Payo ni Michael V. sa showbiz newbie’ng anak na si Brianna: “Be prepared with a lot of criticisms.”

“I didn’t have a hard time convincing him [Michael V.]. I didn’t do a lot of convincing since both of my parents po are very supportive of my decisions.”—Brianna

Photos: @briannabunagan | GMA-7

“I didn’t have a hard time convincing him [Michael V.]. I didn’t do a lot of convincing since both of my parents po are very supportive of my decisions.”—Brianna

Pinasok na rin ng panganay na anak ni Michael V. na si Brianna Bunagan ang pag-aartista. Isa si Brianna sa mga ipinakilalang bagong Kapuso sa pamamagitan ng isang online mediacon.

Hindi na nakapagtataka na ang ama ang nagsilbing inspirasyon ni Brianna para pasukin ang showbiz.

“Mostly my Dad po, kasi my whole life, even before I was born, si Daddy uma-acting na and he’s been in the industry even before I was born,” pambungad ni Brianna.

“So I grew-up seeing my Dad’s work. Dati, sinasama niya ’kong madalas sa mga tapings. So, from a young age, I’ve been exposed to his work environment and I’ve always just loved the look of it, sobrang warm and welcoming ng mga tao and nakikita ko na nae-enjoy talaga ni Dad ’yung trabaho niya.

“Ang dami niya rin napapasaya and s’yempre, that was mainly what attracted me to this industry and the craft itself po, of acting and performing.

“Mostly po my Dad is my inspiration and sobrang supportive niya rin po sa akin. Siya ang nagpapakita sa akin ng mga albums ng mga artists. So, a lot of the music that I’ve listened din is because of my Dad.”

Bukod sa kanyang tatay, aminado si Brianna na gaya ng karamihan ay marami rin siyang hinahangaan. At isa nga sa mga ina-idolize niya ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Nanonood po ako ng mga teleserye,” nakangiting say niya. “Marimar po napanood ko and si Marian Rivera po, sobrang idol ko.”

Ang makasali sa isang teleserye at makapag-release ng album ang ilan sa nakikita raw niyang short-term doable dreams niya ngayong nasa Kapuso network na rin siya.

“Medyo specific but I would love to be in a soap [opera] siguro. Romcom, drama... actually, I’d love to be in a horror movie. That’s my biggest dream din growing-up.

“And possibly to release an album. I’m also a singer po so I want to explore as much as I can with my musical style.”

Ang maging recording artist daw talaga ang una niyang pangarap at medyo late na raw niyang na-realize na gusto rin niyang umarte.

Bilang isang Michael V. ang kanyang ama, siguradong may mga payo ito sa pagpasok niya sa showbiz.

“Palagi niya lang sinasabi sa akin na i-enjoy lang ang process,” saad niya. “Enjoy-in ko lang ang ginagawa ko and cliché as it may sound, every parents would say this to their kids, ‘Stay humble’ po and stay true to myself.”

Hindi naman daw siya pinigilan ng Daddy niya nang sabihin niyang gusto niyang maging singer at artista dahil aware naman daw ang mga ito na childhood dream niyang maging singer.

“Well, feeling ko naman alam nila na gusto ko ‘to, ever since na maliit ako. So, when I expressed na gusto ko ngang sumali sa showbiz, sinabihan lang nila ’ko to be prepared with a lot of criticisms. Be open to learning and be prepared na baka ma-burn-out ako.

“S’yempre, a lot of those things are to be expected especially in this industry and this career path. Their only advice talaga is be ready for anything and be open-minded.”

Kahil nanggaling na sa pagkakaroon ng COVID-19 ang kanyang daddy na magpahanggang ngayon ay ingat na ingat sa paglabas-labas to the point na pati ang show nitong Pepito Manaloto ay pansamantalang itinigil muna, ay hindi naman daw nito pina-postpone ang pagso-showbiz niya.

“Actually, surprisingly, hindi naman niya ako pinigilan,” amused na lahad niya. “At this time po, nagpa-vaccine na po kami.  

“We had our first dose and pretty sooner, we’ll have our second dose. And if I’m not mistaken, babalik na siya sa taping on location.

“’Yun po, I didn’t have a hard time convincing him. I didn’t do a lot of convincing since both of my parents po are very supportive of my decision basta mag-iingat lang po at saka pina-follow ang safety protocols, it’s all good po.” 

Supportive naman talaga si Bitoy (real-life palayaw ni Micheal V.). Hindi lang supportive kundi proud dad pa dahil yon ang hash tag niya sa tuwing may post siya tungkol kay Brianna. Aniya pa, it’s bound to happen nga raw siguro talaga na mag-artista din, hindi lang si Brianna kundi baka ang iba pang anak niya.

Samantala, noong ini-launch sa social mecia ang pagiging Kapuso na ni Brianna, mag-iwan si Bitoy ng sweet message sa anak sa Instagram: 

He said: “May the industry shine brighter with the light you’re bringing.”

Mapapanood si Brianna simula bukas, June 27, sa FYP (Fresh Young Peeps) segment ng All-Out-Sundays kasama ang iba pang mga pinakilalang bagong Kapuso tulad nina Pam Prinster, Mitzi Josh, Sandro Muhlach, at Gabrielle Hanh.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Michael V’s daughter, Brianna, joins showbiz as she formally signs up with GMA-7

VIVA RECORDS’ fourth-week of June drops include new singles from Katrina Velarde, Janno Gibbs, Bita and the Botflies, Sleep Alley, and more; plus debut album of Clien of ALLMO$T

Catriona Gray, naiyak nang muling iwan ang mga magulang sa Australia

Sue Ramirez, handa na bang maging First Lady ng Victorias City, Negros Occidental?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.