Pops Fernandez, happy sa friendship with ex-husband Martin Nievera; balikan nila, hanggang concert nalang

PHOTOS: Anna Pingol & @popsfernandezofficial

PHOTOS: Anna Pingol & @popsfernandezofficial

Nanganganay si Pops Fernandez sa pagpo-produce ng pelikula kaya aligaga talaga siyang during the press conference ng maiden offering ng kanyang DSL Productions na Feelennial (Feeling Millennial)  last week sa Quezon City.

 

Narinig lang daw niya sa kaibigan niya ang word na ”feelennial” at tumatak na ito sa kanya. Magmula raw noon ay naglaro na sa utak niyang gawin itong movie at ngayong nagka-totoo na ito, feeling Reese Witherspoon (producer ng Gone Girl) naman si Pipay (palayaw ni Pops) dahil actress-producer na ang peg niya.

 

Tinanong namin si Pipay kung bakit hindi reunion movie nila ng ex-husband niya na si Martin Nievera ang inuna niyang project. Tawa lang ang isinagot ni Pops. Pero meron naman daw cameo appearance si Martin sa Feelennial at biro ni Pops, kailangan daw magpasalamat si Martin sa kanya dahil dito dahil feeling niya ay magkaka-award si Martin sa maikling role nito sa movie.

 

“Best in a cameo role. Hahaha!” natatawang sabi ng concert queen.

 

May mga participation din ang mga anak nila ni Martin na sina Robin at Ram sa pelikula. Ang musician na si Robin ang gumawa ng soundtrack ng pelikula, habang ang graphic artist na si Ram naman ay nag-contribute animation na ginamit sa first movie production ng nanay niya.

 

And speaking of Martin, ang next daw niyang pagkaka-aligagaang i-promote ay ang US concert tour nila ni Martin, ang TwoGether Again. Ito ang magsisilbing reunion nila onstage after more than five years.

 

“Nasa Amerika kami August to September,” says ni Pipay. “Iyon naman ang next kong ipo-promote…So, salamat naman at napagbigyan ako ni Martin. Hahaha!”

 

Siguradong maraming Martin and Pops fans ang matutuwa sa muling pagsasama ng ex-couple sa concert. Pero agad idinagdag ni Pipay na hanggang doon na lamang ang “pagbabalikan” nila. Aware daw siya na marami pa rin silang avid fans na patuloy na umaasang magkakabalikan sila, hindi lang sa concert, kundi maging sa kanilang naputol na relasyon.

 

“Dahil sa kanila, may Martin at Pops pa rin, so maraming-maraming salamat,” say ni Pops patungkol sa mga fans. “Pero I think they also know naman na Martin and I will be good friends talaga. So, wala naman sanan kaming pinapa-asa because we’re also being very close naman to our followers.”

 

At this point, maging masaya nalang din daw tayong kahat dahil dumating na sila sa punto ng buhay na best friends na sila ng kanyang ex husband.

 

“Thank God. Ang hirap din naman kasi nang hindi kami okay…Thank God, na-master na namin ang mga emosyon namin, and we’ve really become good friends… and I think ah kumbaga sa…we’ve realized what we’re meant to be for each other and of course, that has a lot to do with our kids also.”

 

Samantala, ang alam namin ay masaya si Martin ngayon sa piling na non-showbiz girlfriend nito. At masaya raw si Pipay para kay Martin. Kung siya naman daw ang tatanungin ay very happy din daw siya at ine-enjoy ang pagiging single.

 

“I think after awhile, after you’ve been single for a long time, ’yong nae-enjoy mo na rin ’yong pagka-single mo,” esplika ni Pops. “Happy naman ako with my family, I’m so happy with my life…I’m so happy with my simple actually… And I’m so happy with my friends.

 

“Hindi naman ako lonely…I think there’s a big difference…you can be single and lonely but I’m single and very happy naman and satisfied.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:
 

Pops and Martin reunite for a night

Pops Fernandez Birthday Party Highlights

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.