Piolo, ayaw mag-celebrate ng kaniyang 20th anniversary sa Star Magic

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Ayaw ni Piolo Pascual magkaroon ng grand Valentine’s concert para sa nalalapit niyang 20th anniversary bilang Star Magic talent sa susunod na taon.

Kinukumbinse man siya ng Star Magic head na si Johnny Manahan (aka Mr. M) ay hindi naniniwala si Piolo na kailangan niyang gumawa ng malaki para markahan ang kanyang dalawang dekada sa talent management company.

Nakausap ng press ang aktor sa media conference para sa Sunpiology Trio, ang charity sporting event na bunga mula sa partnership ni Piolo at ng Sun Life Philippines.

“I want to do away with that, you know?” ani Piolo patungkol sa concert. “To be able to last this long is an achievement already.

“I don’t think I have to do something big. I’m just happy that I’m still with ABS-CBN in 20 years.”

Hindi ito nangangahulugang walang paparating na concert ang aktor.

Magtu-tour siya kasama ang anak na si Iñigo sa Canada at USA sa paparating na buwan.

“[We’re going to] Edmonton and Calgary in Canada, and New York, LA, and San Francisco in the States.

Sa Pebrero naman ay magkakaroon si Piolo ng solo concert sa Toronto, Canada.

FILM ACTOR

Maliban sa dalawang concerts ay may tatlong pelikulang naka-line up sa schedule ni Piolo. Isa dito ang undisclosed project niya with multi-awarded director Lav Diaz.

“[Lav] wants to keep it confidential since we’re celebrating the 100 years of Philippine cinema next year,” paliwanag ng aktor.

Pinagbidahan ni Piolo ang huling Lav Diaz film na Ang Panahon ng Halimaw, isang rock musical na pinalabas nito lamang Pebrero.

Magsisimula daw ang shooting ng tatlong pelikula ni Piolo sa Oktubre.

 

PAUSE FROM TV?

Dahil sa dami ng kaniyang engagements, hindi daw muna makikita si Piolo sa small screen. Sinabi niya kasi sa management na hindi muna siya magte-teleserye pagkatapos ng Since I Found You, na natapos nitong Agosto lamang.

“I really said that’s my last role [on TV]. I’m keeping my word.

Dagdag ni Piolo: “It’s hard. I’ve done more than a dozen soap operas, and they really take a lot of your time.

“I wanna focus on a lot of other things… Just diversify, I guess.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.