Palaisipan sa publiko kung sino ang host na pinupuna ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz.
Sa kanyang Instagram Story kasi kahapon, May 17, ay naglabas ng kanyang obserbasyon itong si Ogie tungkol sa isang host na hindi niya pinangalanan.
Ayon sa kanya, obvious na obvious umano na naka-asa sa teleprompter ang host sa napanood niyang show.
(Ang teleprompter ay isang monitor na nakaharap sa host at karaniwang nakapuwesto sa tabi ng kamera. Dito lumalabas ang mga spiels o linya na binabasa ng mga host o news anchors.)
"Pag host ka wag ka masyadong dependent sa teleprompter. Dapat, alam mo at na-research mo ang subject mo o yung isyung pinag-uusapan," panimulang puna ni Ogie.
"Ikaw ang captain of the ship, ikaw ang inaasahang magdadala ng show, ikaw ang aakay sa guests, ikaw ang hihimay ng mga isyung pinag-uusapan hanggang sa maitawid mo hanggang dulo," dagdag pa niya.
Naiintindihan naman daw niya na baka naninibago pa ang nasabing host. Iyon nga lang, hindi ito papalagpasin ng ibang viewers na nag-e-expect na alam ng host ang kanyang trabaho.
"Sa umpisa, maiitindihan mo, manganganay. Pero hindi naman lahat ng viewers mo, makakaintindi na nanganganay ka eh," giit ni Ogie.
Hirit pa niya, matagal na umanong host itong tinutukoy niya kaya palagay naman daw siya na makakapag-adjust pa ito nang bongga.
"Anyway, matagal ka na sa hosting, kaya mo ‘yan. Wala kang di kakayanin," pagtatapos niya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Bimby Aquino meets Ogie Diaz in the US; tells him his mom is "stable" and is "still beautiful."
After and despite everything, Ogie Diaz, mahal pa rin si Liza Soberano
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber