Payo ni Kris Bernal sa dating ka-love team at kontrobersyal ngayong si Aljur Abrenica: “Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at kung ano ang para sa’yo.”

Magtatatlong buwan ng misis si Kris Bernal pero up to now ay nasa Cloud 9 pa rin ang pakiramdam nito. “Ang sarap ng feeling finally [na ikinasal na ako]. Alam mo ’yon, sa lahat ng pinagdaanan mo in life, like, s’yempre, meron ka ding mga failed relationships then, finally, ito ’yong taong binigay sa ’yo ni Lord na pinagdasal [mo.].”

PHOTOS: @krisbernal on Instagram & GMA News

Magtatatlong buwan ng misis si Kris Bernal pero up to now ay nasa Cloud 9 pa rin ang pakiramdam nito. “Ang sarap ng feeling finally [na ikinasal na ako]. Alam mo ’yon, sa lahat ng pinagdaanan mo in life, like, s’yempre, meron ka ding mga failed relationships then, finally, ito ’yong taong binigay sa ’yo ni Lord na pinagdasal [mo.].”

Nagbigay ng friendly advice ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang StarStruck Season 4 batchmate at dating ka-love team na si Aljur Abrenica.

Naganap ito sa “May Pa-presscon” segment ng The Boobay And Tekla Show nang mag-guest s’ya doon kamakailan. 

Matagal ding naging maka-love team sina Kris at Aljur kaya nahingi ng mga host ng show na sina Boobay at Super Tekla ang reaksyon n’ya sa paghihiwalay nito at ng misis na si Kylie Padilla

“Oh my gosh. Ang hirap naman. Hindi, kasi nu’ng sila pa ni Kylie, s’yempre love team pa rin naman kami ni Aljur nu’n, e, so nakita ko talaga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa,” pagbabalik-tanaw ni Kris. 

Pero s’yempre, may mga bagay din naman na hindi natin alam, hindi nila sinasabi, o they want to keep to themselves…so, s’yempre, ako, respeto ko ’yon sa kanila.

Matapos nito ay nahingan din s’ya ng mensahe para sa aktor na naging kontrobersyal recently dahil matapos ang hiwalayan nila ni Kylie ay na-link naman ito sa kanyang Nerisa co-star na si AJ Raval. Pinagpiyestahan pa ng netizens ang paghahamon nito via Facebook post sa estranged wife n’yang si Kylie tungkol sa kung sino ang unang nagloko sa kanila na kalaunan ay idinelete din nito. 

Ang tagal ko na s’yang hindi nakakausap. Oo, hindi ko na maalala [’yong huling beses na nakausap ko s’ya],” lahad ng aktres sa show. 

“Actually, hindi ko s’ya na-invite nu’ng wedding ko. Charot!” natatawang sabi pa n’ya. “Hindi, kasi very limited lang ’yong number of guests, e, so parang more on relatives na lang.

“Message ko kay Aljur...thank you. As always, thank you kasi hindi naman natin maaabot ’yong estado natin ngayon sa career natin kung hindi natin pinagbutihan ang trabaho natin as a love team so salamat,” aniya. 

Siguro, ang message ko is ipagdasal natin lahat. Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at kung ano ang para sa ’yo. Amen.

Pero napakabait na tao n’yang ni Aljur, ’di ba? Napakabait talaga n’yan ni Aljur,” pagbibida pa n’ya rito. 

Kinumusta din ni Boobay si Kris sa bago n’yang role bilang may-bahay ni Perry Choi. Last September kasi, matapos ang ilang delays at lockdown, ay ikinasal na sila. 

“Oh my gosh! Alam n’yo ba, hindi pa rin kami nakatira sa iisang bahay,” natatawang sagot n’ya.

Marahil ay under-construction pa ang ipinapatayo nilang bahay. 

Pero thankful daw s’ya dahil si Perry ang naging sagot sa mga dasal n’ya noon. 

Ang sarap ng feeling finally [na ikinasal na ako]. Alam mo ’yon, sa lahat ng pinagdaanan mo in life, like, s’yempre, meron ka ding mga failed relationships then, finally, ito ’yong taong binigay sa ’yo ni Lord na pinagdasal [mo],” paliwanag pa ni Kris. 

Nabago talaga ang mundo ko kasi parang… S’yempre, buhay-showbiz, ’di ba, lagi kang may trabaho, [nasa] spotlight, hindi ka na halos nakakauwi ng bahay, hindi ka na halos nakakatulog. 

Pero nu’ng dumating s’ya sa life ko, naramdaman ko talaga na ang sarap magpahinga, ang sarap magkaroon ng ibang world,” pagtatapos ni Kris.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.