.
"So, I think that's why nagiging successful kami in that aspect and you can’t deny naman na talagang 'yong chemistry naman talaga namin ni Martin is undeniable. Ako rin minsan nagugulat na hindi kami nag-uusap pero madami kaming bagay-bagay na naiisip because I think Martin and I are really meant to be partners onstage."
Tila hindi pa nasiyahan ang ilan sa kanyang naging sagot kaya muli siyang tinanong kung paano niya natanggap na tapos na ang lahat.
"Ay naku, that is a lot of mind conditioning. I have to be honest. That’s very painful. So, it's a lot of mind conditioning and acceptance and 'yon na nga, you have to get to a level na kailangan sobra ka nang strong to accept things. I said it before, it took a lot of years because again, ayokong balikan 'yong pain, e. Pero it has to be mentioned para alam rin ng mga tao na hindi s'ya ganu'n kadali.
"For those who are probably going the same thing I went through, hindi s'ya madali pero possible, diba? Because it's totally up to you. Rather than magka-away kami, ayoko naman ng parati kaming magka-away for the sake of our children who were still very young then. Mas maganda na mas okay kami and again it's not easy. If you think it’s easy, those things are emotional and are never easy. So, you have to condition yourself and you have to accept it. And then again, you have to be strong enough to admit it to yourself."
Nang na-proseso na niya ang lahat at handa nang magpatawad, hindi lang si Martin ang muli niyang pinagbuksan ng pinto kundi maging ang bago nitong mag-ina, si Katrina Ojeda at ang naging anak nilang si Santino.
Dito mas maraming napa-hat's off kay Pops.
"That’s probably acceptance," aniya. "Kasi kung ia-accept mo tapos kalahati lang naman pala, hindi pa rin 'yon magwo-work, diba? When you say you are okay, you have to be a 100% okay with the situation. Kasi kung konting bagay lang 'yong ia-accept mo, babalik ka ulit sa beginning. May pain na naman 'yon. You gonna go through a lot of things again. So, that is part of the acceptance and I’m happy."
Aniya, kung maraming bumilib, marami rin daw ang kumuwestiyon sa naging desisyon niyang ito. Pero ang sa kanya, she saw the bigger picture and aimed for harmony for their children.
"Some people question me bakit daw ganu'n? Ang point ko naman, e, it is my choice, it is my choice, and it is my choice. Because s'yempre I also want my kids to enjoy their brother and gusto ko kasi lumaki rin sila as a family.
"And for me kasi mas less...ayoko kasi ng galit, ayoko ng may galit sa katawan...hindi sa hindi ako nagagalit, ah, s'yempre nagagalit din ako. Pero 'yong galit kasi sa akin, only lasts for awhile tapos pag medyo na-realize ko na, 'Ah, ayon pala 'yon.' Natatangal din naman 'yong galit, diba?
"So, again, it is really just parang accepting the bigger picture, which is, we want not just me...we want everyone to be alright and harmonious. I think the better word is harmony nga."
And they are harmonious, indeed. Very kuya ang mga anak n'ya kay Santino at maging siya ay nag-reach na nga sa bagets. Moreover, maging ang long-time girlfriend ni Martin na si Anj del Rosario ay naging malapit na rin kay Pops.
And for sure, magiging maligaya rin si Martin sakaling may dumating na ring bagong pag-ibig si Pops.
At dahil nga bahagi sila ng history ng isa't isa kaya naman hindi p'wedeng mawala si Martin sa belated 40th anniversary concert ni Pops, ang Always Loved. Ayaw pang mag-detalye ni Pops kung ano ang mga mangyayari sa concert niya. Basta raw ito ay magiging isang malaking party.
Bukod kay Martin, guest din ang ka-contemporary nilang si Gary Valenciano. Hanggang doon nalang ang idinetalye ni Pops. Pero masayang-masaya raw siya na na-feel well loved talaga siya dahil nang i-announce na raw niyang tuloy na ang kanyang first major solo concert in a long time, ang dami raw kasamahan sa industriya na nag-reach out sa kanya at gustong maging bahagi ng concert niya—from co-artists to production people at maging sponsors.
"Kumbaga, I didn't need to knock, sila na ang tumatawag," kinikilig na kuwento ni Pops.
Maging si Francis Libiran, maagap na nag-volunteer na siya ang gagawa ng mga susuutin ni Pops. Sabi naman namin, magaling din naman kasi siyang makisama at isa siya sa pinakamabait na celebrity around kaya wag na siyang magtaka kung bakit always loved siya ng lahat.
Buti nalang at nag-decide na si Pops na ituloy ang concert na ito bilang matagal din niyang pinag-isipan. Kinakabahan daw kasi siya dahil 12 years ago pa siya huling nag-solo concert. The rest, lagi siyang may kasama o kaya naman ay guest lang siya. Buti nalang na-realize niyang deserve niyang i-celebrate ang kanyang 40th year a showbiz bilang hindi naman lahat ay nakaka-abot sa inabot niya.
Kaya naman exciting 'to.
Ang Always Loved—direction by Rowell Santiago, musical direction by Homer Flores, and creative direction by Georcelle Dapat-Sy—will happen at The Theater at Solaire on February 9 and 10.
For tickets:
visit: www.ticketworld.com; or call DSL at 0917-5009544 and Dreamwings Productions at 0927-8278074.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pops Fernandez, gustong magbalik-pelikula; nagpaparinig kay Boss Vic ng Viva
Pops Fernandez, excited nang maging "Lolly Pops" sa kanyang first-ever apo
Pops Fernandez, open na muling magkipag-date at magka-bf; “Malay n’yo mag-asawa rin ako, ’di ba?”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber