Pops at Martin, “natali” sa isa’t isa sa Amerika

Martin Nievera and Pops Fernandez still bring kilig to their fans despite the fact that they have long been parted ways as lovers. The ex-couple though are BFFs now.

Photos: Screengrab from videosender

Martin Nievera and Pops Fernandez still bring kilig to their fans despite the fact that they have long been parted ways as lovers. The ex-couple though are BFFs now.

Sa ginanap na ASAP Natin 'To in the Bay Area show last August 3 sa SAP Center sa San Jose, California, naging guest si Concert Queen Pops Fernandez na s’yempre pa ay nagka-special number with her ex-husband-turned-best friend na si Martin Nievera, who is regular host/performer sa ASAP.

Kasama ng ex-magdyowa sa production number ang mga kaibigan nilang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Nauna munang nag-duet ang mag-asawang Ogie at Regine ng “Hanggang Ngayon” at saka palang pumasok sina Pops at Martin habang kinakanta ang classic Louie Ocampo composition na “Kahit Isang Saglit.”

Ayon sa nagpadala ng video sa pikapika.ph ng nasabing ASAP segment, ang lakas daw nang naging tilian ng mga “ka-era” nina Martin at Pops sa audience. Ang lakas pa rin daw ng kilig factor ng dalawa kahit alam ng lahat na magka-ibigan nalang sila.

Lalong kinilig ang audience noong on-the-spot na pinag-trippan ng mag-asawang Ogie at Regine ang kumakantang ex-couple.

Naisipan ba naman kasi nina Ogie at Regine na gawing pang-tali ang train ng blue gown ni Pops at ipulupot iyon sa bewang nila ni Martin para lalo silang magka-dikit.

Kahit natatawa ay sige pa rin sa pagkanta sina Pops at Martin, habang madidinig sa background ng video ang tawanan at hagikgikan ng kinikilig na audience.

Samantala, tila senyales ang kilig na yon para mabitin ang mga nasa audience. May chance pa silang mag-extend ng kilig kung manonood sila ng reunion US concert ng dalawa—Two-gether Again 2019—which starts August 10 (this Saturday na) sa The Palace Theater in South Broadway, Los Angeles, California. Special guest ng ex-couple-turned BFF ang kanilang talented son na si Robin Nievera.

You can also catch Two-gether Again 2019 in the following places: Atlantic City, Jacksonville, Virginia Beach, Santa Ynez, Sacramento, Cabazon, San Diego, Las Vegas, Chicago, and Seattle. At para naman sa kanilang Canada leg, they will perform sa Vancouver, Calgary, Winnipeg, at Toronto.

You may view Martin (@martinnievera) and Pops’ (@popsfernandezofficial) official Instagram pages for daily updates. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pops and Martin reunite for a night

Pops Fernandez, happy sa friendship with ex-husband Martin Nievera; balikan nila, hanggang concert nalang

Pops Fernandez, TNT Boys represent Philippines in international talent competition

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.