Pera ni Arjo, hawak ni Sylvia

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Hanggang ngayon pala ay ang nanay pa nilang si Sylvia Sanchez ang naghahawak ng pera ng magkapatid na Arjo, 28 at Ria Atayde, 27, na kinita nila sa kanilang pag-aartista. Seven years na si Arjo sa showbiz, habang apat na taon naman si Ria. Mandato raw ito ni Sylvia na hindi naman inaalmahan no’ng dalawa. 

“Sinisiguro ko na malagay sa [tamang] p’westo,” paliwanag ni Sylvia. “Pero sinasabi ko na, ‘O, anak, eto yong mga pera n’yo. Saka ayoko kasing mag-away kami sa pera di ba? So, alam nila saan napupunta.”

Hindi naman daw by-allowance system ang magkapatid. They can still spend their own money sa anumang gusto nila. May kasama nga lang daw question-and-answer portion lalo na’t malaking halaga ang babawasin nila sa sarili nilang savings.

“No choice, no choice,” natatawang hirit ni Arjo.

Pero ang katwiran ni Sylvia ay gusto lang naman niyang alagaan ang kita ng mga anak. Ibibigay lang daw niya nang buo ang pera ng mga ito kapag nag-decide silang bumukod na ng bahay. But as it is, mukhang wala namang plano either of them.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

“Nora Aunor is Nora Aunor. Walang makakapantay, walang makakalampas.” — Sylvia Sanchez

Arjo Atayde goes on date with Maine Mendoza in New York

Arjo at Ria, ginawang parang Makati ang Hong Kong, makapiling lang ang nanay sa birthday niya

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.